Chapter 7

240 23 7
                                    

Andito ako sa tapat ng dalampasigan habang pinapanood si Benjamin na butingtingin ang bangka niya. Bawat kilos niya ay nag-iigtingan ang mga muscles niya sa braso. May mumunting mga pawis ang tumutulo sa mukha niya.

Dahil hapon na ay nagsabit siya ng bombilya sa kahoy na nasa gitnang parte nito. Naglapag din siya ng lamparang babasagin sa sahig ng bangka.

"Tanong ko lang, ba't hapon ka nangingisda? Hindi ba mas praktikal kung umaga para maibenta mo pa sa bayan?." tanong ko. Tumingin siya sa akin at suminghap.

"Hindi ko naman sa bayan dinadala mga huli ko." mataman niyang sabi. Napakunot ako ng noo ko.

"Eh saan? Sa aquarium inaalagaan mo?" pilosopo kong sabi habang natatawa. Sinamaan niya ako ng tingin. Umigting ang panga niya at tinaasan ako ng malapad niyang kilay. Ayan sinama-sama mo pa ako ha, magsisisi ka for sure.

"Hindi sa ilog, nililipat ko sila para maranasan naman nilang lumangoy sa tubig-tabang." pilosopo niya ring sagot habang nakangisi. My eyebrows met because of iritation. Wala talaga akong panama sa pagiging pilosopo ng damuhong ito!

"Ang dami mong alam!" mataray kong sabi sa kanya. Siya naman ang tumatawa ngayon. Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. Nag-init ako sa inis. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at ang bilis kong mapikon!

"Wag kang mag-alala. Ngayon lang to, simula bukas ay umaga na tayo magsisimula." nakangisi niya pa ring sagot. Nakahinga ako ng maluwag. Gosh buti naman! At least maaga kaming matatapos hindi yung gabi na! I surely don't trust this man with me. Especially the fact that we will be in the midst of the ocean with no other people around!

Nakatitig lang ako kay Benjamin habang nililipat niya ang mga kagamitan sa loob ng bangka. His messy long hair does really suit him. Sumasayaw ito sa ihip ng hangin. It made him look even more mysterious. Kahit na ang totoo ay may pagkabalasubas ang lalaking ito.

His broad shoulders are screaming in front of me. His T-shirt looks like it isn't made for a big boy like him to wear. Parang bibigay at puputok na ito sa bawat kilos niya. Napasinghap ako sa tanawin. Benjamin is really attractive and there's no denying of it. Hindi nga lang kagusto-gusto ang ugali.

"Tutulong ka ba o pagnanasaan mo na lang ako diyan hanggang matapos ako rito?" nang-uuyam na sabi niya. Napabalik ako sa reyalidad at napakurap-kurap ng mata. Did he just caught me staring at him?!

Hindi na ako nagsalita at lumapit na lamang sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko nang-aasar niyang titig. Tinulungan ko siyang magtulak ng bangka papunta sa baybayin ng dagat. With his huge muscles, he can easily push this boat alone. Nahihirapan lang talaga siya dahil sa pilay niya.

The boat is freaking heavy. Nagpapawis na ang kili-kili ko dahil sa bigat nito. Hindi pa kami halos nag-uumpisa ngunit parang pagod na pagod na'ko. Pinigilan ko ang sarili kong magsabi ng masama. Basta magtutulak nalang ako nang matapos na!

Nakiliti ako ng mabasa ang paa ko. May sumiksik na mga buhangin sa pagitan ng mga daliri ko. Senyales na narating na namin ang baybayin. Nagpunas ako ng pawis sa noo. Finally!

Hindi na nakakapagtakang batak na batak nag katawan ng damuhong ito. Kung araw-araw siyang nagtutulak ng bangka na ito ay magkakamuscle talaga siya. Not for me though! Ayokong magkamucle no, sayang ang pills!

"Bubuhatin kita para makasakay ka. Wag ka nang mag-inarte." matalim at seryosong boses ni Benjamin na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. I nodded at him. Kahit na nakakairita ang tinuran niya ay hindi na ako papalag. I don't want to cause another inconvenience. Baka mamaya ako naman ang mapilayan eh.

"Kaya mo ba, may pilay ka 'diba?" tumingala ako sa kanya. Masungit na tumingin sa akin si Benjamin. Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at walang pasabing binuhat ako papasok sa bangka. I squealed because of shock.

Sealed in His Solace (Translove Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon