Chapter 3: The dare part 2

56 0 0
                                    

Nagpatuloy lang yung game hanggang uwian na. Mabuti na lang at hindi ako lasing kaya makakapagmaneho pa ako. Samantalang, itong si Jill ay lupasay na sa sobrang kalasingan.

“Jilliene Carter. Wag kang magtatangka magsuka sa kotse ko. Kundi ikaw mismo ang maglilinis ng pinagsukahan mo at nang kotse ko.” Banta ko sa kanya, habang akay ko sya.

Dumating na kami sa bahay nina Jilliene, at kinuha ko yung susi ni Jilliene. Pumasok na kami, at dire-diresto na kami ng biglang may nagsalita.

“Hija, Winter?”

“Tito, bakit po?”

“Kararating nyo lang ba?”

“Ah, opo.”

“Anung nangyari kay Jill?”

“Ah, masama po ang pakiramdam nya kaya po inaalalayan ko po pag-akyat. Nakatulog na rin po pati sya.” Dahilan ko na lang, kesa sabihin ko na “Lasing na lasing po ang inyong anak.”

“Tulungan na kita.” Akmang lalapit na sa amin si Tito, kaya bigla ako nagsalita.

“Tito, wag na po. Kaya ko na po, malapit na rin naman po kami. Sige po, good night na po.” Sabi ko at medyo nagmadali na ako pag-akyat.

Inihiga ko na si Jill sa kama nya, at pinalitan ng pantulog na damit.

“Nakuu, Jilliene. Lagot ka bukas pag gising mo. Pasalamat ka at magaling ako mag-alibi.” Sabi ko sa kanya, kahit alam ko na hindi nya yun rinig.

The Love ProjectWhere stories live. Discover now