Chapter 4

182 20 6
                                    

"Ahh!" I shrieked when a duck pecked my pinky. I still feel so sleepy. Ala-syete pa lang ng umaga ay ginising na agad ako para magpakain ng mga manok at pato. Umangal panga ako dahil ayoko talaga ng gawaing ito pero walang talab ang kaartehan ko kay mama.

"Pinapakain nanga nanunuka pa, what an ungrateful bish! Benta kita sa palengke diyan eh." singhal ko. Tila natakot naman ang mga ito saakin at nagsialisan sa harapan ko.

Nang matapos ay agad akong tumungo sa loob ng bahay para mag almusal. Kanina ay umalis sila mama at papa kasama si Riann. Hindi naman sinabi sa akin kung saan ang punta nila. Siguro ay bibilhan nila ng gamit si Riann, pero 'bat di ako sinama! Nakakatampo ha!

Ipinagtimpla ko na ng kape sila lolo at lola kanina kaya kami lang ni Ven ang kumakain ngayon. Nakakaloka talaga ang mga tao dito, ang aaga gumising!

"Wala bang tocino?" nadismaya ako ng itlog lang ang nasa hapag. Galing pa ata ito sa manok na pinatuka ko ng mais kanina

"Tocino mo mukha mo. Makuntento ka sa kung anong nakahain." kalmadong sabi ni Ven. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy hindi ako maarte sa pagkain. Nagc-crave lang talaga ako sa tocino!" depensa ko. Hindi kami pinalaking picky eater ni Riann. In fact I love eating veggies, taga Alfuente kase sila mama at papa kaya ang mga putaheng gulay na nakasanayan nilang kainin dito ay naipatikim na nila sa amin sa Maynila.

Inismidan lang ako nito habang sumisimsim ng kape. He looked like he doesn't believe me. This brute!

"May nabanggit ba sila Mama sa'yo kung saan ang punta nila?" Pag-iiba ko nang usapan. Nakataas ang isang paa nito habang lumalamon ng pritong itlog. Nakahubad nanaman ang mokong.

"Wala eh, nagtaka nga ako kase hindi ka sinama. Baka siguro ayaw lang nila ng kasamang maldita." taas kilay na sabi nito habang nakangisi. I glared at him.

"Malditang maganda." pagtatama ko. He laughed which made him almost spill his coffee in his shorts. Ayan buti nga.

Bago magtanghalian ay tinulungan namin si Lolo Isko na pumitas ng mga hinog na mangga sa likod lang ng bahay namin. Ibibigay niya raw ito sa kakilala niya mamayang hapon.

Nananghalian na kami at kinilig naman ako ng very slight dahil may tocino nang nakahain sa lamesa. Kaya mahal na mahal ko tong pinsan ko eh!

"May laro kami nila Aljon ng basketball, sama ka?" aya ni Ven. Nakabihis na ito ng jersey shirt at shorts.

"Mainit ba ron?" I asked.

"Covered court iyon, malapit lang." tumango ako. Gusto ko ring makalibot-libot dito habang wala pang pasok.

"Maliligo lang ako." mabilisang ligo lang ang ginawa ko. I wore maong shorts and cotton strap sando. Nag liptint din ako at powder. I smiled at my reflection. Pagbaba ko ng sala ay napatingin sa akin si Ven. Naningkit ang mga mata nito.

"Iyan talaga susuotin mo? Maraming lalaki dun Rowan, magpalit ka." sabi nito na may halong inis na tono.

"Okay na'to! Ayaw mo yon malalaman nila na may pinsan kang maganda?" I said with matching paghawi ng buhok.
Umiling lang ito at napasapo ng noo.

"Bahala ka, pasaway ka talaga. Isumbong kita kila Tita eh!" iritadong sabi nito. I'm allowed to wear anything I want though kaya wala silbi kahit magsumbong pa itong lalaking to. Nakakapit lang ako sa braso niya habang naglalakad kami papuntang court. The sun is very intense today kaya nagdala kami ng payong. Pero naiibsan naman ito ng malamig na simoy ng hangin kahit papaano.

Malayo pa kami ay rinig ko na ang tunog na nililikha ng bolang tumatama sa sahig. Malaki ang court na ito, may bubong ngunit hindi fully covered ang gilid. Napairap ako. Sa subdivision namin dati airconditioned ang court, tas dito ceiling fans lang. Mahuhulas ang ganda ko dito.

Sealed in His Solace (Translove Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon