Touchdown

474 14 11
                                    

A/N: Dedicate ko din pala tong chapter sa aking bestfriend na si Aice Ocampo and to my friend Weng Ala.


Pasensya na po kung late update. Kailangan ko pa kasing humugot ng inspiration. Dahil dine-dedicate sa akin ng magaling at idol kong writer na si Kyrambutan ang Fear 15: Operation : Capture the Rook ng Fear thy Pact ,.. Charan! UD na!


Happy Reading!

“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 9:40 am and the temperature is 27 degrees Celsius…

…On behalf of ***** Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!”

 

RED POV


Hay… Ilang taon rin akong di umuuwi, ilang taon rin akong tumakbo at nagtago. Ito na nga yata ang tamang panahon para harapin ko ang buhay na matagal kong isinantabi.


Naglakad na ako palabas ng airport para kunin ang bagahe ko at lumabas na ng gate. Hinanap ko sila. Wag lang sana silang malelate dahil patay sa akin ang manyakis na yun. 


“REDENTOR!!!!” Malakas na sigaw ni Peter. Lumapit na ako sa kanila.


“Welcome back pare!” Nakingiting salubong sa akin ni Robbie sabay yakap.


Lumapit sina Sidney, Mack at Peter. Isa-isa silang yumakap sa akin. “Welcome home!” masayang sabi  din ng dalawang chicks.


“Ano ba yan? Ako lang ang walang partner ah. Teka lang, nagugutom na ako, saan nyo ba ako pakakainin?” nakangising tingin ko kay Peter.


“Haist! Posporo! Hanggang ngayon ba naman di pa rin nagbabago yang sikmura mo? Napakalaki pa rin at pagkain agad ang bungad mo? Di kaba nila pinakain sa eroplano?” Pabirong sabi ni Peter


“Eh ikaw di ka pa rin ba yumayaman ng dahil sa kakunatan mo? Kahit kelan napaka kuripot mong manyak ka! Manlibre ka naman!” Hirit  ko kay Peter


“Hep hep hep, tama na yan at baka magkapikunan pa kayo! Tara na kain na tayo. Oo nga pala pare san ba balak mo pagkatapos nating kumain?” tanong sa akin ni Robbie


“Ah sa orphanage tayo, isusurprise ko si Mommy, di nya alam na uuwi ako, matagal na rin nyang hinihiling na umuwi na ako. I think it’s the right time na pagbigyan ko sya, anyway mahabang panahon na rin naman ang nasayang. Tara na nga at baka magkadramahan pa tayo dito…” ako

 

-------------------------------------

Mrs. Conception POV


“Ang dami na palang nagbago dito sa orphanage…” dinig ko sa isang napaka pamilyar na boses.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon