36

31 6 20
                                    

[ MESSENGER ]

harurot
Today, 7:27 AM

SSOB
papunta na ako 😎

ang aga mo naman.
kagigising ko nga lang.

syempre 😎
tinatamad na ako magluto ng umagahan eh
dyan na ako

okay.

anong ulam niyo

tanong tanong pa kakain din naman kahit ano.

NAGTATANONG LANG NAMAN 😠

ingat ka.
nasabihan ko na sila mama.

NICE KA WAN
excited na ba agad si nanay makita ako

kakain na kami.
ubusan ka na namin dito.

HOY 😠
NASA KANTO NA NGA EH 😠

[ INT. ALFORQUE RESIDENCE - MORNING ]

HARU
Tao po!

CLIEF
Clyde, buksan mo nga 'yong gate.

CLARKE
Si Kuya Haru, Kuya?

CLIEF
Oo.

Bago pa man makatayo si Clyde para pagbuksan si Haru, una nang tumakbo si Clarke sa gate.

CLARKE
Kuya Haru!

Rinig na rinig galing sa loob ang sigaw ni Clarke sa gate pati na ang boses ni Haru.

CLARKE
Kuya Haru! Kuya Haru!

HARU
O, hinay-hinay lang, bata. Kapag tayo natumba dito.

Napa-iling na lamang si Clief at sinimulan nang ayusin ang hapag para makapag-umagahan na.

HARU
O, Clyde, bakit nakakunot na ang noo mo umagang-umaga?

CLYDE
May practice daw, Kuya. Nakakatamad pumunta kaso may penalty, one hundred.

HARU
Aguy, si tamad. Sabihin mo nalang may sakit ka.

CLIEF
Tinuturo mo diyan sa kapatid ko, Unabara.

HARU
Unabara, ampotek. Kapag ako yumaman papabago ako ng apilyedo.

Umupo muna si Haru sa sofa sa sala habang naghahain si Clief ng kanin at ulam. Katabi ni Haru ang nakabusangot na si Clyde na tila ka-chat ang mga kasama. Si Clarke naman ay nakaluhod lang sa sahig at may kinukulayan sa lamesita.

CLIEF
Ano naman ipapalit mo?

CLARKE
Alforque, Kuya Haru! Para brothers ka na sa 'min.

HARU
Mali, Clarke. Para...

CLARKE
Para...

HARU
Brother...

CLARKE
Brother...

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon