Chapter 5

201 24 7
                                    

"Fuck!" galit na mura ni Benjamin. Bumangon na rin ito at halatang halata sa jersey shorts niya na may umuumbok. He tried to hide it with his hands. Tinaasan ko siya ng kilay at mapanuyang tumingin. How did this brute get turned on just by that? And to think that I did turned him on easily creeps the fuck out of me.

"Ang kulit mo kase Rowan!" he said, irritated. Galit na galit ang mga nanunusok niyang mata sa akin. Pinagpag nito ang mga buhanging dumikit sa katawan at shorts niya. Pati ang buhok niya ay punong-puno ng mga buhangin ngunit hindi niya siguro ito napansin. He looked flushed. Animoy nahihiya at hindi mapakali.

I badly want to tease him having boners to get revenge for myself when he did it on me! But it's inappropriate right now. Kaming dalawa lang dito at baka kung ano pa ang maisipan ng lalaking ito.

"W-what? Ikaw kase eh tinulak pa ako yan tuloy na-out of balance ako!" halos pasigaw kong sabi sakanya. Kasalanan niya naman talaga! Kung hindi na siya nakialam pa eh baka hindi ako nataranta sa biglaan niyang paghawak sa likod ko. Nagulat siya sa tinuran ko.

"Aba ako pa ang masama? Eh kung hinayaan lang kita kanina ay baka mabalian ka pa!" inis na sabi ni Benjamin. Tila hindi siya makapaniwala sa inaasal ko. Natameme ako. He's right, baka kung hindi ako bumagsak sa kaniya ay kumain na'ko ng buhangin kanina. But still I won't admit it. I'm not gonna lower down my ego onto him again. I had enough embarassment in front of him already.

"Kakaiba ka rin talaga eh no. Matapos kitang tulungan sa school.." sumbat nito sa akin. Umigting ang panga niya. Hinaplos niya ang baba niya na parang nag-iisip. Naalala ko naman yung nangyari sa cr.

"B-bahala ka na nga diyan, uuwi na'ko!" utal-utal kong sabi. Naglakad ako nang mabilis palayo sakanya. Tatakasan ko nalang siya. Nakita kong nataranta siya nang bahagya.

"W-wait Rowan may pabor ako sayo!" malakas na sabi ni Benjamin. His voice echoed. Kahit natakot sa lalim ng boses niya ay hindi ako huminto at mas binilisan ang lakad.

"Kiss muna! Charr ayoko bahala ka diyan!" Pasigaw kong sagot sabay mapanuyang bumelat sakaniya. I heard him growl like a madman. Alam kong may utang na loob ako sa damulag na iyon kaya akala niya'y papayag ako sa kung ano mang pabor niya. But I don't trust him and his handsome face at all! He's still the same perverted man that I encountered on my first day here kaya hindi siya dapat pagkatiwalaan.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate ng bahay namin. Kinakabahan ako dahil gabi na at hindi ako nakapag paalam ng maayos kanina kay Steven. Siguro naman ay sinabihan siya ni Aljon 'di ba? Nang pumasok ako sa bahay ay napatingin silang lahat sa akin.

"Rowan saan ka ba nanggaling apo! Jusko pinag-alala mo kaming bata ka!" tarantang sabi ni Lola Wada. She cupped my face and kissed my forehead.

"Sorry po Lola and Lolo.. nagpahangin lang po ako saglit sa may dagat." I said while bowing my head. Nagi-guilty ako dahil pinag-alala ko pa sila.

"Wag mo nang uulitin iyon apo. Kung magpapagabi ka man ay magpaalam ka. Delikado na ang panahon ngayon..." seryoso ngunit nag-aalalang sabi ni Lolo Isko. Mas lalo akong naguilty. Hindi ba sinabi sakanila ni Steven? Tumango ako at niyakap silang dalawa.

"Nagpaalam po ako kay Steven!" sabay lingon ko sa pinsan kong nakapangalumbaba sa may sofa. Inirapan ako nito.

"Hindi ka namin naintindihan kanina dahil maingay sa court! Bigla-bigla ka nalang umalis, muntik nang magpahanap sa tanod sila Lola kanina!" he spat almost shouting pero kalmado parin ang tono. I gave him a peace sign. Tumabi ako sa sofa at niyakap din siya sa likod.

"Sorry Ven.. Ikaw kase eh ang slow mo umintindi! Joke sorry di na mauulit." I gave him an apologetic look. He then sighed at saka ginulo ang buhok ko. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napa-igtad ito. Ginawa naman ako nitong tuta.

Sealed in His Solace (Translove Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon