Chapter 3: The dare

85 0 0
                                    

Chapter 3:

Winter’s POV

Dumating na kami ni Jilliene sa bahay nina Arrian. Late na nga kami dumating, para grand entrance kaming dalawa. Hindi masama malate, basta fashionably late ka. Ayan ang rule ko kapag naalis ako para pumunta sa mga party, gatherings or kahit sa gala lang. Golden rule ko yun.

Madami na rin pala ang tao. Andun yung mga iba pa naming blockmates, kahit ata yung mga irregular naming blockmates inivite nya. May plano ata maging Ms. Popular to sa school ah.

“Jill !!! Winter!!! Anjan na pala kayo. Pasok kayo!!” sigaw ni Arrian, kasi sobrang lakas ng sounds.

Pumasok na kami sa bahay nila.

“Uyy, sige kain muna kayo. Tapos, after nun, may konting fun game lang. Trip trip lang nila yung game.”

“Sige. Sige.”

“Iwan ko muna kayo jan ah.” Paalam nya at umalis na rin.

Kumain na kami ni Jill nung mga nakahain na food. Di na rin masama. After naming kumain, biglang sumulpot si Arrian. Kabute ba sya?? Pasulpot-sulpot ee.

“Tara sa veranda. Dun tayo!!”

Sumunod na lang kami sa kanya. Pagkarating namin dun, yung mga blockmates namin, naka-circle tapos may empty bottle sa gitna.

“Upo kayo. Dalee!!! Mag-truth or dare tayo!!!”

“Oppss. Bago may magreact, may kasama itong drinking game ah.”

“Ganito ang rules: Alam nyo naman yung larong ‘I’ve never’ di ba?? Parehas lang gagawin natin, kaso may twist ako, kung kanino magland yung bottle, kelangan magshot ng dalawang beses, isa bago sagutin yung tanong or gawin yung dare at matapos gawin yung dare or sagutin yung tanon. Okay ba yun?? Capiche??”

Sinimulan na paikutin yung bote, since sya yung may birthday, sya yung nagpaikot nung bote. Dun tumama sa isa naming blockmate na irreg. Hindi ko lang alam ang name nya. I’m not good with names eh. Truth ata ang pinili nya. Psshh. Tapos sya naman ang nagpaikot, tumama dun sa isa pa rin naming blockmate, dare naman ang pinili. Matapos nun, nagpatuloy lang yung laro hanggang kay Jill tumama yung bote.

“Jill, Truth or Dare?” tanong nung isa naming blockmate, Kharlyn ata name nun.

“Truth!”

“Anung nangyari at nagbreak kayo nung boyfriend mo, before Lexter?” Chismosa pala itong Kharlyn na ito ah.

“Ahh, ayun ba. Uhm, anu nga ba nangyari dun. Hmm,,, AYUN!!! Nagcheat sya saken eh. May ka-affair sya. Actually, their also fucking pa ata. Buti na lang at nagbreak na kami nun.”

“Ahh. Okay. Sige, ikaw na Jill.”

The Love ProjectWhere stories live. Discover now