Chapter 15

4.1K 242 60
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 15
Paskuhan

"Ang dami mo pala talagang kalaban kay Kaleb, no?" Namamanghang sabi ni Jho habang binabasa nila ni Lyka ang mga comment sa nag-viral na post sa freedom wall ng university namin.

Isang buwan pa lang ang nakalipas mula noong nag-trending ang stolen picture naming dalawa, mayroon na namang panibago. Ang pagkakaiba lang nito, hindi na ako kasama sa viral post tungkol sa kanya.

UST Freedom Wall:

to: kaleb abello ng med dept

hello kay future doctor, kaleb na poging matangkad, maputi, at madalas naka-salamin. malapit na po ang paskuhan. gusto ko lang pong itanong kung may ka-date ka na po ba? kung wala po, baka pwedeng ako na lang?

from: polsci freshie na cute (sana ma-choose)

Madami ang naging interesado sa post na 'yon, lalo na nang may nag-post ng stolen picture ni Kaleb sa comment section. Mukhang kinatuwaan din ng mga kaibigan niya na nakihalo sa comments at mine-mention siya. Pagbigyan na raw si "polsci freshie" para maging memorable ang unang taon sa UST.

"Papatalo ka ba, Dawn?" Biglang hamon sa akin ni Lyka. "I dare you na mag-send din ng entry sa freedom wall."

"Sus! Bakit pa siya gagamit ng freedom wall, eh puwedeng sabihin niya na lang pagkauwi?" sabi naman ni Jho.

"Oo nga, oo nga!" Si Lyka na mas ginanahan sa suwestyon ni Jho. "Yayain mo siya sa Paskuhan! Wala naman sigurong masama kasi magkapitbahay naman kayo, 'di ba? Lumalabas nga kayo minsan tuwing weekends, eh."

"Ayoko. Nakakahiya," pagtanggi ko.

"Walang mangyayari kung uunahin mo ang hiya, girl," sabi ni Lyka.

"Truly! Saka 2025 na! Puwedeng girls na ang mag-first move," dagdag pa ni Jho. "Lalo na sa mga katulad ni Kaleb, parang hindi siya 'yung tipong nag-fi-first move."

"Nakakahiya pa rin!" giit ko.

Makapal ang mukha ko pagdating sa mga biro, pero kapag seryosohan na, lagi akong nagdadalawang-isip o kaya'y umaatras. I just couldn't do it. I'm afraid of taking risks. Just like other people, I'm also scared of rejections, and I don't want to go through the pain of heartbreak.

"Hala! Nag-comment si Kaleb!" Gulat na anunsyo ni Jho na nagbabasa pa rin ng comments sa freedom wall post.

"Patingin!" Sabay lapit ni Lyka.

Hindi ko na rin napigilan ang pagiging kuryoso. Nakisilip ako sa cellphone ni Jho upang mabasa ang comment ni Kaleb.

Kaleb Abello: Stop this nonsense. Please keep my name off of this page.

"Parang nanlamig ako?" Napabulong na lamang si Jho at hilaw na natawa.

"May pagkamasungit din talaga siya, no?" komento rin ni Lyka.

I bit my lip, trying to stop myself from smiling. Masaya akong hindi niya inentertain ang gustong mangyari ng sender. Pinigilan niya rin agad ang iba na magtatangkang ayain siya sa Paskuhan. Ibig sabihin no'n ay hindi siya talaga interesado.

"Tingnan ninyo... Kung inaya ko siya, baka nagalit pa sa akin 'yon. Mukhang nainis pa siya sa sender," sabi ko kina Jho at Lyka.

"Girl, baka nakakalimutan mong nag-trending din kayo dati at napagkamalan pa kayong mag-jowa, pero okay lang daw, 'di ba?" paalala sa akin ni Jho.

"Okay lang daw, basta si Dawn," sabay inis sa akin ni Lyka na muling gumising sa pagka-delulu ko.

Although I still felt hesitant, I couldn't help but agree. Mas malala pa nga ang nangyari no'n, pero hindi naman nainis o nagalit si Kaleb sa akin. He gave me enough reassurance to prove that he wasn't bothered by the nuisance of strangers trying to get his attention.

Moving Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon