Chapter 11

267 11 0
                                    

ᴇᴛʜᴀɴ's ғᴀᴛʜᴇʀ
(ᴋɪɴɢ ᴇʀᴏs)
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩

Nakauwi na kami ngayon sa mansion. Nakakapagod ang araw na 'to buti nalang natakasan namin sila Ethan, pinabili nalang din namin sa mga tauhan ang iba pa naming gagamitin sa birthday ni Ethan. Maraming matataas na position ang nandon kaya siguro pinag handaan talaga nila mama at papa.

Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto  ko, nagpapahinga iniisip ang mangyayari bukas.

Ilang buwan na ako dito sa mundong 'to at unti unti ko nang nakakalimutan ang past ko. Ang totoo, hindi ko na maalala ang pangalan ng nanay at tatay ko. Bahagi Sila ng buhay ko kaya mahalaga sila sa akin, pero kung nakatadhana na talaga na makalimutan sila ay tatanggapin ko.

~𝙆𝙄𝙉𝘼𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉~

Nagising ako sa ingay sa baba pati na rin sa katok sa pinto ko.

"Kuya, gising na maghahanda pa tayo!" Nakakarinding sigaw ni alice. Tumayo na ako kahit tamad na tamad pa talaga ako.

"Alice, hapon pa naman ang Punta natin sa birthday ni Ethan," inaantok ko na sabi kay Alice.

"Kuya, mahalagang maaga, bumaba kana at kakain na tayo pagkatapos natin kumain aayusin na natin ang mgasusuotinnatintaposmadami—"

"Alice hinga ka muna, at oo baba na ako," sunod sunod kasi sya magsalita at hindi ko na maintindihan ang iba nyang sinasabi.

"Wag ka na mag palit kuya, may sasabihin sa atin sila mama at Papa." Mahinahon nyang wika, mukang kumalma na sya.

"Wait Alice!" Hinila nya kasi ako palabas, hindi pa ako nakapagpalit tanging polo lang na malaki at mailking short ang suot ko parang dress tuloy ang suot ko, pantulog ko kasi ito para hindi maiinit.

"Mama nandito na kami!" sigaw ni alice na parang kumain ng microphone. Napalaki ang mata nila mama at Papa ng tumingin sila saakin.

"Kuya, Hindi ko alam na may bisita," bulong ni alice. Naginit ang buong mukha ko kasi may bisita pala sila at pamilya pa ito ni Ethan.

Umupo ako sa tabi ni Alice. Inabot sakin ni alice ang unan sa sofa at inilagay ito ni Alice sa bandang hita ko. Sinamaan nya ng tingin si Ethan na nakatingin ngayon sa legs ko.

"Wag kang mag alala eros pupunta kami sa handaan." Nagulat naman ako sa tinawag ni papa sa tatay ni Ethan, mukang close sila dahil Tinawag ni Papa ang tatay ni Ethan sa pangalan nito.

"Naninigurado lang ako," wika ni king eros at tinignan si Papa ng maigi. Pansin ko ang konting ngisi sa muka ni king Eros.

"Ell you look beautiful," biglaang sabat ni ethan. Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi nya.

"Kamuka mo ang Papa mo nang kabataan nya Elliot, pareho kayong mukang.... Babae," mapag larong wika ng tatay ni ethan. What? ano ang ibig nyang sabihin? Nakita ko ang pag ka yukom ng kamao ni mama

"Wag mo ng binabalik ang nakaraan Eros," si mama naman ang nagsalita at niyakap si Papa, na parang pinapahiwatig na sa kanya si Papa.

Nawala ang ngisi sa muka ni king Eros at napalitan ito ng madilim na expression, ang kamay naman ni king ero ang napayukom.

Grabe ang tension nilang tatlo ngayon, parang ang laki ng galit ni mama kay king Eros. Nagulat ako ng tumayo si Ethan at hinila ako patayo. Aangal pa Sana si Alice kaso nagsalita ang hari.

"Saan kayo pupunta Ethan anak?" Tanong nito.

"Kakausapin ko lang si Elliot dad." Hindi na nya hinintay ang sagot ni king eros. Hinila na ako nito ng mabilis paalis sa sala namin.

BOYSLOVE: His Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon