#MovingNextDoor
Chapter 10
StandeeIt was finally my moving day. Una kong inayos ang mga damit ko kagabi na inilagay ko sa maleta at malaking utility box. Nitong naglilipat lang saka ko na-realize na ang dami ko palang naipon at nabiling mga damit magmula noong tumira ako mag-isa sa condo. Madalas kasi, bumibili pa ako ng bagong damit online kapag may event ang New Classic akong pinupuntahan, lalo na sa concert. Dapat bongga ang OOTD ko para mapansin ni Ike!
Tinulungan ako ni Kaleb na ilipat ang mga damit ko. May built-in cabinet ang guest room kaya doon ko muna pansamantalang aayusin ang mga damit. Naka-diassemble na kasi ang cabinet ko dahil mahihirapan kaming ilipat. Medyo madali lang naman 'yon buoin, pero nakakatamad pa. Uunahin ko kasi ang shelf ko kung saan nakalagay ang mga album at merch ko ng New Classic. Sila ang priority lagi syempre.
Buti na lang at nakuha na nila Mama 'yung mga hindi ko na kailangang furniture. Talagang ang mga gamit na kailangan ko lang sa kwarto ang dadalin ko sa condo namin ni Kaleb.
Ngumuso ako at pinigilan ang sariling mangiti. Condo namin ni Kaleb...
Hindi pa rin ako makapaniwalang talagang lilipat ako sa kanya at titira na kami sa isang bubong. Kahit na kinakabahan, inaamin kong na-e-excite din ako.
"May natitira pa bang ililipat sa loob ng kwarto mo?" tanong niya.
"Ay oo, meron, 'yung shelf ko pala!"
"Okay. I'll get it."
Tumayo ako upang pumunta sa kwarto, pero naunahan na ako ni Kaleb. "Wait lang, Kaleb!"
Huli na ang lahat. Napatigil siya nang bumungad sa kanya ang standee ni Ike malapit sa pinto. He looked shocked to see that in my room. Parang medyo nahiya pa siya para sa akin kaya umiwas siya ng tingin.
Bakit pakiramdam ko'y nahuli niya akong may ibang lalaki? Gago! Nakakahiya! Baka isipin niya napaka-obsessed ko naman sa idol ko at may standee pa ako kwarto.
"Sorry. Hindi ko natakluban ng kumot. Nagulat ka ba." Hiyang-hiya akong itinabi ang standee ni Ike sa gilid para hindi nakaharang sa gitna ng kwarto. "Ito 'yung shelf ko. Na-disassemble ko na tapos... patulong na rin dito sa malaking utility box. May roller naman 'to sa ilalim, pero gusto ko kasing ingat na ingat sa paglipat nito dahil mahal, eh."
"Are those all merch?" he asked.
"Uhm, oo. Iba-iba."
Muli kong nilingon si Kaleb. Lumapit siya at mukhang kuryoso na. He carefully got an album from the top na nilagay ko sa isang box frame. Hindi ko kasi nilagay sa loob ng utility box 'yung pinakaunang album ko ng New Classic. Sa lamp desk ko rin 'yon mismo naka-display at hindi lang basta sa shelf.
It was the first ever album I owned, which also won a slot at their fansigning event. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. It was the most memorable part of my journey as a First Class. Nang dahil doon ay maraming opportunities ang dumating sa akin. I also met a lot of great people, including Zendaya, Mr. Joel, and the New Classic members.
"This is a signed album..." puna ni Kaleb na parang namamangha pa dahil may album akong may sign at short dedication ng New Classic members.
Tumayo ako at sinilip ang signed album na hawak niya. "Ayan ang first ever album ko ng New Classic," sabi ko. "Nanalo ako sa raffle ng fansigning event nila no'n at first time ko silang na-meet in person."
"I heard from your mom that you're working part-time as a moderator for their fanclub. Is that correct?" he asked. "Kaya late ka nakauwi noong isang gabi?"
I nodded and proudly smiled. "More like an admin at organizer ng mga official fan-related events or projects..."
"Why do you collect so much stuff related to them?" tuloy niyang pagtatanong.
BINABASA MO ANG
Moving Next Door
RomanceA Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med student neighbor, Kaleb, under less than ideal circumstances. Their first meeting is clouded by misund...