Kabanata 14

159 12 9
                                    

Nang nagstart sina Kielo sa laban ay siya ring kabila't kabilang pinapagawang article ng Editorial-in-chief para sa school paper.

"Kinakaya mo pa?" Kate asked habang naglalakad papuntang faculty para ipasa ang papers.

"Ang baba ng quiz ko kahapon, kailangan kong ma-perfect sa susunod." I said.

Hindi ako masyadong nakareview dahil late na akong nakauwi plus I had to fetch Nesrin to some bars dahil natuto na itong gumimik ng gabi. Si Kielo sana ang bibilinan kong kumuha pero kakatapos lang ng game nila. Plus may tampo pa iyon dahil hindi ako naka-attend ng second game nila.

I made a huge sacrifice to attend his first game pero hindi ko na kaya pa na ipilit yong sumunod.

"I heard natalo sila Kielo. Galit na galit 'yong coach dahil hindi siya makapagfocus." She informed dahil kilala niya ang sport's writer na na assign that day.

Bagsak ang balikat ko siyang tinignan. "Ayaw nga niyang sagutin ang tawag ko. Nagtatampo yata pupuntahan ko nalang mamaya."

Kapag tumatawag kasi siya busy naman ako kaya hindi ko makausap ng maayos. Kapag ako naman ang tumatawag hindi na niya sinasagot.

We attend our afternoon class and I really focused a lot, hindi ko maatim na i-analisa pa ito sa condo dahil sayang sa oras. I still have three pending articles to write at may pinapagawa si Council President.

"Labrador? Diba I assigned you to check student na nagcocommunity service sa ground?" si Vice President.

Napatampal ako ng noo. "Ichecheck ko na po, VP."

Kate raised a brow habang busy siya sa ineedit sa laptop. She gave me thumbs up bago ako lumabas. Nakasalubong ko pa si Sonya at Sam nagyayayang lumabas pero marami akong ginagawa.

Nang makarating sa grounds ay chineck ko kung kompleto ang attendance ng mga nagcocommunity service. I sat by a bench habang binabantayan sila.

I did some assignments habang naghihintay. Nang matapos ang dalawang oras ay pinauwi ko na ang mga ito.

I was on the corridor going to the council office nang makita ko si Kielo. He look so furious, dinuro niya ang kaharap. My eyes widened when I saw Zairon. I looked at my wristwatch at kakatapos lang pala ng last class nila.

Mas lalong nangunot ang noo ko nang pumagitna si Lindsey sakanila. She seems nervous habang inaawat si Kielo. I felt my heart fell when I saw how he held Lindsey's hand para harapin si Zairon na nagsasalita pilit lumalapit din ngunit hinaharang ni Lindsey.

"Shut up!" Kielo furiously shouted at dinuro ito, susugudin na sana niya ito nang pumagitna ulit si Lindsey, she hugged my boyfriend.

I felt cold blood came rushing from my feet to my head.

"Kielo!" I called.

He got stunned at unti-unting napalingon sa gawi ko.

"R-Rashiela...." aniya.

"What's this?" I coldly asked habang lumalapit.

Zairon gave that playful grin at pinunasan ang labi na dumudugo. "Rashiela Labrador. Babantayan mong maigi ang boyfriend mo."

I frowned at his statement. Napabaling ako kay Lindsey na nakaiwas ng tingin. I was about to talk nang hinila ako ni Kielo.

"Ano ba! Kakausapin ko pa sila!" I harshly said but his grip tightened. Kinaladkad ako nito sa parking lot.

"Kielo! Ano 'yon?! Bakit nakayakap sa'yo si Lindsey?!" I punched his shoulder ngunit mas binilisan niya ang paglalakad. Nakakaagaw na kami ng atensyon.

"Sa condo na tayo mag-usap." He blankly answered.

Lillium MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon