chapter 1: The introduction part 1

130 1 0
                                    

-kinabukasan-

Tanghali pa pasok ko. Pero umalis ako ng medyo maaga sa bahay namin kasi boring dun. Wala ako kasama. -__-. Kaya pumunta na lang ako ng school. Problem solved na.

Magkasama kami ni Jilliene at nakaupo sa cafeteria ng lumapit si Arrian.

“Jill, Winter. Ahm, punta kayo bukas ah. May party sa bahay. Invited kayo.”

“Tungkol san ang party?” tanong ni Jill.

“Celebration ng birthday ko. Punta kayo ha.” Sabi nya sabay alis.

“Weird din sya.” Sabi ko.

“Hm. So pupunta ba tayo?”

“Ikaw, kung gusto mo.” Ayun na lang sinabi ko. Kahit naman kasi sabihin ko na ayoko, lalabsan makakasama pa rin ako.

“Tara na.” yaya nya.

Pumasok na ulit kami sa klase at as usual, lutang ako. Hindi ko nga namalayan tapos na.

“Winter, tara kain muna tayo bago umuwi.”

Tumango na lang ako. Tinatamad ako magsalita.

Pumunta kami sa bakeshop. Umorder na sya ng cake nya at ice tea, pinasaby ko na rin yung order ko na ice cream cake at frappe. Gusto ko ng malamig ee.

Umupo na rin sya table namin malapit sa bintana.

“Serve na lang daw.”

Hindi ko na lang sya pinansin. Nakatingin ako sa labas.

“Malapit na rin ang Pasko ah.” Sabi nya.

“Ya.”

“Lapit na rin ng birthday mo.”

“Shut up.”

At ginawa nya yun. Dumating na rin yung order namin. Kinain lang namin yun at umalis na rin kami. May dala akong kotse, kaya ihahatid ko na lang si Jill sa kanila.

“Ah, Winter. Susunduin ako dito ni Lex, sensya na ah. Hindi ako makakasabay.”

“Suit yourself.”

Umalis na ako dun. Dumaan muna ako sa park at nagpahangin saglit at umuwi na rin.

The Love ProjectWhere stories live. Discover now