Reminiscing

2.5K 22 9
                                    

A/N: Pagpasensyahan nyo na po tong story ko pero addict talaga ako sa magpinsang Lexi at Red. Fanfic po ito ng Our Suicide Pact by Kyrambutan pero nasa account ng multiplepsycho, maikli lang po to.. Sana po magustuhan nyo, first time ko magsulat. Again thanks and kindly play the video on the mmb... :);'

Enjoy Reading!

RED POV

Bunso! I'm sorry... Sorry talaga alam kong mali pero ito ang makakabuti sa ating lahat...

Kuuuyaaa.... -Lexi

AHHHHHHHH!!!!!! 

"Limang taon na, limang taon na ang nakakaraan mula nung nawala si Lexi, pero bakit ngayon? Bakit ngayon ko na lang sya ulit napanaginipan?"

Kinuha ko ang aking cellphone upang icheck kung anong oras na nga ba."Alas nuebe na rin pala ng umaga, teka may voicemail..."

2 voice mail waiting

From: Robbie

"Red! ano na balita sayo pare? Magparamdam ka naman, taon na rin nung huli ka namin nakita ah! ni address mo dyan sa Korea di mo binigay. Pare call me back once you received my message.." 

Beeep

From: Peter

REDENTOR!!! Saang lupalop ka naba naroon? Hoy magparamdam ka naman! Kelan kaba uuwi ng Pinas huh? Aba kina-career mo na yata ang pagiging child psychologist mo ah! Sana makauwi ka man lang dito sa pinas, namimiss kana namin ni Master Robbie. OO nga pala pare baka magpropose na ako kay Mack, sana naman mapasagot ko sya ng matamis na OO nang walang kasamang hambalos at bugbog, alam mo naman yun, cariño brutal ang gusto.... ahahahah. Cge pare tawagan mo nalang kami ni Master at susunduin ka namin sa airport.

Beeep

Calling: Mommy

Hello mommy... 

Anak! Happy birthday! Namimiss na kita, kailan kaba uuwi ng Pinas?

Mommy di ko pa po alam...

Alam mo naman na hindi ko maiwanan ang orphanage dito, di kita mapasyalan dyan. Sana  naman ikaw ang magkaoras na dalawin ako.

Sorry po, kasi busy lang po talaga...

Limang taon na anak, alam ko masakit pa rin sayo at hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa pagkamatay ni Lexi. Anak, mahirap man pero mag move on kana, alam kong di madali, pero yun ang dapat. Hindi naman ibig sabihin na nagmove on na tayo tuluyan na nating nakalimutan si Lexi...

Mommy, sige po susubukan ko at pag handa na ako uuwi na po ako...

Aasahan ko yon anak... I love you, happy birthday ulit!

Thank you! I love you mom!

Pinatugtog ko yung kanta ni Lexi, paborito nya ito kaya naman hanggang ngayon nasa phone ko pa.  Hiniling nya na patugtugin yon sa libing nya..

Tuluyan na rin tumulo ang namumuo kong luha habang pinakikinggan ang kanta.

It's a long long journey

Till I know where I'm supposed to be

It's a long long journey

And I don't know if I can believe

When shadows fall and block my eyes

I am lost and know that I must hide

It's a long long journey

Till I find my way home to you...

Naalaala ko kung paano ang sakit at pighati na pinagdaanan ni mommy at hinding hindi ko yun makakalimutan dahil sa tuwing naiisip ko yun, patuloy pa rin nanariwa ang pagkamatay ni Lexi...

Pero tama si mommy, hanggang ngayon nabubuhay pa rin ako sa nakaraan. Nakaraang mahirap ng ibaon sa limot.

Napagpasyahan kong kumuha ng Psychology specifically Child Psychology dahil gusto kong makatulong, well pangalawa na lang siguro yon dahil ang dahilan ko talaga si Lexi. Siguro sa ganitong paraan gagaan ang pakiramdam ko sa mga nangyari. Magiging masaya si Lexi kung  makakatulong ako sa mga batang nawawala sa tamang landas...

A/N: thanks po sa pagbasa… vote and comment po are very much appreciated!

Pasensya na po if  lame… 

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon