CHAPTER 11 - Mr. Crush VS. Mr. Boyfriend

1 0 0
                                    

CHAPTER 11 - Mr. Crush VS. Mr. Boyfriend
ColdAndSilentGirl


**** VELSHARIE's POV ****

5pm...

Uwian na namin ngayon. Hindi ko alam pero di pumasok sila Jessica at Rein sa klase namin. Nag ditch sila. -____- Ano naman kaya naisipan nila at hindi pumasok?

Inayos ko na bag ko nang magsalita na naman si Jelly

"Good luck" Sabi nya sakin kaya nginitian ko sya

"You must say it to your self" Saka ako nag flip ng hair :P Haha. Pag labas ko nakita ko agad muka ni Tristan na nag aantay sa akin! *Evil smile* Lumapit ako sakanya saka pumulupot sa braso nya

"Let's go?" Saka ako nag sweet smile sakanya. Muka namang nag tataka sya sa akin pero ngumiti na rin sya at nag SMACK SA LIPS KO!!!!!

"Let's go anae *Killer smile*" Kahit na gustong gusto ko syang sapakin di ko magawa!!!!! Grrrr!!!

Pero ngumiti pa rin ako sakanya sa nilingunan muna si Jelly na naka emotionless face bago umalis! WAHAHAHA XP Kawawang Jelly. Lumalaban sa pekeng gf -____- Nag aaksaya lang sya ng panahon. Una fake lang ang relationship. Pangalawa halata namang di sya magugustuhan ni Tristan

"You'll watch me play basketball" Sabi sakin ni Tristan na naka akbay sa akin

"Ayoko. Ano naman mapapala ko sa panonood sayo?" Gusto na umuwi. May assignment pa ako para bukas na nung isang linggo pa ibinigay. Kaso tamad eh :3 kaya ngayon ko lang gagawin haha

"Psh. You're my girlfriend and you should cheer me"

"Wow ha? Papanoorin na nga, kailangan may cheer pa? May cheering squad naman ah? Sila ang taga cheer at hindi ako" Napaka demanding naman nyang bf! Naisip ko tuloy.. Ganito rin ba sya kay Francine noon? Buti di naiinis sakanya yun?

Pumasok kami sa pinaka loob ng court kung saan nandoon yung mga players. Pinaupo nya ako katabi ng upuan ng mga nag s-score

"I want you to cheer me up anae" Parang bata na sinabi ni Tristan -____- Ano ba problema nya? Muka syang tanga

"Pag iisipan ko -____-" Arte kasi. Kailangan may cheerer pa?!


*Prrrrrrtttr!!!!* - pito ng coach yan


"Everyone go to their places! The game will start in 3minutes!" Sigaw nung coach kaya umalis na rin si Tristan at yung ibang players lumabas na rin sa locker room. May locker room kasi sila dito

"Violet?"

Lumingon naman ako sa tumawag sakin ng Violet. And tama nga ang hula ko. Si Sick *Blush* Ang gwapo nya!!!!!

"I-ikaw pala" At ngumiti ako. Waaahhh!!! Nabubulol ako T^T Saka kinakabahan ako!

"Uhm.. Bakit ka pala nandito sa loob? Buti nakapasok ka?" Tanong nya. Bawal naman kasi talaga pumasok dito sa pinaka loob ang hindi part sa basketball team. Yung mga students na manood sa may labas, yung may mga pinaka upuan.

Wait.. Paano ako nakapasok?! Hala! Ano sasabihin ko? Feeling ko di pa nya alam yung about sa amin ni Tristan. Pag sinabi ko namang kasama ko kasi boyfriend ko. Si Tristan, para namang nakakahiya at nakakasuka -____- Ugh! No choice

"Ah kasi kasama ko----"


*Prrrrrrttttt!!!!!*


"Sick! Ikaw nalang iniitay! Ano na?!" Sigaw nung coach nila na mukang umuusok na yung ilong!

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon