Chapter 1

4.5K 229 26
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 1
Memo

@dawnramos:
Saan po ba makakahanap ng isang Ike Rolloque in real life? Bakit puro bwisit lang ang mga lalaki sa paligid ko?

Napabuntonghininga ako matapos mag-post. Nag-reply agad ang mga mutual ko na kapareho ko ng problema. I wanted to interact with them, but I wasn't in the mood. Umaandar ang pagiging mataray ko ngayon.

"Nakakairita! Akala mo kung sino siya!" Padabog akong umupo nang makapasok sa classroom. Umagang-umaga, nag-iinit na agad ang ulo ko.

"Sino na naman ba ang kinakainisan mo? Kagabi lang ang saya-saya mo," sabi ni Lyka.

Pumangalumbaba ako at tumitig sa whiteboard habang nakasimangot. "Bagong kapitbahay ko na maarte na masungit pa. Idagdag mo na rin pa lang sinungaling din at masama ang ugali."

"Grabe naman! Parang ang laki-laki ng kasalanan sa 'yo nung tao. Ano ba'ng ginawa niya sa 'yo?"

Kinapa ko sa bulsa ang papel na halos punitin ko sa inis kanina. Inilapag ko 'yon sa lamesa para mabasa ni Lyka.

"Ano 'to?" Tinanggal niya sa pagkakatupi ang papel. "Memo?"

"Oo!" iritado kong sabi. "May nag-report daw sa akin sa management dahil ang ingay ko raw kagabi. Anong oras pa lang no'n? Alas-siete pa lang ata no'n. Hindi naman ako na-inform na bawal na pala magpatugtog sa condo. Saka parang hindi naman gano'n kalakas?"

"Hala! Pero ano namang kinalaman ng kapitbahay mo? Siya nagsumbong sa 'yo?"

"Syempre, siya 'yon!" sigurado kong sabi. "Kinatok niya ako kagabi dahil maingay raw ako. Ang sabi niya pa ingay lang daw ang kanta ng mga bebe ko. Hay nako! Kung alam ko lang na i-re-report niya ako sa management, sana hindi ko na pinigilan ang sarili kong sakalin siya sa inis."

"Baka naman talaga kasi malakas masyado 'yung patugtog mo?"

"Kung gano'n nga, I admit it! Ni hindi niya nga ako hinayaang mag-sorry, pero tumahimik naman ako agad no'ng sinuway niya ako, ah? Hindi na ako nag-ingay ulit. Madali niya akong napakiusapan," katuwiran ko. "May pasabi-sabi pa siyang 'di ako i-re-report. Walang isang salita!"

"Grabe ka naman, Dawn."

"Totoo naman!" gigil kong sabi.

"Lalaki o babae?" biglang tanong niya.

"Lalaki."

"Gwapo ba?"

"Oo!" Dahil nabigla ako sa tanong ni Lyka, agad kong nasabi ang totoo. Noong nakita ko nga lang ang nakakainis na ngisi niya, napairap ako. "Mas gwapo pa rin ang boyfriend ko! Hindi pa sinungaling katulad niya."

Siya naman ang umirap. "Alam mo, Dawn, you should stop your delusions na. Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung lagi mong pinagkakalat na may jowa ka na."

"Meron naman talaga."

"Si Ike ba?"

"Sino pa ba?" confident kong sagot.

"Oh, sige. Palalagpasin ko na 'yan," sabi niya. "Ang tanong, alam ba ng jowa mo na jowa mo siya?"

Sinimangutan ko ang kaibigan. She used to be so supportive of me fangirling over New Classic, especially Ike. But ever since she got herself a boyfriend, she suddenly turned mature and serious. Gusto niyang mag-lie low muna ako sa pagpa-fangirl at subukang makipag-date.

I actually had suitors. Many guys attempted to court me. Kaya nga lang, dahil sa New Classic, dahil kay Ike, masyadong naging mataas ang standards ko sa lalaki. Hindi sila nagtatagumpay. I would always end up hurting them. Nagiging paasa rin ako sa tingin ng iba.

Moving Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon