SA MISMONG Sanchez, Arrieta & Sanchez Law Office ipinasok ni Gio ng trabaho si Viola. At sa pagpupumilit na rin ng dalaga ay dumaan ito sa normal hiring procedures which she passed with flying colors.
Isa sa mga bagong junior partners ng opisina, si Jonathan Sanchez, ang boss ni Viola.
"Welcome to the bachelors' world, Viola" inabot ni Jonathan ang kamay nito sa dalaga matapos ipakilala ni Gio.
"I'm not really very adept in legal terms, Mr. Sanchez, but I learned easily," nahihiyang sagot ng dalaga.
"Do not believe her, Jonathan. Her late grand-father ay dating huwes sa bayan namin," matabang na wika ni Gio bago lumabas ng silid."Kung Gio ang tawag mo sa isa sa mga senior partners, Viola, then there's no reason why you can't call me by my first name."
"I'm sorry, Mr. Sanchez, pero ikaw ang imme- diate boss ko. Maliban pa sa hindi ko gustong mag- create ng hostility atmosphere sa mga co-employ- ees ko," pormal na sagot ng dalaga.
"Don't worry about that, Viola. Estudyante pa lang ako ay apprentice na ako sa opisinang ito at sanay na ang mga empleyadong tawagin ako sa pangalan ko."
Tinitigan ng dalaga ang boss. Bata pa at guwapo. Laging nakangiti pati na ang mga mata. Contrast ng pagiging pormal at seryoso ni Gio.
"Kung...iyan ang gusto mo, J-Jonathan."
"That's better. Now, puwede bang paki-type ito?" inabot ang papel kay Viola. Ngumiti ang dalaga. "Yes, sir."
Natapos ang unang araw ng dalaga nang hindi niya namalayan. Marami siyang trabaho pero en- Joy siya. Malaking bagay ang pagse-self study niya sa mga law books ng lolo niya. Sa panahong nangangailangan sila, tanging ang mga aklat ng matanda ang hindi niya magawang ipagbili.
"Uwian na Viola," si Jonathan na naupo sa gilid ng mesa niya. "I'll drive you home.""O, thank you. Pero kasabay ko si Gio," aniya habang tinatakpan ang typewriter niya.
"Nasa supreme court si Gio. Sa traffic, I doubt if he makes it here in another hour. lisipin noong umuwi ka na."
"Pero..."
"Saan ka ba umuuwi?"
"Sa...sa Quezon City," wala sa loob na sumagot ang dalaga. Bakit hindi nagbilin si Gio bago umalis kung ano ang gagawin niya pag-uwian na? Ni hindi niya alam ang daan pabalik sa Green Meadows.
"No problem. Sa Quezon City din ang uwi ko Hihintayin kita sa ibaba," inilabas ang susi sa bulsa at lumabas ng silid.
Hindi niya gustong magpahatid kay Jonathan pero wala siyang choice. Hindi niya alam ang pauwi at kahit mag-taxi siya ay hindi pa niya gaanong natatandaan ang mga pasikut-sikot sa subdivision.
Malapit na sila sa Ortigas nang magtanong si Jonathan.
"Saan sa Quezon City ang bahay mo, Viola?"
"Sa...sa Green Meadows...
"Sa Green Meadows din umuuwi si Gio. Saang kalye doon?" hinabol nito ang pagpapalit ng signal light.
"Sa bahay ni Gio, ako umuuwi, Jonathan."Naapakang bigla ni Jonathan ang preno. "Ano? Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi ko gustong pumasok sa teritoryo ng kapwa ko lalake, Viola. Bumuntong-hininga ang dalaga. "It isn't what you thought, Jonathan."
"And what am I suppose to think?" patuyang
tanong ng binata.
Pahapyaw na nagpaliwanag ang dalaga. Medyo umaliwalas ang mukha ng binata.
"And to tell you the truth I do not really know my way home. Hindi pa ako gaanong familiar sa mga daan kaya pumayag akong pahatid sa iyo," pagtatapos ni Viola.
Tumawa si Jonathan. "Poor Viola. Pero eto ako, your knight in shining armour to the rescue," binagalan nito ang takbo ng sasakyan. "Ang tingin ko sa iyo ay hindi ka naman mukhang probinsiyana."
"Ayan lang ang Nueva Ecija, Jonathan. Sibilisasyon na ang bayan namin. Maliban pa sa napupunta din naman ako ng Maynila paminsan-minsan."
"I didn't mean to offend you, Viola. Me and my big mouth. I'm sorry." paumanhin ng binata.
"Apology accepted," ngumiti si Viola.
Ilang sandali pa ay nasa harapan na sila ng bahay ni Gio."Thanks for the ride, Jonathan. I'm sorry kung hindi kita mapapatuloy. Hindi ko bahay ito at nakakahiya kay Gio."
"Huwag kang mag-alala. Though, natitiyak kong hindi magagalit si Gio kung papapasukin mo ako. Some other time maybe." Inabot ng binata ang seradura ng pinto ng kotse at binuksan ito. Bumaba ng kotse ang dalaga at hindi pumasok ng gate hanggang hindi nakaalis ang binata.
"Hello, Aling Tinay...."
"Kumusta ang bagong empleyado?"
