Chapter 70

615 3 0
                                    


"Kaya kong tiisin na mawala ka sa'kin, Chermaine.. pero hindi si Jaihee."

Malaking katangahan at kasinungalingan ang mga salitang dinura ko. I had been lying to her about every hurtful thing I just said. Hinding-hindi ko siya kayang tiisin. Wala akong ibang babaeng nakikitang lubos kong mamahalin bukod sa kan'ya.

Hindi ako magsasawang piliin siya kahit pa sa kabilang buhay. Kung mabubuhay ulit ako sa panibagong katawan, sigurado akong hahanapin at kikilalanin ko ulit si Chermaine.

Pero sa ngayon, kailangan ako ni Jaihee. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil sa kalagayan niya. Kailangan kong tumayo bilang best friend ni Jaihee. Kung may pagkakataon man na maging maayos si Jaihee at makatayo sa sarili niyang paa. Babalik ako kay Chermaine, susubukan ko siyang bawiin.

Even if I am not fortunate enough to have her again, she'll always be the one I choose to be with. Kahit pa maging matandang binata ako sa paghihintay ko sa kan'ya ay ayos lang.

Marahan siyang napayuko at naglakad para lagpasan ako.

Nilalabanan ko yung katawan kong hilahin siya at yakapin ng mahigpit dahil ayoko siyang pakawalan. Nilalabanan ko yung puso ko na bawiin lahat ng mga sinabi ko dahil ang totoo, hindi ko siya kayang mawala.

Ang tanga ko dahil kaylangan ko siyang saktan para iligtas yung buhay ni Jaihee.

Humarap ako at mabagal na naglakad para sundan siya. Halos matuyuan ako nang lalamunan habang pinagmamasdan ko siyang nanghihinang humakbang palayo sa'kin. Gusto ko siyang buhatin para alalayan dahil alam kong iniinda niya yung mga gasgas sa tuhod niya.

Kahit pa nakatalikod siya alam kong umiiyak siya dahil sa galaw ng kamay niya para punasan ang mga luha niya.

Mabigat ang mga hakbang ko nang mapansin ko si Bry. Nagkatinginan pa kaming dalawa.

Ang totoo, pinatawag ko siya para sunduin si Cher ngayon. Ayokong magmaneho siya nang ganito ang lagay niya. Masyadong delikado kung magda-drive siya nang wala sa sarili.

Gusto ko rin samahan siya ni Bry para pagaanin kahit papaano yung loob niya dahil hindi ko na 'yon magagawa pa. I am no longer able to comfort her with my own embrace. I can no longer wipe away every tear she sheds over the pain I have caused her. It is no longer possible for me to soothe her frigid heart with my own kiss.

Pero pangako ko na kapag natapos lahat ng laban ni Jaihee na kasama 'ko. Pupunan ko 'yon lahat.. Lahat ng pagkukulang ko.

Napatigil ako para panoorin si Chermaine na yakapin si Bry. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan siyang humagulgol sa bisig ni Bryant.

Dapat ako 'yon. Ako dapat ang nand'yan para kay Chermaine, pero ako 'tong dahilan kung bakit siya nagdurusa ng ganito.

Ako 'tong nagpapahirap lalo sa kan'ya.

Sinundan ko sila ng tingin habang inaalalayan siya ni Bry hanggang sa makalabas. Kitang-kita ko sa salamin nitong hospital ang pagpasok nilang dalawa sa kotse ni Bry. Hindi pa rin tumitigil yung pagpatak ng mga luha sa pisngi ko kaya naman mariin ko 'yong pinunasan at napapikit.

I have never wept so much in one sitting before, until now. My tears usually come in small streams from one eye at a time. Now, it feels like a limitless faucet, with a throbbing throughout my heart and a warm feeling inside me.

I slowly lifted my gaze, and damn, in just a moment, Bry was right there, kissing her inside his car. It fucking completely shattered me. Kahit gusto ko sugurin si Bry hindi ko magawa.

Wala akong karapatan. Siguro nga tama lang na gawin niya 'yon. Mas kaya niyang protektahan si Chermaine kaysa sa'kin.

Umiwas ako ng tingin at muling pinahid ang luha ko bago maglakad pabalik sa infirmary room. Pagbukas ko ng pinto sumalubong yung Doctor niya kaya pareho silang napalingon sa'kin.

The Taste of InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon