Tribute

422 12 16
                                    

A/N: Sorry po late UD… Dedicated po to syempre kay @multiplepsycho @sheen_2pm & @Psychoticreader1118. Maraming salamt sa suporta nyo.. 

Enjoy Reading!

“Let not your hearts be troubled. Believe in God; believe also in me. In my Father’s house are many rooms. If it were not so, would I have told you that I go to prepare a place for you? And if I go and prepare a place for you, I will come again and will take you to myself, that where I am you may be also. And you know the way to where I am going.” John 14:1-4

THIRD PERSON’S POV

Kakatapos lang ng misa, ngayon magsisimula na ang ikalawang bahagi ng programa para sa 5th anniversary ng mga estudyante ng Jeongsin Academy. Tumatayong master of ceremony si Sidney Sheen na isa na sa mga respetadong staff ng nasabing paaralan.

“Good evening everyone! When we lose someone that is important to us, we are left with a feeling of sadness, we mourn. Whether it is a relative or even precious friend, the loss is definitely hard to bear...  Tonight, we are here to remember all the memories they have shared with us, to pay tribute to them, only then, can we move forward into our lives…” Sidney Sheen

Tinawag na ni Sidney Sheen isa-isa ang mga magsasalita, pamilya, kamag-anak  at kaibigan ng mga namatay sa Massacre.

“And now let me call in Mr. Robbie Chen…” unang tinawag ni Sidney Sheen ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.

---------------------------------------------------------------------------------

(please play the video/song at mediabox)

ROBBIE POV

Kinakabahan ako, pero ng tawagin na ni Sidney Sheen my loves ang pangalan ko naalala ko ulit si Rain. Pumunta na ako sa stage para ibahagi na ang aking speech.

“Good evening! I am Robbie Chen, Rain’s cousin. Five years ago, aksidenteng nagkita ulit kami ng pinsan ko dahil sa isang dare. Tandang tanda ko pa noon, hinarangan nya ako at tinawag nya akong Basilio. Nung time na yon masaya ako nakita ko uli ang pinsan ko, ngunit hindi ko alam na yun na pala ang huling pagkakataon na huli ko na syang makakasama. Noong mga panahon na yon tinaningan si Rain dahil sa kanyang sakit na leukemia, kahit batid na naming na anytime mawawala sya sa amin, hindi ko pa rin lubos maintindihan kung bakit kailangan pa nyang mawala sa paraang brutal. Minsan tinanong ko ang Diyos, hindi pa ba sapat na bigyan ng sakit ang pinsan ko upang magdusa sya? Kailangan bang maranasan nya ang ganoong karahasan? Maraming tanong ang pilit kong hinahanapan ng sagot, hanggang nasabi ko na lang na marahil may dahilan SIYA para sa pinsan ko… Marahil ngayon masaya na sya sa piling ni AMA. Masaya na sya kasama ang mga kaibigan at higit sa lahat ang kanyang mahal. Habang buhay ko siyang alalahanin bilang isang mapagmahal na pinsan. Rain… kung ano ako ngayon, yun ay dahil sayo, pipilitin kong makamit lagi ang hustisya…” pinilit kong tapusin ang speech ko kahit parang may bura ang lalamunan ko.

“Maraming salamat and goodnight…” bilang pamamaalam ko.

----------------------------------------------

PETER POV:

“And now here’s one of the survivor, Mr. PETER VICENTE…” malinaw na dinig kong tawag ni Sidney Sheen sa pangalan ko, hudyat na it’s my turn. Palakad na akong pumunta sa stage, pero parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa nerbiyos, ngayon ko lang gagawin to sana ito na rin ang huli.

“Umm, mic test.. Hi magandang gabi po sa inyong lahat. I am Peter Vicente mas kilala po sa tawag na last pawn standing… Nakakahiya man pong aminin pero five years ago, isa po akong litong teenager… Naisip ko,.. namin na sumali sa isang pact. Akala namin kung anong kalokohan lang ang suicide pact na ito. Di po kami sumipot noon sa nasabing lugar kung saan kami magpapakamatay ng sabay-sabay. Siguro dahil sa takot na rin at medyo nakapag isip na kami ng tama. Kaso hindi rin pala kami nakaligtas kay kamatayan, inisa isa nila kami. Isa lang palang patibong ang suicide pact na yon para may maging pawn sila sa larong nilang chess…” Nagsimula ng mamuo ang mga butil sa mga mata ko. Para akong nasa time machine na ibinalik sa pangyayaring yon. Nagkuyom na lang ang kamay ko habing inaalala ang lahat ng yon.

“Nagkiusap kami sa kanila na wag kaming saktan pero di sila nakikinig. Mas nasisiyahan pa sila sa tuwing makikita ang takot sa aming mga mukha. Nalilibang sila pag nagtatago, tumatakbo at naghahanap kami ng paraan upang makatakas. Di ko lubos maisip na mararanasan naming ang ganoong karahasan. We did beg for our wasted F***k up lives… pero wala talaga sila ng konsensya… Madalas kong itanong, what did I do to be such deserving person? Alam kong hindi ako naging mabuting anak gaya ng pinapangarap ng lahat ng magulang. Di ko rin masasabi na napakaperpekto kong kaibigan. Having third life was too much. From then on, I swore on the grave of friends, I will not live my life a meaningless one. Gagawa ako ng paraan para maprotektahan ang mga tao at wag maging biktima ng karahasan… Guys, kung nasaan man kayo ngayon, para sa inyo mga achievements at magiging achievements ko pa. Di man namin kayo kasama pero mananatili kayo sa mga puso naming lahat, you will always be remembered… thank you” tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at umalis na ako sa stage.

Sinalubong ako ng yakap ni Mack at naluluha din sya. “I’m proud of you babe… and I will always be!”

“Thanks sweetie…” (*sniff sniff*) Alam kong napakswerte kong nilalang, nabigyan ako ng higit pa sa dalawang buhay at ngayon yakap yakap ko ang napakahalagang tao sa buhay ko.

“Sweetie, nakita mo ba si Red? Sabi nya dadalo sya ah? Sana pala di na ako pumayag nung sinabi nyang mauna na tayo at susunod na lang sya. Bakit wala pa? Ano bang nagyari dun?” biglang tanong ko kay Mack ng napansin ko wala si Red.

------------------------------------

THIRD PERSON’S POV

Samantala sa isang parte ng Auditorium…

Lingid sa kaalaman ng lahat maliban sa isang staff at kay Sidney Sheen, seryosong nakatayo si Red sa isang parte ng backstage at nag-aabang ng pag kakataon.

“Iho, ready na ang lahat. Naghihintay na lang ng go signal si Ms. Sidney Sheen” sabi ng isang staff kay Red

“Maraming salamat po. Nakahanda na po ako…” Red

Sumenyas na ang staff at nakita na nga ni Sidney Sheen ang hudyat.

“Magsisimula na”…bulong ni Red sa sarili

A/N: sniff sniff ** naiiyak ako, parang di ko nakuha yung goal kong mapaiyak kayo.. huhuhuhu… pasensya napo kung naging lame ang chapter na to at kung may mga mali… Maraming salamat po sa patuloy na pagbasa…

BTW, Ano kaya yung gagawin ni Red? Sidney sheen alam mo ba?

Comment naman po kayo, Vote and follow me!  

---yish

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon