Chapter 6

197 24 8
                                    

Naglalakad na kami pauwi ni lolo ngunit ang utak ko ay hindi pa rin matahimik. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pag payag kanina. Pwedeng pwede naman akong humindi at maiintindihan naman siguro iyon ni Lolo Fidel. Naapektuhan ata ang utak ko nang malaman kong baka ako ang dahilan kaya napilayan siya sa braso. Hindi kakayanin ng konsensya ko if ever!

At ngayon wala na akong choice kundi makita halos araw araw ang mokong na iyon sa loob ng dalawang linggo! Nagulat panga ako dahil napakatagal naman yatang gumaling ng braso niya. Sinabi ko sa kanila na hindi naman ata ganoon kalala ang pilay niya na aabot pa ng dalawang linggo. But my own beloved grandpa insisted on it. Para daw hindi ako mabulok sa bahay. Nice one po Lo!

"Rowan tumabi ka!" ekstraheradang sigaw ni lolo sabay hila sa akin palapit sa kanya. Gulat akong napatingin dito.

"Lutang ka ba apo? Muntik ka nang tumama sa puno oh." naniningkit na matang sabi ni lolo. Sinipat ko ang gilid ko at may malaking puno nga dito. Kung hindi pa niya ako hinila ay malamang uuwi akong may nosebleed.

"Hehe sorry po may iniisip lang." nakangiti kong sambit sa kanya with matching peace sign. Mas lalong nanliit ang mga mata niya, sinipat ako nito mula ulo hanggang paa saka pumameywang. Ano nanaman kayang kalokohan ang nasa isip ni lolo.

"Shota mo bang taga Maynila ang iniisip mo? Tsk tsk." seryosong tanong niya. Nasamid ako. Bat napunta na naman sa shota?

"Lolo Isko naman! Alam niyo naman pong wala pa akong balak mag-boyfriend." natatawa kong sagot sa kanya. Ewan ko ba Kung bakit pag usapang boyfriend na eh bigla siyang nagiging seryoso! Parehas sila ni papa, like father like son talaga!

Nang makauwi ay agad akong naligo dahil nangangati na ang katawan ko. Ang daming mga damo at talahib ang dumikit sa balat ko kanina kaya parang inaaallergy na ako sa pangangati ngayon. Sa dinami-dami ba naman kase ng lupain sa probinsyang to ay sa may kakahuyan pa talaga nila napiling tumira.

Habang nagpapatuyo ng buhok sa kwarto ay biglang bumukas ang pintuan. Bumungad si Riann na ngayon ay tuwang tuwa. Nakauwi na pala sila.

"Riann na-miss kitang pasaway ka!" mahigpit ko siyang niyakap.

"I miss you more my pretty Ate!" malambing na tili ng kapatid ko. Kinurot ko naman ang pisngi nito.

"Ate, dapat sumama ka! Angganda ng house na pinuntahan namin. It was even bigger than our mansion before!" masiglang sabi niya at ipinakita naman sa akin ang isang malaking supot.

"Ano iyan?" binuka nito ang dala niya at nakita kong punong-puno ito ng mga laruan at tsokolate.

"Wow bigay sayo ng may-ari ng bahay? They're so nice naman!" maligalig itong tumango sa akin. Inabutan ako nito ng tsokolate na agad ko naman tinanggap at tinikman. I remember the taste of this, it resembles the one I ate in Maynila. Bigay sa akin ng manliligaw kong sobrang yaman noon. Mom and Dad's friend must be really rich huh!

"Where did you go ba? Malayo ba iyon Riri, ang tagal niyo kaseng umuwi eh. Nagtampo na tuloy ako!" paawang biro ko sa kapatid kong kumakain na rin ng chocolates. She looked at me with eyebrows creased.

"Oh no Ate I'm sorry, sabi kase ni Mama secret daw eh kaya hindi pwedeng sabihin sa'yo." napatakip pa ito ng bibig ng masabi iyon. What secret? Ano ba iyon at bakit kailangan pang isikreto? Kailangan kong uto-utoin tong kapatid ko para masabi iyon sa akin.

"Secret daw? Eh sinabi na nga ni Mama sa akin! Kaya alam ko na yan no need to hide it from me." nakangiti kong sabi dito. Maniwala ka please!

"Hay nako ate, Hindi pa nga kayo nag uusap ni Mama! You're lying I know it!" galit na sabi nito. Hala siya, kailan naman gumaling itong batang ito sa pagtatago ng sikreto aber?

Sealed in His Solace (Translove Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon