Chapter 22

3.8K 274 259
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 22
Green

Naging mabilis ang pangyayari pagkatapos magpakilala sa isa't isa sina Kaleb at ang New Classic. Binigyan na kami ng go-signal ng production na ayusin ang mga banners sa seated area kasama ng ibang staff.

Pagkatapos ay nagkaroon ng mabilisang soundcheck ang New Classic bago nagpapasok sa loob. Sinimulan na ring ayusan ang New Classic pagkakain ng early dinner at mag-freshen up.

Dahil tapos naman na ang trabaho namin, pumunta na kami sa kani-kanilang designated seats. Hinubad na rin namin ang suot na ID at sinurrender 'yon kay Mr. Joel.

For this fancon, all seated ang napagdesisyunan ng management para mas mabilis makabunot ng mga mananalong fans na makakasama ang New Classic sa stage para sa games. Mahirap kasi at hindi fair kung magkakaroon ng standing. Para naman sa mga nasa lower box pataas sa gen ad, bubunot din ng mga mananalo ng signed albums or posters.

New Classic really went out of their way to interact with their fans as much as they could. Madami rin ang benefits bawat tier. Bukod sa photocard, lanyard, at wristband, mayroon pa silang pa-tote bag na galing mismo sa bulsa ng members ang production fee. Hindi rin basta-basta ang quality ng tote bag.

"I didn't know our seats would have this view." Kaleb was amazed to see how centered we were. Because of the extended stage, mas nag mukhang malapit talaga kami.

"Maganda nga 'yung allocated na ticket sa Pench," sabi ko.

Tumango si Kaleb saka nagpatuloy sa pag-oobserba sa lahat. Mukhang interesado siya sa lahat ng bagay na nakikita niya sa loob ng arena. Paulit-ulit niya ring binabasa ang instructions sa likod ng banner, and he even scanned the QR code.

It was a whole new experience for him. I found him so adorable while looking so fascinated by everything.

Naalala ko no'ng sinabi niya sa aking ayaw niya sa mga mataong lugar or events. He likes peace and quiet. Mas gusto niyang siya lang mag-isa dahil doon siya nasanay.

That's why I couldn't believe how he was willing to break free from his comfort zone and come to the fancon with me. Dama ko kung gaano ako ka-special sa kanya gaya ng sabi ni Ike.

"It's starting!" Dinig ko rin ang excitement sa boses ni Kaleb nang namatay na ang ilaw kasabay ng nakakabinging sigawan ng fans.

I quickly turned on my lightstick para makisama sa iba. Nag-play ang VCR para sa fancon bilang simula. Ibang-iba ang concept ng VCR nila para sa fancon compared sa concert. It was more on the fun side na parang daily life lang nila ang pinapakita.

Matapos ang VCR, hinanda ko ang camera ng cellphone. Tumugtog ang naka-remix na intro ng Classics. Kahit na ilang beses ko na silang napanood mag-perform live, iba pa rin talaga sa feeling. Kinakabahan ako kahit hindi naman ako 'yung mag-pe-perform, lalo na't iba ang production madalas.

"New Classic! New Classic! New Classic!" Everyone chanted excitedly during the band's entrance.

Nagulat ako ng kinuha ni Kaleb ang cellphone ko. Nilingon ko siya at nginitian niya ako.

"I'll take the videos for you. Mag-enjoy ka lang," sabi niya sa akin.

Tumango ako't mas naging excited dahil hindi ko na problema ang video. Okay na rin na malayo sa akin ang cellphone ko dahil madalas, puro boses ko lang ang naririnig ko sa fancams ko. Kulang na lang, ako na 'yung mag-concert. Wala tuloy akong na-po-post sa IG ko.

Girls have their eyes on us
Boys are singing with us

Lalong nagwala ang mga tao nang isa-isang tinapatan ng spotlight at pinakita sa malaking LED screen ang bawat member. Si Ike ang pangatlong pinakita. Halos mahimatay ako sa sobrang titig niya sa camera. Kulang na lang ay maglupasay na ako. Ibang-iba talaga ang charisma nila kapag nasa stage na.

Moving Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon