Chapter 13

865 4 6
                                    

Tinapik ko na si Cher nang makapag park at makarating na kami sa bahay. Mukhang napagod siya para makatulog ng ganon kahaba sa byahe.

"Hmm.." pagdilat ay umunat siya.

Tinignan niya ako. "Nandito na tayo." sabay tanggal ng seatbelt at abot sa kan'ya ng susi.


"Wait, what time is it?" tanong niya.


I glance at my watch to see. "It's almost 6 o'clock PM. Why?"

"Shit." agad niyang tinanggal ang seatbelt niya.

"Why?" takhang tanong ko pa.

"I have an appointment online with my client. Bye!" agad siyang bumaba at kumaripas nang takbo sa bahay.


Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na sa kotse. Sumalubong si Serille pagpasok ko sa loob.

"Kuya? Ano nangyari kay ate Cher? 'Saka saan kayo galing?" bungad niya.


Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "May work na aasikasuhin si Chermaine. Tapos si Jaihee hinatid lang namin." maikling sagot ko.


Tumango naman siya. "Kumain ka na ba?"

"Opo, kuya Ru. Ikaw kumain ka na, parang nangangayayat ka e." tumingin ako sa katawan ko.

"Parang hindi naman, ang macho ko kaya." sabay pose ng arm flex.

"Yabang talaga ng kuya ko." nguso niya kaya natawa na lang ako at dumiretso na sa kusina.

Naalala ko si Cher, hindi pa nga pala siya nakain simula nung byahe. Makakaligtaan niyang kumain since busy siya sa taas. Nag prepare lang ako nang meal na lulutuin ko para sa'kanya. Ayoko naman magutom siya.

After ko maluto yung specialty ko ay hinanda ko na sa tray yung pagkain kasama na yung juice at tubig. Umakyat ako at napansin kong wala siya sa kwarto ni Serille. Dumiretso ako sa kwarto ko at nakita kong naroon siya, may tina type at may kausap. Tahimik lang akong pumasok, habang papalapit ako ay hindi ko mapigilan pagmasdan kung gaano siya ka focus at seryoso. Parang hindi siya yung isip bata at mayabang na Cher. Grabe ang work of ethics at professionalism niya.

Nilagay ko sa gilid nang table niya yung pagkain. Nagulat pa siyang tumingin sa'kin, hindi niya yata ako napansin na pumasok.

"Kumain ka na." mahina kong sambit at akmang paalis nang hawakan niya yung kamay ko.


Napatingin ako sa kamay niyang kahawak sa'kin sabay tingin sa'kanya. Pinindot niya yung mute button habang nakatingin sa'kin.

"Stay with me." sambit niya.


Ilang segundo akong nakatingin sa'kanya bago ngumiti at tumabi sa'kanya. I sit alongside her and watch her converse with her client while typing on her laptop. Napahalumbaba ako habang manghang-mangha sa mga lumalabas sa bibig niya.

Not only is she stunning, but she also possesses intelligence and works hard in her profession. But I have to say, she still acts like a student when we talk. Umunat siya nang matapos ang meeting niya. Napansin kong suot niya pa rin pala yung t-shirt ko. Tumayo ako at kumuha nang bagong damit, yun kasi yung nabasa gawa nang festival.

Paglapit ko ay inabot ko sa'kanya yung bagong t-shirt. "Magpalit ka, yan yung damit ko kanina pa e." inabot niya yon at biglang naghubad nang t-shirt. sa harap ko.


Napalunok ako at napatalikod. Ni hindi niya man lang ako hinintay na makaalis. Talagang babaeng 'to napaka balahura.



"Okay na, thank you." pagharap ko ay nakabihis na siya at nakangiting inabot yung pinaghubaran niya.


The Taste of InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon