Chapter 1: The introduction

391 2 0
                                    

Chapter 1:

Winter’s POV

“Hoy, Winter! Tara na may klase pa tayo!!!” sigaw ni Jilliene o mas kilala sa tawag na Jill.

“Teka lang, pwede? Pati hindi pa naman agad dadating dun yung prof.”

“Aba, teka. Ikaw ba yan Winter?? Asan si Winter Montgomery?? Ang bestfriend ko!!! Ibalik mo sya!!” sabi nya habang niyugyog ang balikat ko.

“Anu ka ba? Ako pa rin ito okay?” sabi ko na lang.

“Para kasing di ikaw yun, dati-rati lagi mong gusto na pumasok na agad.”

“Hm. Teka, bat di mo kabuntot ngayon ang boyfriend mo?”

“Ayun, bahala sya kung nasan man sya.”

“Nag-away na naman kayo? Para kayong aso at pusa, away bati lagi. Hahaha.”

“Hmf. Bahala sya. Tara na nga.”

At ayun, nauna na naglakad saken si Jill. Nag- away na naman siguro sila ni Lexter. LAGI NAMAN.

Ako nga pala si Winter Montgomery, taray ng apelyido ko no?? Hahaha. Pati pangalan tinarayan na rin ni Mommy. Para naman daw havey!! College na ako ngayon, 3rd year college to be exact. Course ko? Business Administration. Hindi sa ako magmamana ako ng kung anung kumpanya, pero trip ko to at makatulong man lang ng konti sa family business namin. Anung family business namin?? Hulaan nyo. WAHAHAHA. Pero joke lang yun, Kami lang naman may-ari ng Resorts World Manila at Resorts World Sentosa sa Singapore. Yaman namin ano? Pati itong school na ito, amin ito. Hahahaha. Mamatay kayo sa inggit. XP. Hayy, isa pa nga pala. NBSB aketch. Nakakahiya man aminin di pa ako nagkakaboyfriend. May mga nanliligaw, oo naman, hindi nga nauubusan ee. May mga nakapila pa nga ee. Pero ayoko sa kanila. Gusto ko pag nagboyfriend ako, sya na ang forever ko. Kung may forever nga ba??

Best friend ko yung si Jill. Ever since diaper days naming, magkasama na kami. Paano ba naman, yung Mom nya at Mom ko magpinsan at super close pa nun, kaya ayun hanggang sa generation namin ni Jill nadala na. Malaki pinagkaiba namin nyan ni Jill, sya maingay, friendly, active, palangiti at may boyfriend yan. Ako naman, introvert, suplada, tahimik, nangiti lang sa mga taong feel ko at WALANG BOYFRIEND. Natulad na rin ata ako sa pangalan ko, Winter. Kaya may pagkacold ako sa mga tao, suplada ako. PERO hindi AKO mean girl ah. Suplada lang. Linawin ko na. Iba ang mean sa suplada.

Pumasok na ako sa room namin. Andun na si Jill at kaharutan na ang boyfriend nya. Katabi ko si Jill kaya dumiretso na ako dun sa pwesto nila.

“Oh hey Winter.” Bati ni Lexter.

“Hey. I see. Okay nap ala kayo ulit.”

“Yeah. Okay naman tayo di ba, Lex?” tanong ni Jill.

“Yup. Okay na okay tayo, munchkin.”

“WAHAHAHAHAHA!!!!!!” tawa ko naman bigla.

“OY, Winter. Bakit ka biglang humagalpak jan ng tawa? Mukha kang baliw!” – Jill

“Srsly?? Munchkin?? WAHAHAHA!!! Corny nyo.”

“Eh anu naman? Sweet nga ee. Inggit ka lang.” asar ni Jill.

Nanahimik na lang ako at umupo dun sa upuan ko. Parating na rin naman yung prof.

Dumating na yung prof. at ayun, walang kwenta yung itinuro ngayon kaya tinulugan ko na lang. Kahit magpatulog-tulog ako sa klase ko, nakakapasa ako with flying colors. Amin itong school na ito. Wahahaha. Pero, hindi nakikialam si Mommy sa grades ko ah.

Umalis na rin yung boring na prof. Tumayo na ako at akmang aalis. Biglang nagsalita si Jill.

“Uwi ka na agad?”

Tumango na lang ako.

“Punta tayo Bakeshop. Gutom na ako.”

“Next time na lang.” sabi ko.

Umalis na ako dun sa room at dumiresto ng uwi.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga. Nakakapagod rin pumasok ha.

“Winter, anak. Anjan ka na ba?” tawag ni Mommy.

“Ah. Opo.”

Umalis na siguro, wala na ako narinig ee. Nagtataka kayo siguro kung bakit hindi ko masyado inimikan si Jill, anu? Kasi, nainis ako, kasi ipagduldulan ba naman na wala akong boyfriend at naiinggit daw ako?? Pssh. Hindi ako naiinggit. Ang ayoko lang ay yung ipinagdiinan nyang wala ako nun kahit hindi nya direktang sinabi. Alam nyo yung implied yung meaning nya ee. Kaya ayun. Cold ako kanina.

Nakatulog na rin ako.

The Love ProjectWhere stories live. Discover now