Chapter 18: LOVE AND SORROW

4 0 0
                                    

Chapter 18: Love and Sorrow

"GUSTO ko silang suntukin at saktan." sambit ko sa kaniya habang humihikbi. We were both sitting on a bench. Tinatanaw namin ang isang lawa. Hindi ko rin alam kung saan ba ako dinala ng kapatid ng Propesor.

He never answered.

"Will it make you happy?" tanong niya. Hindi ako tumingin, kahit naman gawin ko iyon ay hindi na naman mababago na kontrata lang ang sa'min ng Propesor. This bullshit is driving me crazy.

"Will it make you feel less pain?" sunod na tanong niya. Will it?

Ilang buwan lang din naman bago kami maghiwalay ng Propesor. Ayon sa kontrata ay limang buwan lang kami at matapos iyon ay maghihiwalay na kami.

"Mahal ko siya eh." wala sa sariling sambit ko sa Doktor.

"Does he love you?" I looked at him before glaring.

"Hindi. 'Diba?" kung makapang real talk naman ang Doktor parang..

Puchacha.

"Oh..ano naman?" masungit kong saad. Hindi na naman siya sumagot at umaktong may iniisip.

Iniisip niya siguro kung anong sakit ko.

"Do you really love him?" I nodded.

"And that's why I'm hurting myself. I'm hurting myself for loving him. Love and sorrow...I guess"

"Hindi mo naman 'yan mararamdaman kung ang mamahalin mo ay isang tao na may kaparehong nararamdaman. " Ilang segundo akong tumitig sa Doktor. He has a good look just like the Professor.

"Alam ko."

"Alam mo naman pala, tanga-tanga." halos mapakurap ako nang murahin niya ako. Pero 'yong mura niya, emotionless pa rin.

"Gano'n naman talaga 'pag nagmamahal, pag mahal mo, handa kang masaktan—"

"Pero 'pag mahal mo and you have a self respect, you'll know your worth. You'll never chase or love someone who can't even love you back. That's stupidity."

"Alam mo? Iuwi mo na lang ako, Oo."

NATAPOS ang usapan namin ng Doktor at inihatid naman niya ako sa aking apartment. Bumaba ako sa kaniyang sasakyan at saka tumayo roon. Ibinaba niya ang salamin at saka sa akin tumango na tinanguan ko rin naman.

Lamig.

Matapos iyon ay itinaas niya na muli ang bintana bago umalis. Tinanaw ko naman ang papaalis niyang sasakyan.

Mabait ang Doktor. Ramdam ko iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako bago napagdesisyunan na pumasok na sa loob ng apartment ko.

Nag half bath lamang ako bago kumain ng dinner. Kinain ko lamang ay itlog tapos garlic bread. Sinamahan ko na rin ito ng gatas para mabilis akong makatulog.

Matapos iyon ay tumitig ako sa ceiling hanggang sa lamunin ng dilim.

Sana... he'll feel my love.

But if he breaks my heart again in too many ways, I'll give up. But for now, I'll pursue him.

Even if it's Love and Sorrow.

Omni POV:

"She's been attached to you." sambit ng lalaki sa kaniyang kapatid. Napangisi ang lalaking mayroong hawak na kopeta na ang laman ay red wine.

"That's good."

"Ginagamit mo lang siya."

"So what?" nakataas ang kilay na sabat nito. Si Arc.

"What for?"

"Tss, you don't have to know. Once we're done with the contract, I'll marry Shei." napabuntong hininga ang Doktor.

"Gago ka." hindi nagbibiro ngunit seryosong sabi ng Doktor sa Propesor na siya namang ikinatawa ng Propesor.

"You're using her for your own will."

"She said she's useless, that's why I'm using her. She isn't worthless now."  huling sambit nito na siyang nagpatigil sa Doktor.

"Use her. Okay, I'm not in judge."

#JAMMZ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Professor is a Mafia boss Where stories live. Discover now