[ INT. DE TORRE'S RESIDENCE - EVENING ]
KYLIE
What's so funny, huh? Laki ng ngiti mo and you didn't even hear me come down. I was calling for you.Napatikhim si Kaela nang marinig ang kambal. Kaagad niya ring itinago ang ngiting hindi niya namalayang sumilip na pala sa kaniyang mga labi. Naglakad naman papunta sa kaniya si Kylie galing sa hagdan.
KAELA
Wala, ano, reels sa IG.KYLIE
Really.KAELA
Oo.KYLIE
Even though I didn't hear any audio?KAELA
Sobrang hina ng audio.KYLIE
Hmmm.Umupo si Kylie sa tabi ni Kaela sa sofa.
KAELA
Ganda rin pala ng IG, Kyl, 'no? Hindi lang din puro portraits, marami ring landscapes pati random pictures. Tapos may mga nagpopost din ng original song na wip pa lang pati poems at prose. Natuwa ako no'ng isang araw, eh. Ang dami-dami kong napakinggan at nabasa.KYLIE
Yes, yes. Though I was not totally exposed pa sa side na 'yan ng IG also. More kikay ang laman ng akin eh, make ups, OOTDs, bags, and stuff.KAELA
Ang galing. Ganito rin ba Facebook?KYLIE
Nah. Facebook is a mess. 'Wag ka na do'n. Anyway, did you post any pictures na ba on your IG? I haven't checked the app pa.KAELA
Wala pa naman. Pero may mga random pictures akong gusto i-post. Tapos baka 'yong mga nakatago kong prose lang din ang ika-caption ko maliban nalang kung gusto ko rin mag dump post tulad no'ng sa'yo.KYLIE
Right. Omg that's a great idea! I would promote it kaso private rin naman account mo. You'll let it stay that way kahit you'll post your prose?KAELA
Oo. Hindi naman para sa iba 'yong mga sulat ko. Though, wala naman talaga siyang target audience. Sinusulat ko lang dahil.KYLIE
Sometimes I forget you like writing nga pala. And you're good at it. You don't share it as much na rin kasi, unlike before. I used to read your whole notebook like a book kapag nakakatapos ka.KAELA
Hindi na rin naman kasi ako masyadong nagsusulat. Simula no'ng ano... Si Erpats.Ipinahinga ni Kylie ang ulo sa sandalan ng sofa.
KYLIE
Right. He used to love reading your pieces, too. Our dearest copyreader.Napangiti rito ang kambal.
KYLIE
It's crazy to me sometimes how we're identical twins pero we're so different din in a way. I'm so like our Mom when it comes to interests and you're so like Dad. But when it comes to personality, I'm so like Dad and you're so like Mom. Sa physical appearance lang yata talaga tayo nagmeet in between, but even our clothing choices and style, magkaiba.Ginaya ni Kaela ang posisyon ni Kylie na ipinahinga rin ang ulo sa sandalan ng sofa.
KAELA
Siguro kasi hindi rin naman tayo magkasamang lumaki. Na-tackle nga 'yan noon sa EDUC101 namin eh, kung ano mas lamang na contributor sa development ng bata, nature o nurture. Nature mas naglelean sa genetics side tapos 'yong nurture naman, naglelean more sa external environment. Siguro dahil mas nakakasama ko si Erpats, mas nakuha ko 'yong interests niya sa pagsusulat at konting pagbabasa na rin pati sa pagtuturo. Pero dahil mas nakakasama mo si Mama, nakuha mo naman 'yong hilig niya sa medisina at science, gano'n.KYLIE
Hmm. Could be. It's a sound point. Though that would contradict our similarities to them in terms of personalities.KAELA
Diyan sisingit 'yong nature. It could be na gano'n na talaga personality natin kahit na saang environment pa tayo ilagay. Kasi bata pa lang daw talaga tayo, ikaw na ang bibo tapos ako 'yong nanahimik lang lagi sa gilid-gilid, 'di ba? Pero pwede rin naman na affected by environment pa rin. Kasi sabi roon sa nabasa kong article dati na 'yong pagkakaiba ng identical twins, hindi galing sa DNA, kun'di sa external factors. So baka sa sobrang energetic ni Erpats, ako 'yong nauubusan ng energy. Tapos sa tahimik naman ni Mama, ikaw 'yong taga-fill ng energy. Hanggang sa naging parte 'yon ng kung sino tayo.KYLIE
Hmm. Possibly. It's interesting to think about.KAELA
Totoo.KYLIE
Napanaginipan ko pala si Dad kagabi. We should probably visit him one of these days. He probably misses his princesses.KAELA
Sige. Sabihan mo ako kailan since ngayon, ikaw mas busy sa atin.KYLIE
Okay.Umayos nang upo si Kaela at itinabi ang unan na nakapahinga sa kandungan.
KYLIE
Kae.KAELA
Hmm?KYLIE
You're not blaming yourself anymore, right?Napatigil si Kaela sa tanong na ito. Kinailangan niya muna magpakawala ng hininga bago lumingon si kambal.
KAELA
Ayos na ako, Kyl. 'Wag mo na ako alalahanin, okay?Hinawakan ni Kaela ang kamay ng kambal at nagbigay ng munting ngiti kay Kylie. Kasunod nito ang isang pekeng hikab.
KAELA
Inaantok na ako. Mauuna na ako sa taas, ha?Bago pa man makasagot ni Kylie, kaagad na na tumayo si Kaela at naglakad papunta sa hagdan. Sinundan na lang din siya ng tingin ng kambal.
Sa kwarto ni Kaela, inilabas niya ang tatlong kwadernong pinagsusulatan noon na puno na pati ang isang mangangalahati pa lang. Nakalagay sa pabalat ng mga ito: Kaela's Journal, nagkaiba-iba lang sa Volume dahil may Volume 1, 2, 3, at 4. Iba-iba ito ng sulat-kamay pero lahat sulat-kamay ni Kaela galing bata pa siya hanggang nagdalaga.
[ KAELA'S JOURNAL VOLUME 4 ]
Last page, dated almost two years ago.
I would speak of words and the picture they make placed together, almost always beautiful. At least according to him. But right now, they all speak of one thing synonymous to the other— grief. And loss. And regret. And emptiness. And void. All nothing and everything at the same time, judging on how heavy it weighs.
It's been months since I lost track of words. I try, like what he used to say. I remember his words of encouragement when I just started writing whatever down. But whenever I open the book, tears fall before words. Rarely words. Never words.
So that's how my life has been lately. Aside from trying to live and getting my life together (hoping it's still possible).
Until the next entry,
Kaela Marie[ TWITTER ]
km🔒@kaelamarie
muntik na kita makalimutan hahakm🔒@kaelamarie
pero hello ulit kjv4km🔒@kaelamarie
marunong pa kaya aq magsulat shsbshs ang tagal na rin pala
BINABASA MO ANG
gently like leaves
RomanceKaela Marie De Torre had become accustomed to things ending. Like how their family did not long after she was born. Like the friendships she made just after she became attached. And like how her lifeline did when she was just starting to make him pr...