Chapter 2

1 1 0
                                    

Mikha

Pasado alas noybe (9) ng umaga, Kasulukuyan ako nandito sa rooftop. Maraan akong pumukit at inaamoy ang simoy ng hangin.

Hindi ko muli naramdaman ang presensya ni Vivian, sya kasi unang multo ang tinulungan ko.

Unang tapak ko palang dito, may tinulungan agad ako ng multo. Ewan ko ba, pinangako ko saking sarili na hindi naako makihalubilo sa mga kagaya nila. Pero ito ako ngayon, may dalawang multo agad ako natulungan.

Pero masaya naman ako dahil nakaakyat na din sila.

"Ang lalim ng iniisip mo ha" hindi na ako magulat pa, nasanay na talaga ako sa presensya nila. Pero, bakit hindi ko sya nakikita?

"Sino kaba talaga? At bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko nito sa kanya. Napaupo ako ng maayos dahil sa hangin dumampi sa balat ko. Naramdaman kung nakaupo sya ngayon sa tabi ko.

"Gusto mo ba ako makita?" Tumango ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya

"Macky, yan lamang ang naalala ko" macky?

"Matagal kanaba dito?" Tanong ko sa kanya.

"2 years ago, Pero hindi ko maalala ang nangyari sakin" May ilang kaluluwa ang hindi maalala ang nangyari sa kanila.

"Anong gusto kung gawin?"

" Gusto ko malaman ang nangyari sakin, 2 years ago. Bago ako umalis dito" malungkot nitong sambit.

"Pero bago Yun, gusto kita makita" Ewan ko ba, gusto ko talaga sya makita.

"Baka makita mo ako, ay magustuhan mo agad ako hahaha" napairap ako sa kayabangan niya.

"In your dreams, hindi ako papatol sa multo no"

"Grabe ka naman" palihim ako napangiti.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Kahit hindi ko pa sya gaano kakilala.

Kaluluwa lamang ang naging kasama ko sa tuwing aalis ako, tapos kagaya nila mama, papa at kuya iiwanan din nila ako sa huli. Hahahaha ito Siguro ang role ko sa mundo.

"Tutulungan kita, basta magpakita kalang"

"Babalik ako, maglalakbay muna ako. Bye, Mikha."

Naramdaman ko na umalis si macky. I sighed deeply at tumingin ako sa wrist watch ko at nanglaki ang mata ko.

Next subject nanamin at late na akooo.

......

Macky

"Si sir Cedric, ang chemistry teacher niyo" Aniya ng babaeng multo sa babae. Minamasdan ko mabuti ang babae. Nakakakita sya ng mga Kaluluwa?
Sya nakaya posibleng tutulong sakin?

Sana naman....

Agad ako umalis sa kinaruonan nila, nasanayan ko na atang maglakbay. Baka sakaling may mahahanap ako tungkol sa pagkatao ko.

"Palimos po, palimos po" huminto ako sa aleng nanglilimos. Matanda na ito, nasaan kaya ang mga anak niya, bakit pinabayaan lang sya. Tsk.

"Iho, huwag mo syang pababayaan" Napatingin ako sa likuran ko, baka hindi ako ang kanyang kausap. Pero wala namang tao sa likuran ko. Posible din kayang, nakikita niya ako?

"Nakikita niyo po ako?" Tanong ko at tinuro ko ang sarili ko.

Tumango lamang ito at malapad akong napangiti.

"Bantayan mo sya ng mabuti, dahil hindi basta² ang kakayahan na meron sya" sino kaya ang tinutukoy niya?

....

Pagkatapos ng maikling Pag uusap namin, agad ako domeritso sa school.

At nakunot ang noo ko dahil sa kumpulang nangyari.

Teka? Anong nangyari? Bakit merong mga police?

Nakita ko ang isang guro dinakip ng mga police, at pagkaalis nila. Nakita ko ang multong babae sumulpot sa harapan ng babae.

"Salamat, hanggang sa muli. Mikha" biglang naglaho ang babae. Malungkot ako napangiti. Nakuha na niya ang hustisya. Sakin Kaya?

Napatingin ako sa babae.

Mikha..

Mikha ang pangalan niya...



......

HER EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon