Nakatulog ako halos buong araw. Pero buong akala ko, pagkagising ko ay makikita ko ang isa sa kanilang dalawa sa loob ng tent pero wala.
Muli kong ginawa ang gawain ko tuwing umaga. Miski sa pagkain, hindi ko sila nakita.
“Nasaan daw sina Verco at Hendrix?” nalulungkot kong tanong sa isang sundalo.
“Wala. Ipinadala sa bayan para tumulong sa pagtugis.”
Ngumuso at tumango. Akala ko masaya na nakapagpahinga ang katawan ko pero hindi pala. Nakakamiss sila.
Dumaan ang ilang araw, nagpatuloy lang ang mga natural na gawain ko sa kampo. Madalas utusan ng mga babaeng sundalo na maglaba pero ayos lang.
Wala sila Verco ay Hendrix, wala rin akong magawa.
Pinagpatuloy ko ang paglalaba sa sapa habang may dalawang sundalong nautusan na bantayan ako. Ang isa ay lalaki at ang isa ay babae.
Hindi ko sila kilala kaya naman ipinagpatuloy ko lang ang paglalaba.
Narinig ko ang pag-ayos sa tayo ng dalawang sundalo kaya nilingon ko ang mga ito. Sinundan ko ang tingin nila habang nakasaludo.
Nanatili akong nakatayo sa tabing sapa, ang kalahati ng katawan ay nakababad sa tubig habang ang palanggana naman ay nasa bato.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ko nang makita ang dalawang pamilyar na lalaki. Makisig na naglakad palapit at parehong seryoso ang awra.
Napalunok ako at pinagmasdan ang baril sa hawak nila, nakapatong ito sa kaniyang dibdib at handa para sa anumang uri ng gera.
“Masaya kami sa pagbabalik ninyo, Verco.” sambit ng isang sundalong babae. “Hendrix.”
Tumango si Hendrix. Si Verco ay nagpatuloy sa paglakad papalapit sa akin.
“Maraming salamat. P’wede ninyo na kaming iwan dito at bumalik na sa kampo. Kami na ang magbabantay kay Rissa.” ani Hendrix.
Tumango ang dalawang sundalo at umalis.
Nanatili ako na nakababad sa ilog. Isang malakas na singhab ang ginawa ko nang makitang lumusong si Verco sa sapa kahit na nakauniporme pa at nakabota na pang sundalo.
“Dyan ka na! Ako na lang ang lalapit!” nagmamadali kong inilagay sa palanggana ang damit at sinalubong siya.
Nang makalapit at hinapit niya ang aking bewang papalapit at inamoy ang aking leeg. Dahil doon, nakita ko si Hendrix mula sa likuran ni Verco na papalapit.
“Ang tagal nyong nawala.” sambit ko.
Nakiliti ako bahagya sa mararahang halik ni Verco sa aking leeg pataas sa aking panga.
“Namalagi kami sa bayan dahil doon kami nabigyan ng trabaho,” sambit ni Hendrix. “Ako naman, Verco. Hindi ko pa nahahalikan.” aniya at hinila ang aking kamay palapit.
“Putangina.” mura ni Verco nang mawala ako sa kaniyang bisig.
Napahagikgik ako. Hendrix chuckled too and gave me a hungry kiss. Hinaplos niya ang aking leeg habang patuloy sa paghalik.
Napakapit ako sa kaniyang batok nang maramdaman ang pagpisil ni Verco sa aking puwitan.
“I missed you..” nilingon ko si Verco.
Nagpatak siya ng halik sa aking balikat at niyakap ang aking bewang. Pumikit ako at dinama ang paghigpit doon habang humahalik halik siya sa aking batok.