"Pagod pero enjoy naman," at nagkuwento ng mga ilang detalye bago pumanhik sa silid niya. Hustong nakapagpalit siya ng damit nang marinig niya ang busina ng kotse ni Gio. Sunud- sunod ang busina nito. Sumilip siya sa bintana. Nagmamadaling binuksan ni Aling Tinay ang gate
Paarangkadang ipinasok ng binata sa garahe ang kotse. Narinig niyang pagalit nitong tinanong si Aling Tinay kung dumating na siya. Narinig niyang pumanhik ito. Akma siyang lalabas ng silid nang
biglang bumungad ang binata. Tuluy-tuloy ito sa loob.
"At halos liparin ko muli supreme court hanggang opisina dahil baka nag-alala ka na. Yon pala, nagpahatid ka na agad sa boss mo. How stupid of me to worry about you," galit nitong sinabi."Alam kong bahay mo ito, Gio. Pero hindi ba
dapat kumatok ka muna bago pumasok ng silid ko. Surely, entitled ako doon sa kapirasong privacy na iyon," sagot ni Viola sa mahinahon ngunit sarkastikong tinig.
"Damn!" wika ng binata na niluwagan ang kurbata sa leeg. "Sa susunod, kung magpapahatid ka sa kung sinong lalake, sasabihin mo sa akin hindi ako parang lokong..."
"Hindi ako nagpahatid sa kung sinong lalake. Hindi ko pa alam ang daan pauwi at nagmagandang loob si Jonathan. Anong malay ko kung babalikan mo ako. Wala kang sinabi. Ni hindi ko alam na umalis ka ng opisina," pagalit ding sagot ni Viola.
"Hindi ako nagpaalam sa iyo dahil alam kong makababalik ako sa oras. Surely, alam mong babalikan kita dahil alam mong alam kong hindi mo pa matututuhan ang pag-uwi," sarkastiko at madiing sinabi ni Gio. "Sabi ng guwardiya, umalis kayo ng alas-singko en punto. Dumating ako ng opisina limang minuto pagkaalis ninyo!"
"Miscommunication. Well...I'm sorry," marahang sagot ng dalaga pero paangil. "Sorry? Ang pinakagasgas na salitang narinig ko. You don't have to say you're sorry if you don't feel it," patuyang wika ni Gio na palakad-lakad saloob ng silid.Napapikit ang dalaga. "Anong gusto mong gawin ko, lumuhod? I said I'm sorry and I mean it. Maybe napataas ang boses ko but I mean it. Hind ako hihingi ng paumanhin sa iyo kung hindi ko gusto!"
Sandaling hindi kumibo si Gio bago muling
tiningnan si Viola.
"I'm sorry too, babe," aniya sa mababang boses at mabilis na lumabas ng silid.
Ibinagsak ni Gio ang sarili sa kama niya. Anong nangyayari sa kanya? Mahigit pa lang isang linggo silang magkasama ni Viola pero mula pa nang unang araw ay lagi ng may friction sa kanilang dalawa.
And he thought na madiplomasya siyang tao. Pasensiyoso Mahaba ang pisi, ika nga. Ito ang na- develop niya sa pagiging abogado. Ano at hindi na sila nag-usap ni Viola nang hindi nag-aangilan?
Si Viola na kausap ni Aling Tinay ay ganoon
din ang sinasabi.
"Hindi ko siya gustong galitin, Aling Tinay. Malaking bagay ang ginawa niyang pagpunta sa probinsiya. Dumating siya sa panahong hindi ko alam kung saan ako babaling. At nagpapasalamat ako sa pagkupkop niya sa akin. Pero bakit hindi na kami nagkasundo?" nilalaro niya ang kutsilyo sa sangkalan."Bawat isa sa inyo ay ayaw magpatalo. Isa pa, pareho kayong estranghero sa isa't isa kaya normal lang na naghuhulihan pa kayo ng mga ugali."
"Pero hindi ako ganito, Aling Tinay. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kaydali akong mapagalit ni Gio.''
"Minsan, narinig kong sinabi ni Attorney na hindi ka tulad ng mama mo. Ano ang ibig niyang sabihin doon?" Kinuha ng matanda ang kutsilyo sa kamay ni Viola at binalatan ang inilabas na patatas.
Huminga nang malalim ang dalaga. "Ang sabi nila sweet ang Mama. Mahinahong magsalita, laging submissive. Kahit nagagalit ay hindi nagsasalita. Hindi kayang ipaglaban ang nasa loob at isip," gumaralgal na ang tinig niya. "Hindi ako ang Mama, Aling Tinay. At ayokong lagi na ay ikinukumpara ako ni Gio sa kanya," isang butil na luha ang kumawala mula sa mata niya. Pinahid niya ito ng likod ng palad
niya.
Hinaplos ni Aling Tinay ang buhok ng dalaga. "Magtatalo nga kayo niyan lagi, Viola. May gusto kang patunayan kaya agad kang nagagalit pag nag- uusap kayo. Si Attorney naman ay likas na ang pagiging maawtoridad at sanay siyang nagdidikta. Alisin mo sa isip mo ang sinasabi mong lagi ka niyang kinukumpara sa mama mo. Sa palagay mo ba hindi alam ni Gio ang pagkakaiba ninyo? Maliban pa sa walang taong magkapareho, Viola."
Hindi n'yo lang alam. Gusto niyang makita sa katauhan ko ang Mama, bulong ng dalaga
BINABASA MO ANG
Roses are Red, Violet are Blue by Martha Cecilia
RomanceNatagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi na dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompete-tensiya sa kanyan...