“Rissa, hindi ka na ba gigising dyan? Aba, e mauubusan ka na ng ulam!”
Umungot ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at bumangon na. Kunot noo kong nilingon ang paligid. Muli pala akong naibalik sa tent..
Paano nagawa ni Verco iyon?
Nanghihina kong hinaplos ang binti ko at kinagat ang ibabang labi. Nasaan kaya siya ngayon?
Suot ko pa rin ang malaking t shirt na pinahihiram sakin ng mga sundalo. Ang kulay putik na damit na sobrang laki sa akin.
Itinali ko ang aking buhok at naghanap ng tsinelas. Nang makapaghanap ng sapin sa paa, nakanguso akong lumabas ng tent.
Nakita ko kaagad ang hapag kainan at mariing tiningnan ang lalaki na nasa hapag kainan na’t payapang kumakain.
Pasimple siyang nag angat ng tingin at pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Uminom siya ng tubig at nag iwas ng tingin upang ilan lamang ang makahalata.
“Dito ka maupo, Rissa. Ito ang plato mo. Ipinagtira rin kita ng manok,” ani Hendrix at inalalayan akong maupo.
Tumango ako at sinimulang kumain na. Paminsan minsa’y naglalagay pa si Hendrix ng sabaw sa aking mangkok kapag nababawasan ko na.
Punong puno ang bibig kong nilingon si Verco ngunit laking gulat ko nang mawala siya roon. Luminga-linga ako sa paligid bago ko naramdaman ang pagtabi sa akin ng isang lalaki.
Pareho kaming natigilan ni Hendrix. Nilingon namin si Verco na seryosong naghihimay ng manok sa kaniyang plato bago ito isinalin sa akin.
Nagkatinginan kami ni Hendrix. Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin at pinasadahan ng tingin ang aking leeg.
Kumunot ang kaniyang noo.
Napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
“Busog ka na ba? Bakit ang bagal mong kumain?” ani Verco.
Punong puno pa rin ang bibig ko ng kanin at manok. Umiling ako dahil gutom na gutom pa ako.
“Then eat. Stop snapping your head at Hendrix every minute. You will not finish eating if you keep on doing that.”
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos kumain, sa tent lang ako namalagi dahil sa pagod. Aminado na hinahanap si Verco pero alam kong marami siyang gawain lalo na’t isa rin siyang kilalang lider sa kampo na ito.
Mabilis akong tumayo nang may pumasok sa tent. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang si Hendrix iyon.
Hendrix’ jaw clenched as he saw my reaction.
“You look disappointed when I entered, Rissa.” aniya. “Waiting for Verco?”
Umiling ako. “Hindi ah.”
Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit. Inabot niya ang aking buhok at inamoy iyon.
“So Verco fucked you?”
“Kagabi..” tumango ako. “.. at kaninang madaling araw!” I smiled.
Binitawan niya ang buhok ko at nagpamewang sa harapan ko.
“See? Naalala mo nung sinasamahan mo akong maligo sa sapa? Sabi ko sayo bibigay rin sakin si Verco. You know I had a big crush on him!”
Hinilot niya ang kaniyang sentido at tumango.
Nilaro ko ang daliri ko at namula, pilit inaalala ang kagabi.
“Ang sarap niya,” uminit ang pisngi ko. “He fucks like a wild animal…”