13

38 9 38
                                    

[ MESSENGER ]

Kaela Marie De Torre
Today, 7:48 PM

👋🏼

nakauwi na kayo?

oo
ano yong sinasabi mo kanina na practice para sa oral?

ah, oo.
ang ginagawa namin, sinasagutan namin in advance 'yong mga tanong through written.
tapos, kapag practice time, bubunot kami ng number tapos itatanong ng isa sa amin.
doon namin napapractice kung paano siya sasagutin naman verbally na hindi mukhang robot na nag memorize.

7:50 PM

nakakatulong lang din sa amin para ma-express namin 'yong point na gusto iparating. nakakakuha rin kami ng ideas sa isa't isa, na ayos lang naman kasi hindi naman nagrerepeat ang questions, kaya mas lalong nakakatulong.
pero ang rule, bago practice, dapat nasagutan mo muna lahat na naka written. kasi titignan din namin sagot mo habang nag o-oral ka and see anong mga na-miss out mong points, etc.

ahhh
ok
kailan kau magsisimula?

sa tuesday pa naman.
makikinig muna kami ng report sa monday tapos manghihingi rin ng ppt nila para lang din tignan if nag co-coincide ba mga sagot namin or kung may maidadagdag.
minsan kasi iba 'yong nasesearch namin sa pinepresent no'ng reporters.
g ka ba?

ah ok getz
pero san muna
tas anong oras

sa school lang din. sa forest kami para ayos lang mag-ingay.
hindi naman sa mag-iingay kami pero panget naman kung sa library kami mag o-oral.
masyado ring maingay sa caf, kahit sa study hall.
in between lib at caf/study hall ang forest so doon kami.
tapos since 5:30 unang class namin, mga 3 ando'n na kami.

oki
pero aus lng b kina joven at cia?

oo, 'yon pa.
payag 'yon.

sige
sama aq
pero may class ako 4:30 ha
mauuna aq umalis nyan senyo

ayos lang ☺️
pero by 1 ando'n na ako madalas.
do'n na rin kasi ako nag-aaral, para rin maka save kami ng spot.
kung gusto mo mauna mag practice kasama ko, ayos lang din.
3 na kasi earliest na kaya no'ng dalawa kaya ako lang lagi maaga. malayo pa kasi sila tapos sinusulit din tulog.

geh
sabihan lang kita bukas

okay ☺️

salamat

you're welcome ☺️
Seen

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚

clief & righthandz 👾
Today, 8:32 PM

practice na tayo tuesday ha

cia
Oo ngaaaa
Naninibago talaga ako sayo clief ha
Dati ikaw pa pinipilit namin
Ngayon ikaw na nangunguna
Anong pagbabagong buhay to?

🤦🏻‍♂️
hindi ba pwedeng gusto ko lang ng maayos na grade this sem?

joven
jusko
kaya ka nga namin nirecruit sa samahang to kasi talitalino mo
di na kailangan mag aral
kami lang naman talaga nakikinabang dito
sobrang ayos na ng grades mo clief anong ayos pa ba ang kailangan

cia
Siguro yong tipong siya na magtuturo
joven reacted 😆 to this message

ewan ko sainyo

8:51 PM

may sasali pala sa'tin ha

cia
Now you're talking
Sino 'yan

si kaela

cia
OMG?
Paano mo inaya???
Nong SHS kami tahimik lang yon lagi
Hindi sumasama-sama sa mga ganito
Not that anybody asked din yata ewan

tinanong ko lang naman.
inexplain ko lang din pros no'ng mga practice natin dati.
pumayag naman siya.

cia
Niiiiiiice

joven
may bago ka na namang kukulitin, ci

cia
CHE
Pero @clief kailan mo siya inaya ha? 👀

joven
siguro after niya matamaan ng pinto last week

hindi, nagkita lang kami kanina sa mall. tapos nabanggit ko, ayon.

cia
Hmmmm 👀

bakit ba?

cia
Hindi naman kasi ikaw yong tipong mag-aaya
Kapag may gusto sumali noon, lagi mo dinidirekta sa akin na parang ako ang manager

joven
tama, tama

eh hindi ka rin naman kasi basta-basta nagpapasali.

cia
Eh kasi naman 😤
Hindi naman nag-aambag ng sagot yong iba
Tapos kapag tapos na sa recitation, wala na ring paramdam
Halatang ayon lang din talaga ang pakay
Ayoko ng ganon
Madali ako ma-attach tapos nalulungkot lang ako kapag hindi reciprocated
Wag nalang kamo sila sumali 😒

o diba hahaha
ikaw naman hindi nagpapasali.
at wala naman akong reklamo kasi gets naman kita.
ayoko rin na masyadong crowded. mas mabilis lang rotation ng practice kapag maliit lang.

cia
So ayon nga
Bakit bigla mo naisipan ayain si Kaela?
Hindi naman sa ayaw ko ha
Sabihin na nating medyo may free pass siya
Pero curious lang talaga ako sayo

kailangan ba talaga ng rason?

joven
hindi yan matatahimik, clief

cia
Tumpak ka diyan

wala. naisipan ko lang talagang ayain. lalo na no'ng hindi niya rin napansin na may post pala si sir tapos nag panic na siya.
tsaka katabi lang natin, 'di ba? isang term din natin makakasama. mas mabuting nakakasabay siya sa atin.
wala pa naman siyang ibang kakilala sa room, tayo lang yata tatlo.

joven
galing kasi siyang morning sched
nakikita ko siya minsan noon

cia
Hmmmmm
Okay

okay na?

cia
Okay na

okay.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon