CHAPTER ELEVEN

694 9 0
                                    

NANG SUMUNOD na mga araw ay naging abala si Gio sa mga kasong hinahawakan. Gabina ito kung dumarating at karaniwan ay pagod na. Sa umaga ay inihahatid lang siya nito sa opisina at tutuloy na sa hearing o di kaya ay sa meeting.
Nang umagang iyon ay hinihintay na lang niya itong bumaba nang dumating si Racquel. Nagulat pa siya nang pagbuksan ito sa pinto.
"Hello?" bungad ng babae na nagulat din nang makita siya.
"Tuloy ka."
"Hindi ba ikaw ang sekretarya ni Jonathan?"
"Ako nga. please sit down," itinuro niya ang
Sofa. "What would you like to have?"

"Don't bother. Hindi ako magtatagal, dinaanan  ko lang si Gio dahil maaga ang hearing namin" at tiningnan si Viola mula ulo hanggang paa.
"Why are you here?"
"Dito ako makatira," diretso niyang sagot at muntik na siyang matawa sa nakita niyang hitsura ng babae.
"Dito ka nakatira?" bulalas ng babae na muli siyang hinagod ng tingin. "Anong ibig mong sabihing dito ka nakatira?"
Gustong sampalin ni Viola ang babae sa nakita niyang malisya sa mga mata nito. Nahuhulaan niya ang maruming iniisip nito.
"Noong ipahatid ka ni Gio sa driver ko, I never thought na dito ka inihatid. Maliban pa sa hindi naman nagkuwento ang driver ko sa akin, " ngumisi ito. "So, for how long have You been... I mean the two of you living together?"
Bago pa nakasagot si Viola ay nagsalita na si
Gio na bumababa sa hagdan habang itinatali ang kurbata.
"Ako na ang magpapaliwanag sa iyo, Racque."
Nilapitan ni Racquel ang binata at tinapos ang pag-aayos ng necktie nito. "Ayan," pagkatapos ay malambing na tumingala sa binata habang ang mga kamay ay nasa kurbata pa rin. "Anong tinatago mo sa akin, lover boy?"

Hindi sumagot si Gio. Lumapit sa hindi nakapagsalitang  si Viola.
"Are you ready? Tara na..."
"Kasama natin siya, darling?" agap ni Racquel.
"Idadaan ko siya sa opisina..."
"Well, my driver can do that. Nasa labas ang kotse ko.." ang nairitang wika ng babae.
"What can I say? Take your time, Viola. Maaga pa naman, tiyak na hindi ka pa nag-aalmusal.
Hihintayin ka ng driver ni Racquel. I'll see you in the office."
dinampot ang attache case na nasa ibabaw ng mesa.
Kumapit sa braso nito si Racquel at walang lingong lumabas ang dalawa.
Mabilis na sumilip sa bintana si Viola. Sa loob  kotse ay malambing pa ring nakadikit ang babae  kay Gio habang inilalabas nito ng garahe ang kotse.
Nagpupuyos ang loob na hinatak niya pasara ang kurtina. Padabog na naupo sa sofa. Sa ganoon Siya nalabasan ni Aling Tinay.
"O, bakit narito ka pa? Hindi ka ba kasama ni
Attorney?"
"Kasama ho niya si Racquel. Sinundo siya rito," tila bata niyang sumbong.
Nangingiti ang matanda. "At bakit ganyan ang hitsura ng mukha mo?"

"Eh, sino naman ang hindi maiinis. Ang aga kong gumising dahil maaga daw kaming aalis hindi panga ako nag-aalmusal, eh. Tapos, dumating lang ang babaeng yon eh nalimutan na ako." padabog siyang tumayo at tinungo ang kusina.
"Saan ka ba naiinis? Dahil maaga kang nagising o dahil kasama ni Attorney si Racquel?" Huminto sa paglakad si Viola at nilingon si Aling Tinay na ngingiti-ngiti.
"Aling Tinay, ha?"
Nakangiti pa ring nilampasan siya nito. Kumuha ng tasa at platito sa cupboard at inilagay sa mesa
"Napikon ka na naman. Kaya kayo lagi nagtatalo ni Attorney dahil sa ugali mong iyan..." nagsalin ng kape sa tasa mula sa percolator at ibinigay sa kanya.
"Nakakainis naman talaga ang lalaking iyon.
Nasayang lang ang makeup at bihis ko."
"Bakit naman masasayang gayong papasok ka?
Kaya ka lang ba nag-aayos ay dahil Kay attorney?"
Napatingin sa matanda si Viola. Sinalubong siya ng tingin nito na nakangiti.
"Nagseselos ang dalaga..." tukso ng matanda.
Hindi malaman ng dalaga ang sasabihin. Naiinis na naiiyak. Dinampot ang tasa at mabilis ding binababa nang mapaso ang dila.

"Sino ba ang Racquel na iyon, Aling Tinay?
Maliban sa hawak ni Gio ang kaso niya at anak siya ng isa sa stockholders ng kompaya at retired ngayon? Bakit ba ganoon na lamang kung makakapit ito kay Gio sa dalawang pagkakataong nakita ko sila."
Nilagay ng matanda sa mesa ang toasted bread na nanggaling sa oven toaster, ganoon din ang bacon and egg.
"Naging kasintahan ni Gio si Racquel may isang taon nang mahigit ang nakaraan. Malimit dito iyan noon. Kung anong nangyari ay hindi ko na alam," paliwanag ng matanda.
"H-hindi ninyo alam kung nag-break sila o
hindi?" manghang tanong ng dalaga.
"Hindi, dahil hindi ko naman puwedeng tanungin si Attorney tungkol diyan.."
"So, posible pong may relasyon pa sila hanggang ngayon?"
"Hindi ko masasagot iyan, hija. Kutob ko ay
hindi na. Wala akong alam na nakarelasyon si Attorney  na tumagal. Si Racquel na ang pinakamatagal na inabot yata ng kung ilang buwan at ito rin ang huli."
"Anong ibig ninyong sabihing huli?" mahinang tanong ng dalaga. Para siyang tinutusok ng patalim sa dibdib.

Roses are Red, Violet are Blue by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon