MikhaTahimik ko tinatahak ang madilim na pasilyo patungo sa bahay namin, nag iisa nalang akong tumira sa bahay simula pumayapa ng matagal ang pamilya ko.
11 years ng nakakalipas pero sariwa parin sakin ang alaala ang nangyari saamin. At Isa 'yung malaking bangungot.
Napayakap ako saking sarili dahil sa Malamig na hangin dumampi sa balat ko. Huminto ako sa gitna ng daan at napalingon sa isang abundanadong bahay.
Wala pakami ni kuya Ethan nandito na ang bahay na'to.
Minamasdan ko mabuti ang bahay, wala akong nakikita. Impossible.
Mabuti naman kung ganon, dahil ayaw ko pa magkasalamuha ng mga ligaw na kaluluwa.
Malapit na ako sa bahay, pero ramdan ko na may sumunod sakin. Binilisan ko nalang ang paglalakad.
Nang na sa harapan na ako ng bahay, binuksan ko na ang gate, at pagbukas ko ng pinto sumalubong sakin ang kunot noo na si tita Lucy. Kapatid ng yumao kung ina.
"Alam mo naman delikado sa daan, diba? At umuwi kapa ng ganitong oras." Sermon sakin ni tita.
Sya ang nag aalaga sakin, sya din ang nagbabantay sakin sa hospital.
"Sorry tita, may tinapos lang ako sa school" pagsisinungaling ko. Sa katunayan, may tinulungan akong bata kanina Pagkatapos ng klase.
"Siguraduhin mulang na nagsasabi ka ng totoo, Mikha" tumango naman ako at ngumiti. "Kumain kana, aakyat na ako" Aniya nito at agad ito umakyat sa itaas.
Deritso agad ako sa kusina para kumain. Nagugutom Nadin ako. At Napagod din ako kanina.
Pero okay narin Yun, atleast may tinulungan akong bata.
Kamusta na kaya sya?
.....
Time check, it's already 7:45 ng gabi.
Nakabihis na din ako ng pantulog at hindi pa ako inaantok.Pumikit ako na baka sakaling makatulog ako.
"Henry! Ang mga anak natin!"
"Ethan!"
"Mikha!"
"Mga anak ko"
"Ahhhhhh"
"Mommyyy, dadddyyy, kuyaaaa Ethannn"
"Ahhhhhhhhhh" napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na'yun.
Napahilamos ako ng mukha at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko."Huwag Kang iiyak, mikha. Kalimutan muna ,matagal na'yun" pagpagaan ko saking sarili.
Napayakap muli ako saking sarili dahil sa isang Malamig na hangin. Dahil sa hangin na'yun na dumampi sa balat ko, ay umiyak ako ng tuluyan.
Hindi ko sila nakikita bagkos hangin lamang.
Natulog muli ako at hinayaan ko nalang ang Malamig na hangin. Na parang niyayakap ako.
....
Her pov
"Kailan pa sya magigising, doc?" Tanong ko sa bagong pasok na doctor.
"Hindi ko pa alam, pero okay naman sya. Hihintayin nalang natin sya magising"
"Love, please naman oh. Gumising kana, hihintayin kana namin"
......
Mikha
Nagising ako dahil sa sinag ng araw tumama sa mukha ko. Pangalawang araw ko na sa Irvington University at Kailangan kung mag madali.
Agad ako domeritso sa banyo para gawin ang morning ritual ko.
Pagkatapos ko maligo, agad ako nagbihis ng school uniform kunting retouch at agad ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa sa sala si tita nagkakape.
"Mag breakfast kana, bago ka pumasok" aniya nito, nagsimula na akong kumain. Kunti lang kinain ko dahil ayaw ko talagang kumain sa umagahan.
"Alis na ako tita" paalam ko sa kanya.
.....
Nandito na ako sa harap ng I.U.
"Iha, hindi kapa ba papasok?" Tawag sakin ni kuya guard. Agad ko pinakita sa kanya ang I.d . "Pasok na"
Tahimik ko tinatahak ang high way patungo sa building namin.
Habang naglalakad ako, naririnig ko naman ang bulungan nila tungkol sakin.
Binalewala ko nalang sila at pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.
After a few minutes.
Nandito na ako sa harapan ng pinto.
"Mag ingat ka sa pagbukas" napakunot ang noo ko sa naring ko. Nilibot ko saking mata ang paligid Pero wala akong nakikitang tao.
Hindi kaya?
"Sino ka? Magpakita ka" sambit ko.
"Tsk, kahit Kailan ang weirdo mo" Napatingin ako sa taong nagsasalita sa likuran ko. Si Shane.
"Ano? Tumabi kanga, weirdo. Tsk" agad naman akong tumabi. Pagbukas niya ng pinto.
"Weirdo!!!"
"Omg!"
"Shane!"
"Wtf!"
Malamig na tubig ang binato nila Kay Shane, sakin sana Yun Pero naunang pumasok si Shane.
"What are you thinking?!" Galit na tanong niya sa mga kaklase ko. Agad ako pumasok at tahimik ako tumungo sa upuan ko.
"Kay Mikha sana Yun e" aniya ni Agatha kaibigan ni Shane.
"Mabuti naman nakikinig ka, kung hindi ma mukha Kang basahan haha" napakunot ang noo ko sa narinig ko. Sino kayang multo ang tumulong sakin. Hindi ko sya nakikita bagkos naririnig kulang sya.
Pero bakit hindi ko sya nakikita. ramdam ko naman ang paglamig sa tabi ko, kaya naramdaman ko umupo sya sa tabi ko.
"Gusto mo ba ako makita?" Tanong niya.
"Syempre" sagot ko at lahat sila Napatingin sakin.
"Weirdo" sambit nilang lahat.
"Ang hirap talaga kapag may kakayahang makakita at makarinig ng mga Kaluluwa no? Hayts" gusto ko syang batukan.
"Tumigil kana" pabulong kung sambit.
"Okay, Babalik ako mamaya. Babye Mikha" naramdaman ko na ang Pag alis niya at napabuga ako ng hangin. Mabuti naman.
Sino kaya sya?
BINABASA MO ANG
HER EYES
Misterio / SuspensoSi Mikha ay may kakaibang kapangyarihan-isang third eye na nakapwesto sa gitna ng kanyang noo. Sa unang tingin, siya'y isang pangkaraniwang dalaga, ngunit sa ilalim ng kanyang malamlam na mga mata, mayroong lihim na nagtatago.