Nostalgia

653 15 7
                                    

A/N: At dahil na inspire ako ni author Kyra ( @multiplepsycho ), mag uupdate na ako ng bongga... sipag mode lang... Salamat po sa time in reading this... ;)

Enjoy Reading!

RED POV:

Oh yeah right it’s my birthday! Nothing special to celebrate. Malayo ako kay mommy at sa mga kaibigan ko.

Napagpasyahan kong pumunta dito sa park para magpalipas oras. Dito rin ang paboritong park namin ni Lexi noong bata pa kami, sa tuwing pupunta kami ng Korea nila Mommy, Daddy at Lexi.

Habang nakaupo ako, may batang naglalaro, magkapatid siguro sila. Matanda ang batang lalaki at hawak hawak nya ang kamay ng batang babae. Nakakaaliw silang panoorin. Haist! Parang kami lang ni Lexi.

Biglang bumitaw yung batang babae dun sa batang lalaki at tumakbo palayo. Pagbalik nito kasama na nila ang Daddy siguro nila at may dala itong kahon.

“Yu-ri dangsin dongsaeng-ege keikeuleul jegong” sabi nung matandang lalake dun sa batang babae

Kinuha nung batang babae ang laman ng kahon at binigay sa batang lalaki..  “Oppa, Saeng il chuk ha hae!” sabi nung batang babae sa batang lalaki.

Walastik! Kabirthday  ko pa ang batang yun! Naala ko pa tuloy lalo si Lexi, di yun nagmimintis kakabigay sa akin ng cake tuwing birthday ko.

Haist! Makapaglakad na nga lang, ah tama punta na lang ako ng mall.

Habang nasa mall ako di ko naiwasang mapadaan sa record bar, titingin ako ng bagong album ng mga KPOP nang biglang…

♫♫ “I love you You love me 

We're a happy family 

With a great big hug and a kiss from me to you.

Won't you say you love me too..” ♫ ♫

Yung kantang yon! Yung kantang lagi kong kinakanta kay Lexi pampatulog, well ibang version nga lang ang sa amin.

 Ayos! Ayos na Ayos! Tadhana nga naman! Ito ba ang Birthday gift ko? Anong meron sa araw na to?

Naglakad lakad nanaman ako bigla nanaman bumalik sa akin yung mga katagang yon…

Kuya… di ako makatulog, kantahan mo ako ng lullaby…

♫ ♫ I love you, you love me, let’s go out and kill barney…

With a shotgun, bang, bang

Barney on the floor, no more baklang dinosaur… ♫ ♫

Laging nagrerequest sa akin si Lexi ng Lullaby pag inaatake sya ng nightmares. Hanggang sa huling sandali ng buhay nya yun pa rin ang hiniling nya sa akin.

Pasensya kana bunso, ni hindi ko man lang natapos at nakanta sayo yung pinangako kong lullaby… Akala ko kasi babalik kapa noon galing dun sa retreat house, kung alam ko lang sana naparinig ko yun sayo ng maaga…

Nostalgia… Parang ang haba ng araw na ito para sa akin, ito ang araw ko pero parang ibinalik nanaman ako sa nakaraan. Marahil tama nga si mommy, kailangan ko ng mag move on. Kailangan ko ng harapin ang tinalikuran kong buhay sa pinas. I have to let go of you bunso…

Peter POV

 Brrrrrrr….

1 Message received

From: Redentor Posporo

Hoy, supermanyak! Be at NAIA tomorrow 10am sharp with Robbie!

Napakunot ang noo ko sa nabasa kong message. Minsan lang magtext si Redentor ganito pa.. ano daw??? Bulong ko sa sarili ko…

Loading…

Loading…

Loading…

Pak!

Hoy ano ba yan?! Kanina kapa tulala dyan ah! Kaw talaga! siguro sinusumpong ka nanaman ng kamanyakan mo at porn ang pinapanood mo at mga scandal na video yan!! Mack

Huh? Ako

Akin na nga yan phone mo… Oh si Red nagtext? It’s been a while huh!

At binasa na nga ni Mack ang message…

Woah! si Red uuwi na!!! Dali na tawagan mo na si Robbie! Wag mong sabihing na shock ka? Or worst di mo gets? Kaw talaga ang hina mo! Di ko tuloy manlaman paano ka nakasurvive sa dalawang massacre! Haist ano ba kasing nagustuhan ko sayo?!!  Mack

Habang nagtatatalak si mack ako naman di ko maintindihan ang nararamdaman ko.. Sa wakas Red, magkikita na din tayo… sa wakas…

A/N: thanks po sa time, sana nagustuhan nyo po.. feel free to comment and vote!

Yung pong mga Korean phrases, ibig pong sabihin “give the cake to your brother” at Oppa, happy birthday! Ehehe sowee nag google lang po ako,para naman po kasi kapanipaniwalang nasa Korea ang atin bida… ehehe

Kung may questions po lalo na kung naguguluhan please feel free to ask.. J

---yish

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon