28

26 7 8
                                    

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 6:18 PM

joven
magpapractice pa ba tayo tom?

stoko sana kaso

clief
kaso?

may quiz bukas sa educ109 diba
kailangan q mag aral

cia
Ayan ba yong classmates kayo?

oo

clief
ah, oo nga pala.

joven
pero pupunta ka pa rin naman ng forest di ba, @clief?

clief
oo
do'n pa rin naman ako nag aaral.

joven
sige punta pa rin ako
papractice siguro ako mga isang oras lang

clief
sige
@Kaela, kung gusto mo sumabay mag-aral sa'kin, ayos lang din.
may reviewer din ako kung gusto mo humiram.

cia
TAMAAAA
Naku @Kaela try mo mga reviewer niyan ang galing sobra
Sa kaniya kami humihiram minsan ni joven kapag cram review na
O kapag hindi kami sure sa pagkakaintindi namin sa concept

10:02 PM

clief
pero kung mas nakakapag-aral ka mag-isa, ayos lang din naman.
kitakits nalang mamaya sa educ!

slr
punta aq bukas
baka matempt aq na humilata lang d2 sa bahay eh

clief
sige.

cia
Okay mag aaral na rin ako sa isang subj
Kaya sama ako sainyo bukas hehe

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
kailangan q n tlg mag stock ng dark chocolate. parang kakailanganin q lagi 😓

km🔒@kaelamarie
sana maalala kong dumaan sa bulkbox bukas

[ INT. BEDROOM - MORNING ]

KYLIE
Kaela! Get up na ha! I'll be late! Tapos na ako maligo!

Nasundan ang boses ni Kylie ng tatlong katok sa pintuan bago narinig ni Kaela ang yapak nito papalayo. Nag-ayos muna siya ng higaan bago lumabas sa kwarto upang maligo na rin.

[ INT. KITCHEN - MORNING ]

KYLIE
Bakit ka ulit early today, Kae?

KAELA
Mag-aaral. May quiz mamaya eh.

KYLIE
Oh, okay. The effort, ha? Quiz lang talaga makakapagpabangon sa'yo ng ganito ka early.

KAELA
Gagawa na rin kasi ako ng reviewer para easy recall nalang sa exams.

KYLIE
Right. Lalo na sa finals, all lessons in one test paper. Hay, I miss your reviewers tuloy.

KAELA
Papahiramin pa rin naman kita sa GenEd courses, kung gusto mo.

KYLIE
Thank you! But I'm learning to make my own na. Tsaka I don't have GenEd subjects ngayon. For summer class pa, I think.

KAELA
Ah, oo nga pala.

KYLIE
Also, 'di pala ako makakasabay later for lunch, ha? I have an errand.

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon