"ANO ngayon ang plano mo, Viola?" tanong ng matanda sa dalagang nasa tapat ng bintana.
"Hindi ko alam, Aling Meding," malungkot na tugon ni Viola. Kagabi pa niya pinag-iisipan iyon.
"Narinig ko, hija, ang sinabi sa iyo ni Mr. Teng sa libing ng mama mo noong isang araw. Ngayong Lunes ka niya kakausapin," nag-aalalang wika uli ng matanda.
Hindi sumagot si Viola. Muling namuo ang luha sa mga matang may kung ilang araw ding hindi tinigilan sa pagdaloy ng luha.
Ang bahay at lupang iniwan ng mga magulang ay nakasanla kay Mr. Teng. Wala siyang alam na paraan kung paano mababayaran ang pagkakasanla niyon maliban pa sa sinasabi ng intsik na utang ng kanyang ama sa sugal na humigit-kumulang ay beinte mil. At ngayong araw na ito ang taning ni
Mr. Teng sa kanya.
"Hindi ba't may dalawang kapatid ang namayapa mong ama sa Amerika, Viola. Humingi
ka ba ng tulong sa kanila?"
"Noong mamatay ang Papa ay ipinaalam ko sa kanila pero gasino na ang kapirasong sulat nilang sagot bilang pakikiramay..." Maliit pa siyang bata nang manirahan sa ibang bansa ang dalawang kapatid ng ama niya. At ayon na rin mismo sa kanyang ina ay hindi malapit ang papa niya sa mga kapatid nito dahil anak ito ng lolo niya sa unang
asawa.
"Kung may magagawa lang akong tulong, Viola. Pero alam mo namang nagsasaka lang si Mang Berto mo sa bukid na hindi pa sa amin."
"Huwag ninyo akong intindihin, Aling Meding. Iyong pagdamay ninyo sa amin mula nang magkasakit ang Mama ay sobra-sobra na po.
وو
Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng mga katok mula sa malaking pinto sa sala. Nagkatinginan ang I dalawa. Bakas ang pagkabahala sa mga mukha. "B-baka si Mr. Teng na po iyan..." bigla ang
pagbangon ng kaba sa dibdib niya.
"Ano'ng sasabihin mo, Viola?""Ewan ko po. Makikiusap marahil na bigyan pa niya ako ng palugit," aniya na atubiling tinungo ang pintuan na mabigat ang mga hakbang.
Sa labas, muling kumatok ang naroong lalake. Tahimik ang buong paligid ng kabahayan at naisip na maaaring walang tao. Akma itong tatalikod upang umikot sa may bandang likuran ng bahay nang marinig ang mahihinang yabag mula sa loob.
Lumangitngit ang pintuan na bahagya nang bumukas. At sumungaw ang pinakamagandang mukhang nakita niya sa napakatagal na panahon.
"Violeta..." isa lamang iyong kibot ng mga labi niya subalit nabasa iyon ng nagbukas ng pinto. Bahagyang nilakihan ang bukas.
"Dalawang araw nang naililibing ang Mama: Ako si Viola. Sino po sila?"
Napapikit ang lalake sa narinig. Bahagyang umatras at tumingin sa itaas. Nakita ni Viola ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
"Sino sila?" pag-uulit ng dalaga bagaman gusto niyang isiping nagkita at nakilala na niya ang lalaking kaharap. Ganoon pa man, alam niyang hindi kabilang ang lalaking ito sa nakiramay sa kanya noong libing ng ina.
lalake
Saka pa lamang tila biglang nakabawi angl sa kung anuman ang nadarama nito at muling humarap sa kanya."Gio. Sergio Arrieta..."
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa pamilyar na pangalang ibinigay ng kaharap. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Kung hindi sa namimighating kalagayan ay mangingiti
sana siya. So, this is the famous Gio Arrieta!
Hunk. Iyon ang impression niya rito. Bago niya naipagbili ang television nila ay paborito niya si Mack. Ang partner ni Cheryl Ladd sa One West Waikiki. At tila si Mack ang tingin niya sa kaharap. Matangkad. Naka-polo shirt ng Giordano na mint green ang kulay.
Dinaig ng biglang pagbangon ng galit sa kanyang dibdib ang paghangang iyon. Nakita ng lalake pagrehistro ng galit sa mga mata ng dalaga na agad ding nawala.
"Maaari ba akong tumuloy?"
"Please come in, Mr. Arrieta..." Binuksang tuluyan ng dalaga ang pintuan. Nagpatiuna siyang pumasok sa kabahayan kasunod ang lalake.
Nilinga ng lalake ang pamilyar na kapaligiran. Malinis ang bahay subalit wala na roon ang mg bakas ng karangyaan.
Sa pinakasulok ng malaking sala dinala ng
dalaga ang panauhin. Muli, napailing ang lalake
nang mapunang wala na roon ang piano."Sino ang panauhin mo, Viola?" tanong ni Aling Meding na nakatuon sa lalake ang mga mata.
"Siya po si Mr. Arrieta, Aling Meding," sagot ni Viola na lumingon sa lalake. "O, attorney...sa halip na mister? Siya si Attorney Arrieta," kung may kaunting himig ng panunuya o hinanakit ang tinig niya ay hindi mahulaan ng panauhin.
"Kumusta na kayo, Aling Meding? Natatandaan pa ho ba ninyo ako?" sagot ng lalake na inabot ang kamay sa nabiglang matanda.
"G-Gio? Gio! Ikaw nga ba?" mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng lalake. "Diyaske, at ikaw nga! Kaytagal mong nawala. Nababasa namin ni Mang Berto mo sa peryodiko na isa ka na ngayong magaling na abogado!"
Hindi sumagot ang lalake maliban sa ngiti at sinulyapan si Viola na muling kinakitaan ng galit. Umiwas ng tingin ang dalaga at tumanaw sa labas ng bintana.
"Nabalitaan mo ba ang pagkamatay ni Violeta?" patuloy ng matanda na bumaba ang tinig. "Nailibing na siya kamakalawa, Gio. Hindi ka na umabot. Ulilang lubos na ngayon itong si Viola.
وو
Umubo nang mahina si Gio. Nag-alis ng bara sa lalamunan. Sinulyapan ng matanda si Viola na nakatalikod at nakatanaw sa labas ng bintana. Pagkatapos ay muling tumingin sa lalake."A, eh, tutuloy na muna ako, Viola, Gio Dumaan ka sa bahay Gio, bago ka umalis. Natitiyak
kong matutuwa si Mang Berto mo.
Tango at ngiti ang isinagot ni Gio na sinundan
ng tanaw si Aling Meding palabas. Muli siyang tumikhim bago nagsalita
"Nakikiramay ako, Viola...
وو
Marahan siyang hinarap ng dalaga. Napakaganda nito na lalo pang pinatingkad ng malungkot na mga mata at ng emosyong hindi mawari ng lalake.
Sa biglang tingin ay kahawig ito ng ina. Ang mga mata, ang ilong, ang hugis ng mukha. But her lips was hers alone. Mga labing tila nag-aanyayang hagkan.
Biglang kumurap si Gio. Nakadama ng pagkapahiya sa analisasyon. Sa edad niyang treinta y singko ay hindi siya isang moonstruck teenager na napapadala sa ganoong mga paghanga.
"May sadya kayo, Attorney Arrieta?" pormal
na tanong ni Viola.
"Drop the formality, Viola. You can call me by
my name.
"Hindi ko tinatawag ang mga kaibigan ng
Mama sa pangalan nila, Attorney Arrieta..." sagot ng
dalaga sa malamig na boses."Hindi ako isang ordinaryong kaibigan lang, Viola. Malaki ang utang na loob ko sa matandang Alfonso. Sa...lolo mo.
Mabilis na tumalikod si Viola upang itago ang pait, lungkot at galit na pinagsama-samang rumehistro sa mukha niya. Subalit nahagip ng tingin ni Gio iyon.
"Pero wala ka rito noong mga panahong kailangang-kailangan ng Mama ng tulong mo. Ng pagdamay mo. Pagkatapos ay sasabihin mong hindi ka isang ordinaryong kaibigan? Na malaki ang utang na loob mo sa lolo?"
"Viola..." damang-dama ng lalake ang mga emosyong nakatago sa mga salitang iyon. Gusto niyang abutin ang dalaga at dalhin sa dibdib niya.
