𝙃𝙞𝙡𝙖𝙮
Nakagat ko ang labi ko at na estatwa sa kinauupuan ko. The héll ang clingy nila! Hindi naman kaming tatlo close. Ang feeling!
Nag pupumiglas ako sa hawak ni florian at ginagalaw galaw ko ang tuhod ko para maalis si cinder sa baba ko.
"𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢! 𝘉𝘪𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘰𝘬𝘰 𝘧𝘭𝘰𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘤𝘪𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘬𝘢 𝘥𝘺𝘢𝘢𝘯!" Ani ko at pilit na nag pupumiglas.
Hinigpitan lang ni florian ang yakap nya saakin. Si cinder naman ay umalis na. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"𝘈𝘭𝘪𝘴 𝘧𝘭𝘰𝘳𝘪𝘢𝘯!" Nanggigigil kong sabi sakanya at lumingon sa kanya pero wrong move ako dahil pag kaharap ko ng muka ko ay dumampi ang labi ko sa labi nya.
Parang tumigil ang mundo ko at hindi ma-process sa utak ko ang nangyari.
What the héck is this! Your boyfriend is here florian! You just kiss me, even if it's accident or not he might feel a jealous.
Tinulak ko sya ng malakas. Saktong tumigil na ang sinasakyan namin. Hindi ko na hinintay na pag buksan ako ng pinto dahil agad akong umalis sa loob at bumaba.
Ramdam ko ang bilis ng tibok nang puso ko, dahil 'ata sa galit.
"𝘏𝘪𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨!" Boses iyon ni florian.
Hindi ko sya pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pag lalakad. Wala akong sa mood.
"𝘏𝘪𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺," nagulat ako ng hilain ako ni florian paharap at yakapin. Eto namang puso ko sobrang bilis ng tibok.
"𝘐𝘵'𝘴 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘮𝘦 𝘨𝘰." Tinulak ko sya. Agad naman syang napabitaw at tinignan ako ng may pag ka guilty. Bumaling ako sa nag mamaneho ng karwahe kanina.
"𝘐𝘩𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘱𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦 𝘧𝘭𝘰𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢," utos ko dito at tumalikod na. Ramdam ko na nasa gilid kona si cinder.
"𝘔𝘢-𝘮𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘣𝘢?" Tanong ni cinder ng makapasok kami sa loob ng palace. Tumigil ako sa pag lalakad at tinignan sya.
Dapat sya ang tanungin ko ng bagay nayan dahil boyfriend nya si florian. Napabuntong hininga nalang ako.
"𝘗𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘸𝘢𝘳𝘵𝘰 𝘮𝘰 𝘤𝘪𝘯𝘥𝘦𝘳, 𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘢𝘬𝘰," walang ganang sabi ko at pumunta na sa taas.
Wala si mama ngayon dahil pumunta sya sa pag diriwang ng mga matatanda. Wala din si kuya hindi pa sya umuuwi simula kaninang umaga.
Pagod akong humiga sa kama ko ng makarating ako sa kwarto ko.
Napahawak ako sa labi ko at inalala ang nangyari kanina. Anlambot ng labi ni florian kahit sandali lang nag dikit ang labi naming dalawa.
Bagay na bagay talaga sila ni cinder. Sana naman hindi makaramdam ng galit saakin si cinder.
~TOK~ ~TOK~
"𝘏𝘪𝘭𝘢𝘺 𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢?" Naalis lahat ng isipin ko ng biglang may kunatok sa pinto ko.
Boses iyon ni kuya mika. Nakangiti akong tumayo at nag punta sa pinto. Binuksan ko iyon at dinamba si kuya ng yakap. Na miss ko kasi si kuya mika ko, buong araw kaming hindi nag kita.
BINABASA MO ANG
Despair In Love (Reincarnation #2)
Romance[BXBXB] (Reincarnation 2) I ran away from them, because I didn't have the strength to keep up with them.