Chapter 14: THE PAST

8 0 0
                                    

"AHHH!" sigaw ko sa kawalan. Choss lang, sa utak ko lang talaga 'yan.

Pero I just can't believe about the Professor, nasa school sila tapos dito pa gagawa ng cheating. Kung ako kasi tatanungin,well, it's consider as cheating. Oo at wala ngang feelings na involve at kasunduan lang naman pero kasi, ikakasal kami!

Napabuntong hininga na lamang muna ako bago nilisan na ang lugar. Well, I think they need privacy. Tss.

Sakto namang pag alis ko roon ay nadatnan ko iyong babae noong nakaraang araw. 'Yong nagsabi na...rebound lang ako and now I get her point.

"Hey, can we talk?" She said nagpatigil sa akin mula sa paglalakad. Tinaasan ko siya ng kilay na parang sinasabi ang "WHAT THE HELL DO YOU WANT?"
"Madali lang." at wow ha, may character development si ate girl.

Napairap ako bago pumayag. Wala namang mawawala kung kakausapin ko siya.

"Okay." Maikiling sang-ayon ko sa kaniya.

Napangiti naman siya na siyang ikinairap ko, ano na naman kayang sasabihin nito sa'kin? Second choice naman?

Napapunta kami sa isang lugar kung saan walang masyadong pumupunta. Sa garden, oo, tama.

"So?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya bago hinawakan ang aking kamay. Lah? Don't tell me crush niya ako?

Assuming.

Bi.

"Hiwalayan mo na si Professor Arc." At dahil sa biglaang salitang sinambit niya ay kumunot ang aking noo.

"And why?" I asked.

"He's...in love with Shei. Narito sa pinas ngayon si Shei, my best friend at sa huli, ikaw lang ang masasaktan."

"Liar."

"I'm telling the truth."

"If that's the case, kwento mo sa'kin lahat."
This is my only choice to know kung ano ba talaga ang namamagitan sa dal'wang iyon kahit obvious namang lovers sila as hell.

Lovers their ass.

"I'll start with...magkababata ang dalawa, Shei and Arc. Best friend ko si Shei since then pero si Arc, tanging si Shei lang. I remembered the time kung saan iniligtas niya si Shei mula sa isang car accident. They were both in love with each other since then. Mahal nila ang isa't-isa pero may isang tragedyang nangyari." Puchacha, huminto pa talaga.

"Oh tapos?"

"Hindi sila pwede dahil ayaw ng magulang ni  Shei so...ang only choice ni Shei para hindi mapahamak si Arc ay ang iwan ito, that's why she left him. Kahit masakit para kay Shei, iniwan niya ito. Kaya ngayong narito na siya, kahit ikaw pa ang humarang upang makuha niya ang Propesor, hindi siya susuko because she knows...he love her, kahit ngayon nagkikita at naguusap sila, they're both in love so please leave. Umalis kana sa buhay nila."

Halos mainis at umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Anak ng tokneneng! Huh!

I scoffed before shooking my head.

"The hell would I do that? Ano bang pakialam ko sa past nila? Past is past, ako ang hinaharap."

"Pero hindi ikaw ang mahal."

"Pero kaya niya naman akong mahalin."

"Sa panaginip?" Dahil sa inis na nadarama ay tuluyan nang sumabog ang inis at galit sa aking dibdib at malakas na sinampal ang babae. Ang kapal niya! Siya na nga 'tong—hmp!

"What was that for?!"

"Shut up!" sigaw ko bago umalis ngunit mali, muli'y nakita ko ang dalawa.

My world stopped, I feel stabbed in my heart.

"Sige na, papasok pa ako."

"I love you."

A tear escape from my eyes. Am I in love or is it just I'm to attached?

He said "I love you", not to me but to her, to his past.

My Professor is a Mafia boss Where stories live. Discover now