CHAPTER 8 - Bullying (Part1)

11 1 0
                                    

CHAPTER 8 - Bullying (Part1)
ColdAndSilentGirl


**** VELSHARIE's POV ****

Shemay!!! Sinabi ko nga pala sa driver ko na 7pm nya ako hintayin sa labas ng school!!!! >____< Eh almost 8pm na oh! Ugh!

Nandito ako ngayon sa labas ng school gate. Wala na driver ko at WALA ng students dito! Si kuya guard nalang T___T Huhuhu

Paano yan? Siguro umuwi na yung driver ko. Di ko rin naman nakita yun kanina nung bumalik kami ni Sick dito sa school eh. For sure, umuwi na yun! Kasi ganun ako.. After one hour tapos wala pa ako pinapauwi ko na sya eh.

Wala akong cp at pera. PAANO NA?! Sa fairytales kadalasan may biglang dadating na lalaki para tulungan ang princess eh. Baka naman ngayon ko na makikilala si prince ko ^////^ Hehehe

"Ms. Hindi ka pa ba uuwi? Delikado na ah" Nilingon ko naman si kuyang guard ng school namin

"Uuwi na po. May iniintay lang" Sagot ko. Iniintay ko si prince eh! Nag lakad muna ako sa may gilid ng school wall. May upuan kasi at bubong. Umupo na muna ako. I'll wait for my prince..

...

...

...

...

...

...

...

...



(After a hours, 9:17pm)


"Leshe!" Padabog na tumayo ako! Uuwi na ako! Lagot talaga sakin kung sino man prince ko! Di man lang ako sinundo dito!

Di kaya ako ang kontrabida? O___O Imposible! Bida ako!

Ngayon paano na ako uuwi T____T Ano ba naman kasing katangahan ginawa ko at iniwan ang cp at pera sa bahay?! Huhuhu

Lumapit ako sa schoolgate... Sarado na?! =___= Hihingi sana ako ng tulong kay kuyang guard eh. Ah alam ko na! May baranggay naman siguro dito?

Naglakad ako ng konti at thanks! Nakakita ako ng baranggay hall at may tao!!! Hihingi ako pamasahe! Kahit bayaran ko bukas -_____- Maka uwi lang. Di ko kasi kabisado ng number sa bahay.. Wala akong kabisado..


(After that...)


"Naku naman! Bakit ngayon ka lang iha? Kanina ka pa namin iniintay!" Sabi ni manang Lory

"Sorry po.. May inintay lang" Sabay lakad ko papuntang sala at umupo

"Sino naman inintay mo? 10pm na!"

"Yung prince ko po *Pout* Akala ko dadating.. Yun pala.. Akala ko lang talaga" Huhuhu! Sana nag bigay man lang ng sign na hindi dadating yung prince ko diba!

"Ikaw talagang bata ka oh oh.. Kumain ka na ba?" Umiling naman ako kay manang "O sige. Dyan ka lang. Dadalhan na kita ng pagkain" Saka umalis na si manang


(Next day..)


"Oh? Anong muka yan Velsharie? Parang tanga lang!" - Rein

"Oo nga girl.. Kanina ka pa naka busangot.. Ngumiti ka naman! Favorite subject mo kaya ngayon.. Vacant!" - Jessica

"Hahaha!" - Sila

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon