Chapter 11

78 10 0
                                    

Chapter 11

Nang matapos na magluto ang lahat, isinalansang na sa lamesa ang mga nilutong pagkain. Pagdating ng alas-dose, pumasok na si Rebby kasama ang kanyang mga magulang, at sumunod naman sila Mama at Lolo G.



Kasabay nila ay dumating ang mga inimbitahan namin, sina Lola Senna at ang kanyang apo na babae. Isinama rin ni Lola Senna ang dalawang apo na lalaki.



"Maraming salamat po sa pag-imbita, hija," si Lola Senna ng lapitan ko.



"Ahh, wala po 'yon. Mabuti at nakarating po kayo," sabi ko. "Halina po kayo at kakain na po."



Ngumiti si Lola Senna. "Sige po."



Sumunod sila sa amin sa kusina. Nakasunod lang din ang mga apo niya.



"Lola Senna, ang Mama ko po pala." Pagpapakilala ko sa Mama kung sumalubong sa amin.



Nagmano si Mama sa matanda. "Ako nga po pala ang Ina ni Cleecy, Charlene Arquille." Pagpapakilala ni Mama sa sarili niya. Ipinakilala nito ang anak na lalaki na si Kuya pati na rin ang Asawa nito na si Ate Lebby. At si Lolo G. Kahuli-hulian ay si Rebby. "Ang apo ko nga po pala, si Rebby. Kaarawan niya ngayon kaya napag-isipan namin na rito i-celebrate."



"Maligayang kaarawan, hijo," bati ni Lola Senna.



Kahit nahihiya si Rebby ay nagpasalamat ito. "Maraming salamat po, Lola."



"Maraming salamat po sa pag-imbita sa amin," muling sambit ni Lola Senna. Itinuro nito ang maliit na apo na lalaking dalawa. "Ang apo ko po pala si Jaime at Mikhael." Itinuro naman nito ang babae. "Si Haliya naman ang babae kung apo."



Isa-isa ko rin ipinakilala ang mga kaibigan ko kay Lola Senna. Nagmano naman ang mga magagalang kay Lola Senna. Huli kung ipinakilala si EK Kay Lola Senna.



Matapos magpakilala, inimbitahan ko na ang lahat para kumain. "Halina kayo at kakain na po tayo. Nagugutom na ang birthday boy." Sabi ko nang may ngiti sa labi. Nang mapansin ko ang paghimas ni Rebby sa tiyan nito.



Binuhat ko si Rebby at agad naman na sumunod ang lahat. Si Lola Senna na ang nag lead ng prayer, sa lenggwahe ng Ilocano. "Ama, dakkel a salamat iti panagkakabsat ken panagtaripnongmi kadagiti panagam-ammon amin, especialmente ti kaarawan ni Rebby. Agbiag ti arapaapmo ken agkurkur-uraymo iti panagdur-asmi. Adda kami a naglaon iti daytoy a pammadayaw ken panagdiwata. Pakawanami nga saan nga agkaasi ti kaammuanna a biag ken masirkun a pakairamanan. Ti Panagturayna, ilukay kami iti panagbiag a mapagayyaman, napakasarap, ken panagbunga a napapadasan a pagdayaw ken saludsod iti panagbiag ti kasla awan ti rayot dagiti insigida."

Heart's ResurgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon