Lullaby on a stormy night

534 24 20
                                    

A/N: Dedicated po sa inyong lahat ng READER lalong lalo na sa mga walang sawang sumusuporta sa story na to ( @NckyRmrz , @ShaneUStyles , @Psychoticreader1118 , @sheen_2pm )

@multiplepsycho (Kyra) kung di dahil sa story mo wala akong naisulat.. salamat!

Kung may mali pagpasensyahan nyo na po…

Enjoy Reading!!!

THIRD PERSON’S POV

Nang makita na ni Sidney Sheen ang go signal ng isang staff na kinasabwat rin ni Red, inihanda na nila ang stage para sa panghuling programa, ibinaba muna nila ang telon para hindi makita ang preparations. At ilang minuto lang nakahanda na ang lahat, muli nagsimula nang magsalita si Sidney Sheen para sa panghuling bahagi.

“Ladies and Gentlemen, a friend of mine asked me a favor to be a part of this program. He wanted this part to be surprise.  At first, I am very hesitant but when I saw his sincerity on his eyes I didn’t have a second thought and I said YES. And now, last but not the least, May I present to you Mr. Red Adriano…”

Nabigla at namimilog ang mga mata nila Mrs. Conception, Robbie, Mack at Peter. Hindi nila inaasahan na magkakaroon ng surprise presentation si Red.  Kilala nila ito bilang isang maloko at di madramang tao. Buong akala nila ay nagback out na ito at di na dadalo.

Lumakad si Red papunta dun sa kinaroroonan ni Sidney Sheen. Nagbigay daan naman si Sidney Sheen upang makapagsimula na sa speech si Red.

--------------------------------------

RED POV

“Magandang Gabi po sa inyong lahat. Ako nga po pala si Red, pinsan ko si Lexi. Bago po ang lahat gusto ko pong magpasalamat kay Sidney Sheen at kay Mr. Staff at nabigyan ako ng pagkakataon upang makasali sa programang ito…

Limang taon na ang nakalipas noong nangyari ang Jeongsin Massacre. Ang iba po sa atin na narito naka move on na, hindi man tuluyang na nakalimutan ang pagkawala nila sa mga mahal nila sa buhay pero kahit paano wala na yung sakit na nararamdaman nila, wala na yong poot…

Sa sobrang pagmamahal ko po kay Lexi nang mawala sya sa amin ni Mommy pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo, kahit nakamit po natin ang hustisya namuhay pa rin ang poot sa puso ko. Nakamove on na ang lahat pero sa wari ko namumuhay pa rin ako sa nakalipas…

Noong nagbirthday po ako this year, nagkausap kami ni Mommy or kilala bilang si Mrs. Conception, Lexi’s mom. Noong panahon nga pong yon, sinabi nya sa akin na mag move na, hindi na man daw ibig sabihin na nagmove na kami ay nakalimutan na namin si Lexi. That same day, parang lahat nostalgia, parang ibinalik ako sa nakaraan, kahit saan ako magpunta nandun ang mga alaala ni Lexi. Para tuloy sinabi sa akin ni Lexi na “kuya mag move on kana at dahil doon narealize ko na tama nga si mommy, kailangan ko na ngang mag move on at harapin ang buhay...” Kahit na may bara sa lalamunan ko pinipilit ko parin na magsalita.

“Lexi, araw-araw tinignan ko yung mga picture natin, muling bumalik yung mga happy memories, sumasaya ako pero sa twing maiisip kong wala kana sa amin nalulungkot nanaman ako, it brings me comfort but then pain and grief takes place… Patawad bunso kung hindi ka naprotektahan ni kuya, patawad kung nabigo kita at wala ako sa tabi mo nung panahon higit na kinailangan mo ako. Mahal na mahal kita, mahal ka namin ni mommy…”

Naglakad na ako papunta sa gitna, binuksan na rin nila ang telon na nagtatakip sa kalahati ng stage. Pumunta ako sa grand piano na nasa gitna. Umupo ako sa tapat ng piano at pinilit sinariwa ang lahat ng ala ala naming ni Lexi. Pinatay na ng mga staff ang ilaw at ang napakalaking Glitter light lang ang nagsisilbing ilaw sa auditorium.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon