Chapter 5
"Ninang Cess!" Patakbong pumunta sa direksyon namin si Rebby. Yumakap ito sa binti ni Francess. "Ninang Cess, I'm here."
Kinuha ko si Rebby sa binti ni Francess. Mahihirapan itong yukuin ito. Mas mabuti ng buhatin si Rebby at ipantay kay Francess.
Pinisil ni Francess ang pisngi ni Rebby. "My baby boy, you're here."
"I miss you, Ninang Cess."
Tumawa si Francess. "Me or the food?"
Ngiting labas ang ngipin niya na sinagot si Francess. "Both po."
Ginulo ko ang buhok ni Rebby. "You should say goodbye to your Ninang Cess."
Malaking ngumiti si Rebby sa Ninang Cess nito. Linapit ko ito kay Francess. Hinalikan nito sa pisngi at yinakap ng saglit si Francess. "Bye, Ninang. Gift ko, huwag mong kakalimutan."
Parehas kaming tumawa ni Francess sa sinabi ni Rebby.
"I won't. Be a good boy, okay?"
"I will, Ninang Cess!"
Ibinababa ko si Rebby at tumakbo naman ito pabalik sa lamesa. At ako naman ay pumasok sa Restroom.
"Tatato! Quick! The food is already served."
"You can eat now," sabi ko at pinagserve ito ng pagkain.
"Tito EK," sabi ni Rebby at ipinagserve si Mr. Villoria.
BINABASA MO ANG
Heart's Resurgence
General FictionON-GOING | 😾 | Fusion of Fates Series 1 Loved by an artist... As they woke up in bed, they were shocked to realize they couldn't remember what had happened the night before. A Lesbian woman, Cleery Arquille got into a one night stand with a...