"IKINALULUNGKOT ko ang nangyari sa mga
magulang mo, Gio," wika ni Judge Alfonso sa batang labintatlong taong gulang. Nakayuko ang ulo nito at nag-iigting ang mga bagang.
"Tulad ng ibinalita ko sa iyo noong una akong pumarito, napatay ng mga pulis ang isa sa mga kriminal at ang isa ay nakakulong ngayon sa munisipyo. Ipinangangako ko sa iyong mabubulok sa bilangguan ang taong iyon bago ako magretiro, hijo."Nagbili ng kapirasong lupa ang mga magulang niya upang makapagpatuloy siya sa high school. Subalit hindi pinakinabangan ng mag-asawa ang napagbilhan ng kapirasong lupa dahil noong gabi ding iyon ay nilooban sila. Pilit na nanlaban ang ama niya subalit pinatay ito. Nang daluhungin ng ina niya ang mga kriminal, ito man ay pinagsasaksak din.
Sa abot ng kanyang kakayahan ay sinikap niyang manlaban subalit isang saksak sa tagiliran ang nagpatahimik sa kanya. At bago tuluyang umalis ang mga ito ay hinagis ang gasera nila at sinindihan ang kubo.
Salamat sa isang kapitbahay na ginabi ng uwi at natanaw ang nagliliyab nilang kubo. Mabilis siyang naagapan dahil nasa may bukana siya.
Sa ospital na sa bayan siya nagkamalay. Hindi delikado ang saksak na inabot niya. Natunton sa kabilang bayan ang mga kriminal dahil na rin sa kalabaw nilang tinangay ng mga ito.
Nang makalabas siya ng ospital ay sa bahay na ni Judge Alfonso Torres siya nagtuloy. Inampon siya ng mag-amang Alfonso at Violeta.
"Ituring mong bahay mo na rin ito, Gio. At si Violeta, ang aking kaisa-isang anak bilang nakatatandang kapatid," wika ng mabait na judge.Sandali lang sinulyapal Glo si Violeta. Kilala niya ito dahil ito ang music teacher sa kanilang paaralan
Makalipas ang ilang buwan ay unti-unting nanumbalik ang sigla ni Gio. Bagaman nanatili itongtahimik at parating nag-iisa,
"Halika, Gio, pakinggan mo ang pagtipa ko ng piano. Anong gusto mong tugtugin ko?" Ani Violeta na nakangiti sa kanya.
"Roses are red..." walang gatol niyang sagot. Ngumiti ang dalaga.
"Para sa akin?"
Tumango siya. Tinugtog ng dalaga ang awitin. At habang nagpi-piano ito ay hindi inaalis ng binatilyo ang tingin sa magandang mukha ni Violeta.
Naiisip niyang sana'y magkasabay silang ipinanganak. O di kaya ay kahit isang taong pagitan lamang. Ang masakit ay anim na taon ang tanda
nito sa kanya.
Sa pisikal na anyo ay hindi iisipin ninuman na magka-katorse lamang siya. Mataas at malaking bulas siya kumpara sa mga batang kasing-edad.
Sa paglipas ng mga araw ay lumalim pa nang lumalim ang damdaming iniukol niya sa anak ng umampon at nagpapaaral sa kanya.
Isang gabing buklatin ni Violeta ang notebook niya upang pag-aralan ang ituturo sa klase kinabukasan ay ganoon na lamang ang gulat niya.Sa bawat pahina ay liriko ng awiting roses are red
ang nakasulat.
Dinala ng dalaga sa dibdib niya ang notebook. Magkahalong galak at lungkot ang nadarama niya. Galak dahil alam niya ang damdaming iniuukol ng binatilyo sa kanya. Huwag nang isama pa ang mga sariwang rosas na lagi nang nakalagay sa may pinto ng kuwarto niya.
Lungkot dahil alam niyang walang kahihinatnan ang damdaming inuukol nila sa isa't isa. Batang- bata pa si Giɔ.
Ika-dalawampung kaarawan ni Violeta ang araw na iyon at dalawa sila ni Judge Torres na naghihintay dito.
"Alas-siyete na, hijo. Wala pa si Violeta," nag- aalalang tanong ng matanda.
"Tiyak na alam ng kapwa guro niyang kaarawan niya ngayon. Baka po nagkasayahan sila," aniya habang sinusulyapan ang tatlong mapupulang rosas na nasa may piano. Iyon ang regalo niya sa dalaga mula sa hardin ng mga Torres na siya ang nag- aalaga.
Hustong alas-otso y media ay dumating si Violeta subalit hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Jaime, ang anak ng principal sa paaralan nila.
"M-magandang gabi, Papa..." nagmano ang dalaga sa ama."Good evening, Judge...
bati ng lalake.
"Pasensiya na kayo at ginabi kami. Ipinasyal ko ho ang dalaga ninyo at kumain kami sa bayan dahil birthday niya."
"Ikaw naman pala ang kasama, Jaime. Ang akala ko ay kung saan na nagpunta ang dalaga ko O siya, pagsalu-saluhan na natin ang pagkaing nakahanda. Gio, hijo, dalhin mo na rito ang pagkaing nasa kusina."
Isang sulyap ang ibinigay ng dalaga sa binatilyo na agad din naman nitong binawi at nagyuko ng ulo. Kinabahang di-mawari si Gio. Alam niyang may kakaiba sa ikinikilos ng dalaga. Wala itong sigla, hindi ngumingiti.
Hindi halos nito ginalaw ang pagkain at nagdadahilang pagod at busog. Humingi ito ng paumanhin at pumanhik na sa silid. Hindi rin
nagtagal ay nagpaalam na si Jaime.
Bagaman nagtataka ay hindi nagtanong ang
matandang Alfonso.
Hindi na nakuhang ibigay ng binatilyo ang mga rosas niya sa dalaga.
Naging malungkutin si Violeta nang sumunod na mga araw. Hindi ito nag lalabas ng silid pag nasa bahay. Gusto niya itong kausapin subalit umiiwas itong sadya.
BINABASA MO ANG
Roses are Red, Violet are Blue by Martha Cecilia
RomanceNatagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi na dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompete-tensiya sa kanyan...