Chapter 2: A storm brewing

98 0 0
                                    

Chapter 2:

Jilliene’s POV

Hey!! Kilala nyo naman ako siguro di ba? Di ba?? Hahaha. Magpapakilala na rin ako para sure na maalala nyo ako. Ako si Jilliene Carter, 19 years old, 3rd year college na rin at Business Ad rin ang course. Best friend ko si Winter ever since baby pa lang kami nun. Sa ngayon, I’m not available. Sorry na lang boys, may boyfriend na ako. He’s Lexter Fields. School mate din namin sya. Course nya lang ay Financial Management. May mga bangko kasi yung pamilya nya, kaya ayun ang kinuha nya. --__--

Antagal naman matapos nitong klase naming, last one of the day na at dismissal na at ITS PARTY TIME NA!!!! Hyper ako, wag na sabihin pa.  Tumingin ako sa tabi ko, at tamo itong si Winter, anlakas talaga ng loob matulog sa klase, palibhasa isa rin sa business nila itong school ee. Since walang mapapakinabang ngayon kay Winter, tumingin na lang ako sa relo ko. Five minutes pa! ANTAGAL MATAPOS!!!!!! YOU DON’T DO THAT TO ME!!!!

Hayan sa wakas lumayas na rin yung prof. Time na para gisingin si best friend ko. ^__^

“Winter, ui, bestfriend. Gising ka na.”

“MMMMMM..”

“Best, gising ka na. Tapos na klase.” Niyuyugyog ko na yung balikat ah.

“Maya na.” Nanaginip na siguro ito.

“WINTER MONTGOMERY!!!!!” sigaw ko.

“ANO?!” bulyaw nya saken.

Hayy salamat at nagising rin.

“Tapos na ho kasi ang klase. Alis na tayo. Tara na. Daan muna tayo sa bahay ah bago tayo pumunta kina Arrian.”

“K.”

Sumakay na kami dun sa kotse nya. Yaman talaga nila. Biruin mo yun, iisang anak itong si Winter, tapos sya na magpapalakad nung negosyo nila pagkagraduate nya. Lahat ng negosyo nya, sa kanya na nakapangalan, pirma na lang nung dad at lolo nya ang kulang.

Dumating na rin kami dito sa bahay. Dirediretso na kaming pumasok, wala naman tao maliban sa mga katulong ee.

Pumunta kami sa kwarto ko, at umupo na sa couch dun si Winter.

“Bihis lang ako ah. Kung gusto mo magpalit ng damit, nasa closet yung mga damit mo, nakahang dun.”

“K.”

Nakakasawang “K.” na ah. Hidni ko na lang pinansin at nagbihis na lang ako. Paglabas ko ng CR ay wala dun sa couch si Winter. Asan naman kaya yun?

Hinanap ko sa buong kwarto ko, asa closet ko lang naman pala. Naghahanap ng damit nya.

“Where are my clothes?”

“In the left side.”

Kinuha nya yung maluwang na sando na may print ng flag ng United Kingdom sa una at tight pants.

“Bihis lang ako.”

After ng mga three minutes, lumabas na rin sya. Ako naman, nagreretouch ng makeup ko. Bumalik sya dun sa closet at kinuha yung black leather jacket nya at yung killer knee high black boots nya na may heels. Oo, alam ko. Ginawa ng closet din nya yung closet ko. Halos half ata ng damit nyan na binibili pag nagsa-shopping kami ay dito na punta sa bahay at pinahahabilin. Ayaw kasi ni Tita Angeline ng mga ganung damit. One time nga sa kanila ako natulog, since may pagka-usi ako, nagkalkal ako ng closet nya, ay mali—walk-in closet pala ang tama. Puro dresses, blouse, skirts, high heels, doll shoes, konting pants at shirts lang andun.

Tapos na ako magretouch kaya sya naman ang pumalit sakin dun sa vanity. Tinulungan ko sya ayusin yung curls ng buhok nya, kasi natural na curly yung buhok nya, inayos ko na lang para hindi magulo tingnan. Habang sya ay nagreretouch. Nang tapos na yun at ready to leave na kami, may nalimutan pa.

“Wait. I forgot my purse.”

Bumalik ulit sya dun sa closet at kinuha yung purse nya na silver.

“All done?” tanong ko.

Nagnod lang sya at bumaba na kami. At sumakay na ulit sa kotse at pumunta sa party. TIME TO GET WASTED NA!!!

The Love ProjectWhere stories live. Discover now