"Walang araw na hindi ka ikinukuwento ng Mama sa akin. Since time immemorial. Paghanga ang itinanim ng Mama sa akin na dapat kong maging damdamin sa iyo. Pero may galit na narito sa dibdib para sa iyo, Attorney Arrieta."
"Hindi kita maintindihan..." naguguluhang wika ng lalake.
"Maaaring hindi mo ito alam, Attorney Arrieta, pero dahil sa iyo kaya hindi naging maligaya ang pagsasama ng mga magulang ko. Tila ka isang pader sa pagitan nila. Hanggang sa kamatayan ay ikaw ang mahal ng Mama!" at humagulgol ito ng iyak.Hindi malaman ni Gio ang gagawin at sasabihin, "At...ang sabi ng Mama, isa ka matagumpay na abogado. Laging nakalarawan sa mga pahayagan at magasin ang pangalan tuwing may naipapanalo kong kaso. Pero nasaan ka noong kailangan ka niya?" patuloy ng dalaga.
"Hindi ko alam. Walang sulat o tawag akong natanggap mula sa mama mo sa nakalipas na mga taon, Viola. Hindi ko rin alam na wala na ang papa mo," paliwanag ng binata. "And are you not being unfair para isisi sa akin ang failure ng pagsasama ng mga magulang mo?"
Hindi kumibo ang dalaga. Hindi niya masagot ang tanong na iyon. Bakit nga ba niya sisisihin si Gio sa kinahinatnan ng pagsasama ng papa at mama
niya?
Huminga siya nang malalim. Pinahid ng kamay ang mga luha sa pisngi.
"So, why are you here, Attorney Arrieta?" May dinukot sa bulsa ng pantalon niya si Gio. Inabot sa dalaga. "Dumating ito kaninang umaga sa opisina ko. I came straight here..."
.,,
Sandali munang tinitigan ng dalaga ang nasa kamay ng lalake bago atubiling inabot at binuklat. Sumikdo ang dibdib niya. Sulat-kamay ng mama
niya iyon.Dear Gio,
I may not be around anymore when you re- ceived this letter. And I am not writing in behalf of myself, Gio, but for my beloved daughter, Viola.
Huwag mo siyang pababayaan, please. She's very young and innocent. And soon, very soon, will be alone. Iniiwan at ipinagkakatiwala ko siya sa iyo.
In my heart, I know you will take good care of her.
VioletaHindi mapigil ng dalaga ang sunud-sunod na paghikbi. Para kay Gio ang sulat na nakita niyang hawak ni Aling Meding noong manggaling ito sa silid
ng mama niya. At kinabukasan nang sumunod a araw ay hindi na gumising si Violeta.
Hihingi rin lang pala ng tulong ang mama niya Kay Gio bakit ang para sa kanya? Noon pa niya sinasabing pupuntahan niya ang kaibigang ito ng na subalit nagpakatanggi-tanggi ito.
Marahang lumapit si Gio at hinawakan sa nagkabilang balikat ang dalaga at kinabig sa dibdib niya. Nagpatuloy sa pag-iyak si Viola na sa wari ay goon lang nailabas ang lahat ng pait at sakit sa dibdib.
Banayad na hinaplos ng lalake ang buhok ng dalaga. "Tahan na. Mugto na ang mga mata mo nang dumating ako. Magkakasakit ka sa labis na pag iyak." Dinukot niya ang panyo sa bulsa at inabot sa dalaga.
Medyo napahiyang lumayo mula pagkakasubsob sa dibdib nito si Viola. "I'm...sorry Attorney Arrieta.""
"Gio na lang, Viola, maaari ba? Masyadong pormal ang itinatawag mo sa akin. Hindi kita empleyado at lalong hindi naman kita kliyente," biro ng lalake.
Sa kabila ng lahat ay napangiti ang dalaga. maupo ka, Gio. I'm sorry, I forgot my manners. Naupo si Gio sa lumang sofa at susunod din sana si Viola nang sunud-sunod na katok ang kanilang marinig.
"Sandali lang, Gio." At humakbang patungo malaking pinto ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Roses are Red, Violet are Blue by Martha Cecilia
RomanceNatagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi na dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompete-tensiya sa kanyan...