PAGDATING ng dulo ng sanlinggo ay nagyakag ang binata na mag-out of town sila.. sa isang beach sa subic sila nagtungo.
"Gorgeous!" ani Gio nang lumabas siya mula sa bihisan na suot ang biniling black and white stripes bikini.
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Nahihiya siyang halos nakabilad na ang katawan niya. Noong mag-swimming sila ni Jonathan ay one piece bathing suit lang ang suot niya. Subalit si Gio mismo ang pumili sa suot niyang bikini ngayon.
Ito man ay kayguwapo sa suot na bikini trunks.
Hindi kaila sa kanya ang mga babae sa beach na buong Paghangang sumusulyap kay Gio. Maging foreigner man o hindi.
"Bakit nagba-blush ang bata?" tukso nito sa kanya.
"Nailang ako sa suot ko. At saka anong bata?
Talaga bang mukha akong bata sa paningin mo??" paangil niyang sinabi.
Mabilis siyang kinabig ng binata payakap. Hindi niya inaasahan iyon. Para siyang napaso sa pagkakadikit nilang yon. Subalit iyon ang uring pagkapaso na hindi niya gustong alisin ang katawan sa apoy.
"Bakit ba ang pikon mo?" nakangiting wika nito sa kanya.
Gulat siyang napatingala dito nang may naramdaman siyang kung anong matigas na bagay.
"Don't move at baka makita ng ibang babae ang nangyayari ay baka mawalan kang partner..." tukso nito.
Kung maiinis o matatawa siya ay hindi niya alam. Nang bigla ay bumaba sa mga labi niya ang mga labi ng binata. Matagal, mapusok hanggang sa pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hangin ay sinikap niyang kumawala at habulin ang paghinga.Nang muli niya itong tingnan ay kitang-kita niga ang pangangailangan roon. Nangingislap ang mga mata nito sa desire at passion.
"Gusto kong sabihing nagkamali ako sa pagpili niyang suot mo," wika nito matapos mag-alis ng bara sa lalamunan. "Gusto kong pagsasakaling lahat ang mga lalaking kanina pa hindi humihiwalay ng tingin sa iyo."
"Kaya mo ako hinalikan. Pinaka-stamp pad ng possession, ganoon ba?"
Itinaas ng binata ang mukha niya. "Hindi ko kailangan ng stamp pad, Viola. You are mine.." at hinila siya nito patungong dagat bago pa siya makaapuhap ng sasabihin.
Kung anuman ang nais niyang itanong sa sinabi ni Gio ay sandaling nalimutan ni Viola nang tila sila. mga batang naghahabulan sa tubig.
"Huli ka!" ani Gio na nahawakan siya sa paa.
Nakalunok siya ng kaunting tubig-dagat sa ginawang iyon ng binata. Nagpapasag siyang kumawala subalit nakáhawak na sa beywang niya si Gio. Patalikod siyang hinapit nito.
"Ano ba Ang daya mo, ha. Nakainom tuloy ako ng tubig!"
Napahinto siya sa pagpalag nang maramdaman niyang mula sa beywang ay gumapang ang kamay ni Gio patungo sa dibdib niya. Kaydali nitong naitaas ang kapirasong bikini top niya at naipasok ng binata ang mga kamay doon. Napalunok si Viola hindi sinasadyang napasandal sa dibdib ni Gio.
Nang gumalaw ang mga kamay nito ay napahinga siya nang malalim.
"D-don't do that. Na... nawawalan ng lakas ang mga binti ko," mahinang protesta niya.
"Mine, too, " bulong ni Gio. Pagkuwa'y iniharap nito ang dalaga sa kanya. Hinawi ang basang buhok na tumatabing sa mukha.
Isang di-maipaliwanag na init ang gumuhit sa katawan ni Viola dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Nakataas pa rin ang bikini top nia at nakadikit ang hubad niyang katawan dito.
Tubig ang nagsisilbing takip sa katawan niya.
Nais niyang lumangoy pabalik sa dalampasigan subalit nakahawak sa beywang niya si Gio.
Nang hagkan ni Gio ang mga mata niya ang
pisngi niya... at ang mga labi niya ay tila siya
nalulunod. Hindi sa tubig kundi sa nag-aalab na damdamin.
Nalalasahan nila ang tubig-alat sa isa 't isa subalit dinaig iyon ng tamis na dulot ng halik.
Naunang kumawala si Viola. Hindi malaman ang sasabihin at gagawin."P-people are watching..." nilinga niya ang paligid. May mga tao sa dagat subalit hindi marami at malalayo ang distansiya sa bawat isa.
Sa bahaging yon ng kinalalagyan nila ay sila lang ang naroon at isa pang pares ng mga foreigner na abala rin sa paglalaro sa tubig.
"Who cares. this is a free country." nakangiting sagot ng binata na idinikit sa noo niya ang noo nito.
"At wala akong alam na batas na nagbabawal na halikan kita dito sa tubig."
Sasagot sana si Viola nang alisin ni Gio ang isang kamay niya mula sa, pagkakahawak sa balikat nito at ibaba sa ilalim ng tubig.
