CHAPTER EIGHT

674 12 0
                                    

MATULING lumipas ang mga araw mula noong mangyari iyon. Napuna ni Viola na iniiwasan ni Gio na magkaroon sila ng pagkakataong magkasarilinan.
Pag magkasama sila sa sasakyan ay kaswal ang usapan. Pag-uwi naman nito sa gabi ay nakakain na ito sa labas at hindi na rin sila nag-uusap. Sadia siyang iniiwasan ng binata.
Biyernes ng gabi ay hinintay niya itong dumating.
"Gising ka pa?" tanong ng binata nang buksan ni Viola ang pinto. "Alas-diyes na.."
"Dahil bukas, kahit walang opisina pag sabado ay umaalis ka. Dalawang Sabado nang lagi kang wala," nagpatiunang lumakad papasok ng
'kabahayan. "Igagawa kita ng kape?" patuloy niya.
"Please, pakidala sa library.."
Inabutan niyang may binabasang libro si Gio.
Inilapag niya ang kape sa mesa at naupo sa kabilang bahagi ng mesa.

"Ano iyan?"
"Yong kaso ni Racquel," sagot ng binata na inabot ang tasa ng kape.
"Balità ko maipapanalo mo ang kaso."
"May mga testigo naman kasi na pilit inaagaw noong nabaril ang baril ni Racquel. Maliban pa sa ang mismong boy friend ni Racquel ay tumestigo panig sa kanya. Bukod doon, may iba pang nakarinig nang sabihin nito na sa susunod niyang makita ang babaeng kasama ng boy friend niya ay hindi siya mangingiming gamitin ang baril."
"Maliban pa sa mahusay kang abogado, may mga personal kang dahilan kaya gusto mong tulungang maabsuwelto si Racquel..." sarkastikong tugon ni Viola.
Tiningnan siya ng binata. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Wala. Kalimutan mo ang sinabi ko..." paiwas niyang sagot.
"Ano ang sadya mo sa akin at hinintay mo ako?"
"Nagyayakag si Jonathan bukas sa hidden
Valley.."
Sumandal sa upuan niya si Gio. "Nanliligaw ba si Jonathan sa iyo, Viola, o may ugnayan na kayo?" pormal niyang tanong.
Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Hmn... nagpapasaring."

"May gusto ka sa kanya?"
"Well, I like him. Guwapo. Masayang kasama."
Pero hindi sumisikdo ang dibdib ko sa kanya tulad ng nangyayari pag ikaw ang kasama ko. Gusto sanang idagdag ni Viola.
Hindi niya napuna ang pagtatagis ng mga bagang ni Gio.
"Gusto mong sumama sa kanya?"
"Kung papayagan mo ako."
Muling itinuon ng binata ang sarili sa mga papels. sa ibabaw ng mesa. "Then, you can go ahead."
Hindi kumibo si Viola. Mas nanaisin pa niyang hind ito pumayag. Marahan siyang tumayo. "T- thank you, Goodnight."
"Goodnight," mahinang sagot ng binata na hanggang sa makalabas si Viola ay hindi nagtaas no ulo.
Matagal nang nakalabas si Viola ay nasa mga papeles parin nakatuon ang pansin ni Gio. Hawak niya ang mga papeles pero wala doon ang isip niya.
Sumandal siya sa upuan at tumitig sa kisame. Hindi niya gustong payagan si Viola. Kinakain ang puso niya ng matinding panibugho sa tuwing magkasama ito at si Jonathan.
Buong akala niya ay manhid siya sa ganoong damdamin. Hindi niya kailanman naramdaman ang ganito sa ibang mga babaeng nakasama na niya.
Napakatagal ng panahon nang makaramdam siya ng ganoon. Noon, nangarap siyang makasama ang babaeng kauna-unahang pumukaw sa murang puso niya. At mula nang mag-asawa si Violeta, ang buong akala niya, namatay na rin ang anumang damdaming mayroon siya para sa ibang babae.
Pero heto siya, ang inaakala niyang natapos kay Violeta ay nagsimula kay Viola. Higit na
matindi..mas malalim..
Ang naramdaman niya sa sine ay hindi lamang ordinaryong male desire.
Naroon ang pangangailangan.. passion...pleasure.... and love!
Pero bakit hinahayaan niyang kumakawala si
Viola? Bakit ganoon na lang ang pagpipigil niya sa sarili tuwing magkakalapit sila? Gayong sa tuwing tititigan siya nito at ngingitian ay gusto niyang ikulong ito sa mga bisig niya sa habang panahon.

MASAYANG kasama si Jonathan at nalimutan sandali ni Viola ang inis niya kay Gio
"Maliban pala sa mahusay kang sumayaw ay swimmer ka pa rin," humihingal na wika ni Jonathan nang makarating sila sa kabilang bahagi ng pool.
"Ano pa ba ang iba mong talent?"
Umahon ang dalaga at inilatag ang katawan sa tuwalya. Tinunghayan siya ni Jonathan.

"Viola." akma nitong hahalikan ang dalaga, nang umiwas si Viola at sa pisngi dumapo ang labi ng binata.
"Huwag, Jonathan," mahinang wika niya. "I love our friendship as it is. Huwag mong lagyan ng komplikasyon."
Bumuntong-hininga ang binata. "I know. Hindi ko gustong aminin sa sarili ko iyon pero kitang-kita ng mga mata ko ang katotohanan. You're in love with Gio, hindi ba?"
Bumahid ang lungkot sa mga mata ng dalaga.
Tumayo at niyakap ang mga binti.
"Bakit nakikita mo iyon? Bakit hindi niya?"
"Hindi ko gustong sabihin sa iyo ito, Viola, dahil para ko na ring pinatay ang ga-hiblang pag-asang himahawakan ko na sana ay mabaling sa akin ang pagtingin mo. But I guess, mutual ang damdamin ninyo ni Gio sa isa't isa," malungkot na sinabi ni Jonathan.
Matabang na tumawa si Viola. "You're kidding.
Alam mo bang hindi kami nakapag-uusap nang matagal ni Gio na hindi natutuloy sa away?."
"Believe me, Viola. Kilala ko si Gio. He's been with my father for quite sometime. Maraming of and on affairs pero never siyang nagbigay ng seryosong atensiyon sa isang babae."
"So, what makes you think na mayroon siyang damdamin sa akin?"

Roses are Red, Violet are Blue by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon