Chapter 5

3 1 0
                                    

Mikha

Alas sais (6) ng hapon, Kasulukuyan kami nandito sa harapan ng gate. Hindi ko alam kung anong trip ni macky kung bakit dito pa sa lumang bahay niya ako dinala.

"Wala naman sigurong mawawala kung susubukan diba?" Tanong nito saakin habang nakatuon ang atensyon niya sa harap.

" Ano sa tingin mo?" Dagdag nitong tanong.

I sighed deeply at lumingon sa kanya.

"Let's try it" sagot ko na kinangiti niya.

Pagbukas ko ng gate, at pagpasok ko.

Biglang lumamig ang paligid. Tumatayo nadin ang balahibo ko. Bigla akong kinakabahan na hindi ko alam kung bakit.

Binuksan ko ang pinto ng bahay, tumumbad sa harapan ko ang maruming paligid.

"Ano kaya nangyari dito?" Tanong ko Kay macky. Paglingon ko sa kanya. Hindi ko na kasama si macky.

Nasaan kaya yon?

Iniwan banaman ako, tsk.

Umakyat ako sa 2nd floor, habang paakyat ako, nararamdaman akong may nagmamasid sa akin.

Macky

Kanina, Pagpasok namin ni Mikha sa gate. May napansin akong tao sa itaas. At dahil sa curiousity. Agad ako tumungo don na hindi nagpapaalam Kay Mikha.

Nandito ako sa 2nd floor, hinanap ko sa paningin ko ang tao na'yun. Pero hindi ko sya mahagip sa mata ko.

Matagal na itong bahay, may tumira parin dito.

"Mommyyyy" Napalingon ako sa likuran ko, nakita ko ang isang bata may dalang laruan at tumakbo patungo sa isang kwarto. Agad ko ito sinundan. Nang na sa harapan na ako. Pagbukas ko ng pinto tumumbad saakin ang isang bata nakangiti.

"Bata? Sinong kasama mo dito?" Tanong ko ito sa kanya.  Perminti parin itong ngumiti habang yakap niya ang laruan niyang manika.

" Si mommy po"  sagot nito. Lumapit ako sa kanya at pinantayan ko sya.

"Nasaan ang mommy mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Sasagot pa sana ang bata, kaso biglang may sumigaw.

"Tulogggg, mackyyy. Tulungan mo akoooo!" Dahil sa Sigaw na'yun na alarma ako. Paglingon ko sa bata nawala na ito. At dahil sa pangyayari. Alam ko na kung ano ang bata.

Kagaya ko, Isa din itong kaluluwa.

"Shit, Mikha!"


Mikha

"Hindi sana kayo pumunta dito" aniya ng babae saakin. Napakunot ang noo ko. Bakit ang putla niya, at namamaga ang mata niya.

"Ano po ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Subrang delikado" sambit niya.

"Bakit?  Anong nangyari dito?" Hindi tao ang kausap ko ngayon, kundi Isa na itong kaluluwa. 

"Umalis kana!" Naiiyak nitong sambit saakin. 

Umiling ako na pinagtataka niya.

"Kaya ho ako/kami nandito, dahil tutulungan ka namin." Napayuko ito at umiiling. Pagtingala niya. Lumapit ito saakin at hinawakan niya ang Kamay ko. 

"Aalis kayo? Iiwan niyo ako?!"

"Aalis kami ng anak mo! Ayaw ko na sayo! Napakademonyo mo!"

"Walang Aalis! Mamatay kayo kapag aalis kayo!"

"Matagal na kaming namatay sa Kamay mo! Simulang pinakasalan kita. Kinasusuklaman kita! Kaya wala ka ng magagawa kung aalis kami!"  Sinakal ng lalaki ang babae habang ang anak nito ay umiiyak.

"Kapag sinabi ko, walang aalis. Walang aalis! Papatayin kita! Papatayin ko kayo!"  Kahit anong  gagawin ng babae hindi parin sapat ang lakas niya.

Agad lumapit ang bata at kinalaban ang ama nito.

"Bitawan mo si mommy huhuhu please let mommy gooo huhu"

Dahil sa Inis ng lalaki, binitawan niya ang asawa nito galing sa pagsakal at agad niya hinila ang bata at sinampal ito ng Malakas.

"H-huwag h-huwag a-ang a-anak n-natin, p-parang a-awa m-muna. Armando"

....

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas nitong tibok. Hindi ko inaakala ganito pala ang nangyari sa pamilya niya.

Pinatay ng walang hiya ang mag ina niya.

"Nandito na sya, umalis kana!"

Napatingin sya sa likuran ko at paglingon ko bigla ako sinakal ng Isang lalaki.

"Mamatay kana! Magsama kayo!" Aniya ng lalaki saakin habang sakal niya ako.

Sinipa ko ang pagkalalaki niya at nabitawan ako. Ito na ang pagkakataon para tumakas.

""Tulogggg, mackyyy. Tulungan mo akoooo!"

....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon