Kabanata 15

153 13 14
                                    

 I resigned in the school's publication. Walang pumapasok na ideya sa utak ko. Sa council naman election of new officers na kaya hindi na masyadong mabigat ang mga ginagawa. I won't run for officer anymore.

I tried talking to Kielo, visiting him in his unit ngunit hindi ko siya naaabutan doon. I was always present in his games. Nakaka sabay ko nga rin minsan si Juana or si Tito at Tita sa panunood.

Every after class ay hinahagilap ko ito sa mga classes niya. He never talked to me. Palaging umiiwas.

"Hey, uhm...Lunch?" I asked nang minsan maabangan ko ang dismissal nila.

He coldly turned his back.

"Wala pa naman akong kasama." Bulong ko.

I was about to walked away nang makita ko ang pares ng sapatos niya sa aking harapan. Nang nag-angat ako ng tingin ay nasa harapan ko na ito.

"Let's go."

Napangiti ako dahil doon. I was about to clung my hands on his nang may tumawag sakanya.

"Kielo." Zairon and Lindsey appeared. "Diba sa labas tayo ngayon?"

Napakunot ang aking noo. Kailan pa sila naging close?

He sighed. "Sasamahan ko muna si Rashiela, kayo nalang."

I glared at Lindsey na hindi makuhang ipirmi ang mata sa akin.

Kakausapin ko sana ito ngunit hinila na ako ni Kielo. I was stunned upon the contact of our hands. I felt the familiar warm.

Sa cafeteria lang kami nagtungo dahil may class pa siya after an hour.

"Let's date after class?" I smiled at him.

Poker face lang ito. "I thought we agreed that we should cool off for now?"

"I didn't agree, Kielo Javier."

Blanko niyang binaling ang mata sa akin. "I want a cool off."

I frowned. "No! Kung cool off ang gusto mo, edi break up nalang!"

And here I thought he would hyperventilate like before kapag hinahamon ko ng break-up na tila ikamamatay niya.

"Let's break-up then..." he answered with cool tone.

Napaawang ang labi ko. "Bahala ka! Sasagutin ko 'yong varsity sa UP!"

"Your choice, Rass." Blangko niyang usal.

My jaw dropped. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

"Kielo naman, akala ko ba ikamamatay mo kapag maghihiwalay tayo?" I pleaded and shook my head. "Ayaw ko...ayaw ko ng break-up."

"Edi pumayag ka sa cool-off..." he simply answered.

Para akong tinusok ng daan daang kutsilyo. Napayuko ako at nakita ang ube na pulvoron.

"Hey, it's your favorite diba?" I happily said at binuksan iyon. Isusubo ko na sana sakanya nang umiwas ito at tumayo.

"Ang tigas ng ulo mo. Sabing layuan muna natin ang isa't-isa, diba?" he heaved a sigh before grabbing his things. "I should go now."

Napatanga ako sa likod niyang papalayo. Hindi manlang lumingon pabalik.

Nasaan na iyong Kielo ko? 'Yong Kielo na hindi ako matitiis?

I did not gave up. Instead, I pursued him more.

I should not give up that easily, we have been together since we were kids, ngayon pa ba ako susuko sakanya?

"Inaantok na ako, Rashiela." Ani Kate. "...mauuna na ako sa'yo."

Malungkot ko itong tinanguan at pinasadahan ang kabuuhan ng club.

Lillium MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon