Kabanata 21

229 16 3
                                    

Lumipas ang mga araw hanggang sa nag isang buwan si Kahel.

Napapatampal nalang ako nang makita ang engrandeng disenyo sa may garden namin. Tita Kiera and Mama even hired a party planner para sa unang buwan ng kanilang unang apo. Kahit hindi sila okay ay civil naman sila sa isa't-isa.

I shook my head looking at the catering service fixing the foods. Inimbitahan nila ang mga kapitbahay na kaunti lang dahil sa exclusive village ito. Pumunta din ang extended families ng mga Montejano.

"Ate, punta ka daw sa kwarto sabi ni Kuya." Ani Nesrin at nilapitan si Sorsche at Juana sa living room. Anong problema? Nabihisan ko na naman si Kahel. I just went outside to check things at babalik din doon.

I sighed and went upstairs. Naabutan ko si Kielo na pinapalitan ang diaper ni baby.

"What do you need? Nasa guestroom na ang photographer at team nito." I casually asked.

He sighed looking so problematic. "Magfamily photo daw tayo bilin ni Mama. Magbihis ka na."

My eyes widened. "Kailangan pa ba 'yon? I thought si Kahel lang ang magpho-photoshoot?"

Napalingon ako nang bumukas ang aking walk-in-closet, Mama and Tita Kiera went out.

"She will look good with this!"

"Anong 'yan? Mas bagay sa anak ko ang pula!" Mama argued. Napatampal nalang ako sa noo.

"What's wrong po?" I asked.

They both exhaled at hinila ako sa vanity.

Nakamasid lang si Kielo habang buhat na ngayon si Kahel.

"Anak, kailangan ni Kahel ng family photo na makikita paglaki niya!"

"Tawagan mo si Juana at tumulong dito. "Tita Kiera instructed Kielo.

Umiling iling itong umalis buhat ang anak.

I kept arguing na hindi na kailangan pero hindi magpapigil ang dalawa. Wala akong choice nang maayusan ako. Naabutan ko ang mag-ama ko sa guestroom kasalukuyang tine-take ang photo ni Kahel. He is so adorable!

"Ang cute!" sabi nila nang bahagyang umangat ang gilid ng labi nito na parang ngingiti.

Wala akong imik na tumabi kay Kielo na nakabihis na din, nakahalukipkip. He only stare a bit at me bago ibinuhos ang tingin sa anak.

Nang matapos si Kahel ay pinapwesto na kami sa isang simpleng standing pose at iyon na...sana lang ang gusto ko. Pero...

"Anak, akbayan mo naman si Rass!" Tita Kiera shouted.

I heard Kielo sighed and obliged.

"Magdikit kayo at kapwa tignan si Kahel!" Mama shouted. Nasa gitna namin ang anak at kasalukuyang buhat ko. I felt Kielo's other hand on my waist tapos ang isa ay nakayapos sa bisig kong akap ang aming anak.

Marami pa silang pinagawa pero deadma lang ako at parang napapasong lumalayo si Kielo.

Ayaw ko na ng ibang drama. We are not ordinary parents. We are just co-parenting.

Nagsimula ang party na puno ng tawanan ng mga bata. Mas natutuwa pa yata ang mga lola ni Kahel sa bonggang party na ito kaysa sa akin.

"Are you alright?" Kuya Kieran asked at umupo sa aking tabi. I watched Kielo carry Kahel sa table ng mga tiyuhin niya.

"I'm fine, Kuya. Medyo pagod lang."

Ang daming activities sa school lately. Partida mahirap ang online class.

He clears his throat. "I can't help but think, what if nabuhay si Kierson at ang anak niya? He would be standing beside Kielo right now holding his little one also."

Lillium MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon