Mikha
"Mikha, sinong kausap mo?" Nanglaki ang mata ko dahil nandito si tita. Napatingin ako Kay macky at hinila ko sya patungo sa likod ng pinto para magtago.
"Anong ginagawa mo? Huey!"
"Huwag Kang maingay, nandito si tita. Magtago ka at huwag Kang lalabas" napakunot ang noo ni macky at sabay ngiti.
"Haha, baka nakalimutan mo. Kaluluwa ako. Hindi niya ako makikita" napatampal ako sa noo ko dahil sa katangahan ko. Bakit hindi ko agad naisip Yun?
"Ayst,basta huwag Kang gagawa ng milagro ha" tumango nalang sya at umupo sa study table ko.
Binuksan ko ang pinto at niluwa don si tita nakunot noo.
"Sinong kausap mo?" Kunot noo tanong ni tita.
"Hah? Wala naman akong kasama dito, tita"
"May kausap ka, hindi ako bingi. Nasaan sya? " Napaisip ako ng mabuti kung anong sasabihin ko.
"Ahh! Tama! Nag memorise kasi ako ng script dahil sa role play namin, tita." Mukhang nakumbinsi ko si tita ha.
"Siguraduhin mulang, malilintikan talaga ka sakin"
"Yes, tita. Totoo po talaga"
" Oh sya, magpahinga muna ako"
"Cge po" lumabas sa kwarto si tita. At agad ako humarap Kay macky.
"Naks, marunong kapala magsisinungaling sa tita mo hahah" lumapit ako sa kanya. At agad ko kinuha ang hawak niyang libro.
" Huy, pabasa naman, damot mo"
"Maghanap kalang ng ibang libro" Aniya ko.
Humiga ako sa kama at nag iisip kung tutulungan ko ba talaga si macky.
....
Someone pov
"Hindi parin ba sya Nagising?" Tanong ko sa babaeng mahal ko.
"Hindi pa, babe. " Sagot nito at hinalikan ako sa labi. Gumanti naman ako. Sana Steven, huwag ka nalang magising.
"Kapag magising Yun, anong gagawin mo? Anong gagawin natin?" Tanong ko nito.
"Shhhh, hindi naman niya alam na mahal kita eh. At huwag Kang mag alala. Kapag kasal na kami. Saakin na mapupunta ang yaman nila" Aniya nito at napangiti ako.
"Siguraduhin mulang, babe"
"Huwag kabang tiwala sakin?"
"Sayo meron, Pero sa kapatid niya. Wala"
....
Mikha
"Wala talaga akong maalala sa nangyari sakin 2 years ago." Aniya nito at napatango naman ako.
Tahimik lamang ako habang nakatitig sa kisame.
Paano ko nga ba sya matutulungan? Kung ang buong pagkatao niya ay hindi niya maalala. At kahit sa nangyari sakanya ay hindi din.
Napabuga ako ng hangin sa kawalan.
"Iniisip mo parin ba ang paghingi ko ng tulong sayo?" Malungkot nitong tanong habang nakatuon ang atensyon niya sa aklat.
Napatingin ako sa kanya at ganon din ito.
"Hindi naman kita minamadali, hihintayin ko ang disesyon mo" ngumiti ito at tumayo. Hinila niya ako galing sa paghiga ko.
"Sa ngayon, tutulungan kita tulungan ang mga kaluluwang hindi mananahimik" dagdag pa nito na kinukunot ko ng noo.
....
BINABASA MO ANG
HER EYES
Mystery / ThrillerSi Mikha ay may kakaibang kapangyarihan-isang third eye na nakapwesto sa gitna ng kanyang noo. Sa unang tingin, siya'y isang pangkaraniwang dalaga, ngunit sa ilalim ng kanyang malamlam na mga mata, mayroong lihim na nagtatago.