CHAPTER 10: ACCIDENTALLY

8 0 0
                                    

Ma, bat mo naman sinabi ang tungkol kay kathlyn!" Sigaw ni mama kay lola.

Gabi na rin at nagsi-uwian na ang mga bisita namin, kami na lamang tatlo sa sala dahil nasa kwarto na ang dalawa kong kapatid, at sina tita Emily at tito Mateo nagsi-tulugan na rin.

Hinintay lang talaga naming wala nang mga tao para makapag-usap ng masinsinan dito sa bahay.

Pagkatapos ng pag-uusap ni mama at papa kanina, nagpapaalam pa si papa sa akin at babalikan daw niya ako at ipakilala sa pamilya niya. Kinuha pa ang number ko ayaw ko pa ngang sumang-ayon baka mas lalo lang magalit si Marissa at si mama sa akin pero pinipilit ako ni papa ni kesyo siya na daw bahala sa lahat at gustong-gusto niyang makabawi sa akin, sa ilang taon na wala siya sa tabi ko.

FLASHBACK -

"Anak mag-ingat ka palagi ha, Hindi man ako ganoon kalubusang mong kilala, pero gusto kong maging open ka lang sa-akin pasensya kana talaga ha- kung ngayon lang ang papa mo pero hayaan mo saana hayaan mo akong makabawi sa'yo anak ko baka gusto mong tumira kasama ako?" Mangiyak-ngiyak na saad ni papa habang hawak ang dalawang kamay ko.

Sina mama, tita Teresa at si Marissa ay nasa kilid lang nakatingin sa amin.

"Po? Pa, Hindi mo naman kailangan bumawi sa akin, pa a-ayos lang po talaga ako, okay na po sa akin na nakita ko na kayo at wala na po akong ibang mahihiling pa doon, ayos lang po ako kung saan man ako nakatira." Sagot ko sa kanya at tipid na ngumiti.

"Ayos ka lang ba doon sigurado ka? Pero kath may daddy kanang mag-aalaga sa'yo Hindi mo naman kailangan makitira, doon ka na lang sa akin, aalagaan ka namin ni tita Teresa mo, may tindahan din kami at maliit na business doon."

Umiling-iling lang ako sa kanyang sinabi, gustuhin ko mang makasama sy'a pero talagang hindi pwede.

"Naku! Hindi na po papa, ayos lang po ako sa Santa, mahal na mahal po ako sa nagpapa-aral sa akin doon at subrang bait pa nila sa akin, kaya hindi muna kailangan mag-alala pa para sa akin, ayos lang po talaga ako" Tipid na sagot ko sa kanya at ngumiti

Hindi ko pwedeng iwan ang mga nakasanayan ko, mahal ko ang papa ko pero ayaw ko naman maging pabigat ako doon,nakakahiya din kahit na anak pa n'ya ako.

Alam nya na rin na sa Santa Catalina ako nag-aaral dahil sinabi na ni lola sa kanya ang lahat.

"Ang bait naman pala nila, pagpalain sana sila ng poong maykapal bihira lang ang mga taong ganyan."

"Daddy let's go na!." Napabaling kami kay Marissa nang bigla itong magsalita.

"Sige anak, pupuntahan nalang kita doon." Tumango ito at kinuha pa ang wallet nya at kumuha ng 10k at ibibigay sana nya sa akin, dahilan para ito'y aking pinigilan.

Really 10k ibibigay talaga nya sa akin? grabe na talaga ang papa ko. Ehh twenty pesos sobrang laki na nga para sa bulsa ko.

"Naku! Huwag na po, hindi na kailangan-"

"Hindi ba sabi ko sa'yo hayaan mong makabawi ako sa'yo? sige na tanggapin muna ito iha." Mabilis akong dumestansya sa kanya at umiling-iling.

"Pa hindi ko po matatanggap iyan, hindi niyo po kailangan bigyan nyan." Tudo iling-iling ko pa. Simula pa noon hindi ako tumatanggap ng ganoong kalaking pera kahit paman hindi iyon masyadong malaki para sa iba.

BITUIN NG PAG-ASA Where stories live. Discover now