#MovingNextDoor
Chapter 2
Unit"Ang dami naman nito. Bakit hindi na lang tayo humiram ng cart at itulak na lang natin?" reklamo ni Lyka habang naghihintay kami sa elevator.
Tig-isang malaking eco bag kami ni Lyka. She came to hang out at my place, and I thought of taking advantage of her. Nagdesisyon akong mag-grocery para katulong ko siya sa pagbubuhat ng mga pinamili.
"Huwag na. Ibabalik pa natin 'yan dito sa lobby kapag nanghiram tayo. Ilalapag lang naman natin 'yan sa elevator eh. Malapit lang din naman unit ko," sabi ko.
Tamad na kung tamad pero nakakatamad talagang magbalik pa ng cart. Dalawang eco bag lang naman ang dala namin. Hindi rin naman ganoong kabigat kaya ayos lang din.
Galing sa basement parking ang elevator nang umakyat ito sa ground. The door opened, and I wasn't expecting to see my annoying neighbor first thing inside the elevator. Napakunot ang noo ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.
Umayos siya ng tayo at bahagyang umatras para bigyan kami ng space sa loob. Hindi sana ako papasok dahil ayaw ko siyang makasabay, pero naunahan ako ni Lyka.
"Uy, pumasok ka na, girl!" sabi niya nang makitang nakatayo pa rin ako sa labas.
Iritado akong bumuntonghininga. Wala akong nagawa at padabog na pumasok. Buhat ko ang eco bag gamit ang dalawang kamay saka ito nilapag nang nasa loob na.
"Ay same floor..." Dinig kong bulong ni Lyka nang dapat pipindutin niya ang floor namin sa elevator.
Umirap ako sa kawalan at nanatiling tahimik. Hindi na ako nagkomento sa sinabi ni Lyka kahit na nangangati na akong sabihin sa kanya na ang kasabay namin sa elevator ang nag-report sa akin sa management. Nang malapit na kami sa tamang palapag, inayos ko ulit ang hawak sa eco bag na dala.
"Do you need help with your groceries?" my neighbor asked after clearing his throat.
Siniko ako ni Lyka. Sinulyapan ko siya at mas lalo akong nairita nang makita ko siyang nakangiti. Mukha pa siyang parang kinikilig.
"No thanks," simpleng sabi ko at nang bumukas ang elevator ay mabilis akong lumabas dala ang grocery.
I didn't want his help. Baka maging utang na loob ko pa sa kanya ang pagtulong niya sa akin. Kaya ko namang buhating mag-isa.
"Dawn, sandali lang. Ang bilis mo namang maglakad," tawag sa akin ni Lyka habang hinahabol ako.
Binilisan ko talaga ang lakad dahil ayaw kong maabutan ako ng kapitbahay ko. I quickly unlocked my door and went inside without waiting for Lyka. Iniwan ko na lang 'yon nang nakabukas at pumasok naman siya agad habang hinihingal.
"Grabe bakit mo naman sinungitan 'yung lalaki sa elevator. Mukhang type ka! Sana nagpatulong na tayo sa groceries," sabi ni Lyka nang maisara niya ang pinto.
"Never akong magpapatulong sa kanya," malamig kong sabi. "At saka anong type niya? Type niyang inisin gano'n?"
Sinimulan kong i-sort ang mga pinamili kong pagkain na pang-stock sa pantry. Inilabas ko muna isa-isa ang canned goods, noodles, at snacks sa ibabaw ng lamesa para makita ko kung paano ko aayusin.
"Bakit parang ang sama ng loob mo sa kanya? Ano ba ginawa sa 'yo?"
I sighed and turned to Lyka with my arms crossed. "Siya ang nag-report sa akin sa management dahil maingay raw ako. Siya ang dahilan kung bakit ako nagka-memo," I told her, and I couldn't stop myself from ranting. "And guess what? Nung kinonfront ko siya, nagawa niya pang magsinungaling. Hindi raw siya 'yung nag-report sa akin. Ang kapal ng mukha, 'di ba?"
"Oh... So siya pala 'yon..." Tumango-tango siya, muling nangingiti. "Kaya pala hindi ka nakatanggi nung tinanong ko kung gwapo. Sobrang gwapo naman pala!"
I rolled my eyes and continued sorting my groceries. Mas importante sa kanya talaga ang mukha kaysa sa ugali.
"Ano naman kung gwapo siya?" labas sa ilong kong sabi. "Aanhin mo ang kagwapuhan kung masama naman ang ugali?"