"Touch me, babe. Just as I wanted to touch you. feel you..." At nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman kung saan dinala ni Gio ang kamay niya. Sa maraming pagkakataon na magkasama at magkadikit sila ay ilang beses na niyang naramdaman iyon. Maliban pa doon sa isang gabing halos naroon na sila.
But feeling him and touching him is different!
Gusto niyang alisin ang kamay niya pero hindi inaalis ni Gio iyon doon. And she's melting Nagdidigmaan ang mga emosyong nasa loob niya.
She felt shy... and wild... lalo na nang muli siyang siilin ng halik ni Gio. Pagkatapos ay lumubog ito sa tubig at dinama ng mga labi nito ang dibdib niya.
Napasinghap siya. Kailangan niyang iahon ang sarili bago siya tuluyang malunod sa sariling damdamin.
Ikinampay niya ang mga kamay upang lumangoy palayo subalit mabilis siyang nahawakan ng binata. Lumutang ito at pinuno ng hangin ang dibdib.
"Hah!"
Bagaman nakahawak sa kanya si Gio ay nagawa nyang ayusin ang sarili. Ibinaba ang bikini top at inayos ito. Pagkatapos ay tumitig sa kaharap. Sa napakatagal na sandali ay nanatili silang ganoon.
Parehong hindi makahagilap ng sasabihin sa isa't isa.
Lumunok si Viola na tila hinahanap ang sailing tinig. "B-bakit mo ginagawa sa akin ito?"
"Wrong. Why are you doing this to me, babe?"
Tila namamaos ang boses na lumabas sa bibig nito.
Sinapo nito ng mga kamay ang mukha ni Viola.
"Kailangan kita, Viola, kailangan kita. And I thought I would never feel like this..."
"I... I can understand your need, Gio. Lalake ka
at... at nandito ako..."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," protesta
nito. "May mga babaeng nagdaan sa buhay ko, Viola. Hindi ko itinatanggi iyon pero iba ang gusto Kong iparating sa iyo..."Naguguluhang luminga sa paligid si Viola.
"Gio you don't have to explain. It is simply male desire..."
Tumingala sa langit ang binata. "Desire," bulong nito. "Damn! And don't you desire me, too?" pagalit nitong dugtong.
"Oo na! Kung iyon ang gusto mong marinig.
Pero huwag kang sumigaw!"
"Hindi ako sumisigaw! I am stressing a point at pinipilit mo ang sarili mong huwag akong intindihin," marahan ngunit madiing wika uli nito.
Kung matatawa o magagalit si Viola ay hindi niya alam. Nag-aaway na naman sila. At sa gitna ng dagat!
"Alam mo ba na sa iyo ako naguguluhan?" ani
Gio makalipas ang ilang saglit. "Sa nakalipas na linggo, you were doing your very best to seduce me tapos tatanungin mo ako kung bakit ko ginagawa ito?"
"Seduce you?" ani Viola na kumawala at marahang lumangoy pabalik sa dalampasigan. "flatter yourself, Atty. Arrieta!"
Sumunod ang binata sa paglangoy. "At anong tawag mo doon sa mga ginagawa mo? Sa pagpipilit mong patunayang hindi ka bata... sa...""Noon iyon." agap ng dalaga sa 1ba pa nitong sasabihin at binilisan ang paglangoy.
Mabilis siyang hinabol ni Gio. Hinawakan siya sa ikinakampay niyang braso. "Ano ang ibig mong sabihin? That you were just trying to flirt and tease me, ganoon ba? Na whims and caprices mo lang ang mga yon? At sinabi mong mahal mo ako, ha! Kasama ba sa panunukso mo ang kasinungalingang iyon?"
"Please, Gio... nasasaktan ako. Hindi tayo nagpunta rito para mag-away, di ba?" mahinahong wika ng dalaga.
Bumuntong-hininga ang binata at binitiwan ang braso niya. "I'm sorry."
Walang kibong magkasabay nilang nilangoy ang dalampasigan. Bagaman hindi na sila nagtalo ay nawala ang dating masaya at matamis na pagtitinginan tulad nag dumating sila. Hanggang sa mag-uwian ay magkibuan-dili ang dalawa.
Sumunod si Gio sa may pintuan ng silid ng
dalaga.
"We can't last a day nang hindi nagtatalo ano?"
wika nito.
Malungkot na ngumiti si Viola. "Sabi mo nga, sinisikap pa nating kilalaning higit ang isa-isa. lyon Marahil ang dahilan. Individual differences."
Nagkibit ng balikat si Gio at tumalikod. Papasok na ito sa silid nang magsalita si Viola.
"Sa kabila ng lahat, Gio, I love today, thank you," lumunok muna ito bago nagpatuloy. "At... At doon sa sinabi ko noong gusto kita...na mahal kita..totoo iyon," at isinara na niyang tuluyan ang pinto ng silid. Nanatiling nakatitig doon si Gio nang kung ilang sandali rin bago ito man ay pumasok na rin sa silid.
BINABASA MO ANG
Roses are Red, Violet are Blue by Martha Cecilia
RomantizmNatagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi na dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompete-tensiya sa kanyan...