"HER EYE'S"
Sa kabila ng kanyang murang edad, ang kanyang third eye ay naging instrumento upang magdala ng kapayapaan sa mga kaluluwang naghahanap ng kanilang pahingahan. Ngunit sa bawat gabing nagbubukas ang kanyang third eye, isang paalala ang dumating: ang mundo ng mga buhay at patay ay laging magkaugnay, at siya ang tulay na nagdudugtong sa dalawang mundong ito.
....
Sa bawat buhos ng ulan, naamoy ko at nariring ko ang hikbi ng Ilan. Subalit, patuloy lamang ako sa paglalakad habang dala ko ang pinamili kung pagkain.
11 years ago simula naulila ako, nagsimula ang lahat ng ito nong na aksidenti kami ng pamilya ko. Pagkatapos ng aksidenti na'yon, walang oras, walang araw ako ginambala ng hindi mananahimik na kaluluwa.
Tama, naaamoy, naririnig at nakikita ko sila.
Nagsimula ang lahat ng ito ng nasa edad walong taong gulang ako.Nong na aksidenti kami ng pamilya ko nagising ako na nakita ko ang mga magulang ko at si kuya Ethan. Nakangiti at lumuluha sila sa harapan ko.
Ang swerti ko dahil buhay pa ako, Pero ang malas ko dahil bumukas ang third eye ko. Kaya ito ako ngayon, sinusundan ng mga hinding mananahimik na ligaw na kaluluwa.
......
"Bakit hindi kapa sumama sa liwanag?" Tanong ko sa isang multong babae. Kasulukuyan ako nandito sa rooftop ng school. Dito ang tambayan ko kapag vacant time. At madalas dito sa rooftop ko sya maabutan.
Si Vivian.
"Hindi ako matatahimik, kapag Hindi ko nakukuwa ang gusto kung hustisya" tumabi sya saaking umupo habang nakatuon ang mata ko sa harap. Ramdam ko naman ang Pag tingin niya saakin dahil sa side eye view ko. "Matutulungan mo ba ako, Mikha?" sa tanong niya, Napatingin ako sa kanya.
Magagawa ko ba syang tulungan?
"Paano kaba namatay?" Tanong ko at nakayuko ito sa tanong ko.
"Hindi ko alam kung paano ako namatay, basta dito sa rooftop ako dinala ng katawan ko. Parang may karanasan ako dito."
Sa sagot niya, may clue na ako kung bakit dito sa rooftop ko sya maabutan.
"Naalala mo ba ang nangyari sayo? Dahil kutob ko, dito ka sa rooftop pinatay o namatay"
"Ang naalala kulang, isang tao."
"Sino?"
"Si sir Cedric ang chemistry teacher niyo"
.....
" Hindi! Hindi ako ang pumatay Kay Vivian!" Paulit ulit na sambit ni sir Cedric sa mga police habang hinihila ito. Nalaman ng lahat na isang rapist si sir Cedric, Marami na syang nabiktima na babae at panghuli niya nabiktima si Vivian.
At nalaman ko rn, nagpapakamatay si Vivian sa rooftop, dahil sa lapastangan na ginawa ni sir Cedric. Blinack mail si Vivian kapag magsusumbong ito sa mga authoridad ay papatayin niya ang buong pamilya niya. Pero bago mangyari Yun, nagpakamatay si Vivian sa rooftop.
At hindi lang basta rapist si sir Cedric, may sakit din ito sa Pag iisip.
"Sumakay kana" sambit ng police sa kanya.
Sinusundan ko sila ng tingin na paalis, pagkaalis nila, nanlamig ang buong katawan ko at sumulpot sa harapan ko ang nakangiti na si Vivian.
"Salamat, hanggang sa muli. Mikha"
Napangiti ako dahil sya ang kauna unahang multo na tinulungan ko.
Nawala ng parang Bula si Vivian.3 years na pala hindi nanahimik si Vivian, bago pa ako dumating. Isa pala akong transfery dito sa Irvington University.
At Pagkatapos ng Yun, wala ng tumangkang lumapit sakin dahil sa ka weirduhan ko.
(CONTINUED )
BINABASA MO ANG
HER EYES
Mystery / ThrillerSi Mikha ay may kakaibang kapangyarihan-isang third eye na nakapwesto sa gitna ng kanyang noo. Sa unang tingin, siya'y isang pangkaraniwang dalaga, ngunit sa ilalim ng kanyang malamlam na mga mata, mayroong lihim na nagtatago.