"Hay nako, Dawn..." Naupo siya at saka pumangalumbaba. "Paano nga kung hindi siya ang nag-report sa 'yo sa management? Judging by his looks, he doesn't look like someone na magsisinungaling."
"Looks can be deceiving, Lyka," I reasoned, even though I slightly agreed to the fact that he doesn't look like a liar.
Napailing na lang si Lyka, lalo na't alam niyang 'di na magbabago ang paningin ko sa kapitbahay ko. Pinaniniwalaan ko pa ring siya ang nag-report sa akin dahil siya lang naman ang may motibo. However, I couldn't help thinking of the possibility that I might be accusing the wrong person.
Buong gabi na atang 'yon ang nasa isip ko habang nagsusulat ng reply sa management. I was given three days to respond to their memo at bukas na ang huling araw. As a procrastinator, of course, I wrote my letter the night before the deadline.
I apologized, but I also defended myself. Maaga pa naman kasi talaga no'n kaya akala ko okay lang na medyo malakas ang patugtog. Ayaw ko rin namang maging abala sa mga kapitbahay ko kaya mga mas madalas akong naka-headphones kaysa gumamit ng speaker.
The next day, I brought my letter with me bago pumasok sa klase. I was happy to see a familiar face sa reception desk ng lobby. Iyong ka-close kong employee ang nandoon. Siya rin ang nagbigay sa akin nung memo, pero dahil sa inis, nakalimutan kong tanungin sa kanya kung kilala niya ang nag-report sa akin.
"Ma'am Winnie, good morning po!" bati ko sa kanya nang makalapit.
"Oh, Dawn! Good morning!" She smiled back at me and glanced at the paper in my hand. "Ayan na ba 'yung reply mo?"
"Yes po." Inabot ko 'yon agad sa kanya saka nahihiyang ngumiti. "Nga po pala, if okay lang pong tanungin at kung alam ninyo..." Mas lumapit ako para bumulong. "Kilala ninyo po ba kung sino 'yung nag-report sa akin?"
Ma'am Winnie looked a bit hesitant when I asked the question. Isa lang ang ibig sabihin no'n—kilala niya kung sino ang nag-report sa akin. Hindi naman ganoon ang magiging reaksyon niya kung hindi niya kilala.
"Bawal kasing sabihin 'yong ganyan, Dawn, e. Baka ako ang mapagalitan ng nakakataas," sabi niya na nagkumpirma sa aking alam niya nga kung sino.
"Ganoon po ba? Kahit unit number lang po sana..." Bahagya akong ngumuso. "Sayang naman po. Gusto ko sanang personal na humingi ng pasensya at magbigay ng kahit peace offering. I don't like the feeling of owing someone an apology kaya nagbabaka sakali ako..."
I pressed my lips together, exerting effort to school my expression. I didn't want her to see through my act. Baka lalong hindi niya sabihin sa akin kung sino ang nag-report.
"Hmm bawal kasi talaga sabihin pero... kung gusto mo lang naman humingi ng pasensya..."
Bumuntonghininga si Ma'am Winnie at sinenyasan akong mas lalong lumapit sa kanya. Of course, I didn't waste any second dahil baka magbago pa ang isip niya.
"Ang nakita ko nasa Unit 1214 ang nag-report sa 'yo," bulong niya.
1214?
Napakunot ang noo ko. Sa 1213 ako nakatira... It should be 1212 if I suspected it right! Sa 1212 nakatira ang bwisit kong kapitbahay!
"Sigurado ka ba, Ma'am Winnie?" tanong ko, medyo nagpa-panic na. "Hindi ba 1212? Baka 1212 at hindi 1214."
Tumango siya. "Sa 1214 nga. Sigurado ako."
"Talaga ba? Hindi ba matangkad na parang medyo kasing edad ko ang nag-report? Iyong nakatira sa 1212? 'Yung bagong lipat lang?"
"Si Kaleb?" tanong niya.
"Kaleb?"
"Oo. Iyong gwapong bagong lipat sa 1212 na med student."
"Kaleb ang pangalan niya?"
Muling tumango si Ma'am Winnie. So, Kaleb pala ang pangalan niya? And he's a med student kaya siya naka-scrubs that night!
Pero wait! Hindi naman 'yon importante! Kung talagang sa unit 1214 ang nagsumbong sa akin...
Isa-isa kong naalala ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Bahagya akong nanlamig nang mag-sink in sa akin ang pagkakamali ko. Tama nga si Lyka. I really did get it wrong! Mali ako ng pinagbintangan!
BINABASA MO ANG
Moving Next Door
RomanceA Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med student neighbor, Kaleb, under less than ideal circumstances. Their first meeting is clouded by misund...